"What if he's your Romeo, BUT! You're not his Juliet?" *evil laugh*
"Pawee! Wag ka namang ganyan!"
"Whut? Shet ka Steph! Sinabihan ka na niya na nagsasawa na siya at ayaw na niya, pinilit mo pa rin? Anong meron ba ngayon? Uso ba ang parusahan ang sarili?" tapos biglang crying lady si bakla.
"Hindi ko kasi kayang Makita siyang may kasamang iba. I mean, hindi ko kaya Makita siya kasama yung ipinalit niya saken"
"Malamang, sino bang may gustong makita yung babaeng umagaw ng jowakels mo?" I laughed. "Well, Steph, hindi ako yung tamang taong tinakbuhan mo na sasabihin sayo na tama yang ginawa mong pagpigil sa kanya makipagbreak sayo. Ang sama sa feeling na ikaw lang ang kumikilos sa relationship". I looked at her.
"Hindi ko na alam gagawin kooo" then crying ulit siya, this time, crying lvl niya e 99999.
"Alam mo dapat mong gawin? Ibreak mo siya tapos magpaganda ka para hanap ka ulit ng bago. Yun lang naman yun eh. Kelangan mo ng isang taong sasagip sayo from that heartbreak. Sana nga lang in the future, hindi kana maghanap ng ibang sasagip sayo from the person na sumagip sayo sa heartbreak na to." HAHAHAHAHAHA.
"Paweee! May sense pero shet!"
"Anyway, I have to go. I have work pa eh."
"Paano mo napapagsabay ang work at pagaaral?" Steph asked.
"Malamang, kung papaano mo pinagsasabay ang pagaaral mo saka yang walang kwenta mong boyfriend. MINUS the drama!"
"Wait, pwede ba ako matulog sa inyo mamaya?"
"NO. Steph, pinapunta moko dito sa bahay niyo para lang iyakan ng ganyan? Huh! Noo~ you are not going to cry like that sa bahay. Just. Stay. Here. And. Mourn." Laughed so hard.
"SHET KA TALAGAAA!" crying lvl 999999999999
"HAHAHAHAAH. See ya!"
Kung may awarding lang taon taon para sa mga martyr at kulang sa turnilyo na nilalang, si Steph ang inonominate ko at bibilhin ko mga boto ng taong bayan para manalo siya. Hindi naman sa nagsasawa na akong makinig ng kwento niya. Alam naman natin na may mga ups and downs sa relationship but this time, iba na yung situation nila. Inaayawan na siya nung guy. May saltik talaga sa utak.
I'm Pawee by the way. Paoline Gil.. If you are going to ask my full name. Lumaki ako sa lola ko and yung parents ko nasa abroad. Twice a year lang umuuwi. Namatay si lola 3 yrs ago. Pinagbili namin yung house and bumili ng mas maliit na good for 3.
Tutulog sa bahay ko? Tapos iiyak lang siya magdamag? Nakakaloka baka nga makatulog kami pareho. I'm a friend pero hindi ko sila tinotolerate. No way Josei! Naattend ako class 8am to 5pm then nagwowork ako Part time as barista sa isang cafe near the school din. So hindi naman hassle, all of them are walking distance pati yung bahay ni Steph na puno na ng luha ngayon at tatalunin na ata ang baha dun sa malabon.
Work mode: ON.
"Hello!"
"Hey Pawee" Krista, yung owner ng cafe. She looked at her watch. "10 minutes early ah"
"Nako, dapat nga mas maaga pa eh. Nagplano ako na gumawa ng thesis homework habang nakatambay kaso yung friend ko binabaha na naman ng luha yung bahay nila e"
"Is this the same friend?" She laughed. "Steph na naman?" laughed.
"Yes. Yung friend kong may saltik."
Bells~ Bells~ Bells~
"Oh! Yung kapitbahay mo slash favourite customer mo!" then pumasok na si Krista sa loob ng kitchen.

BINABASA MO ANG
SAME COURSE [COMPLETED]
ChickLitA life of Pawee while living alone as a working college student with a pinch of Jinn as his neighbor, a frenemy who will show her what real adventure is all about.