"Dianne!" I exclaimed and tumakbo papalit sa kanya. Yes, Dianne, my cousin from states, nasa harap ng pinto ng bahay ko.
"What took you so long?" She asked "Almost an hour na akong nakatengga dito"
"Sorry" I grinned "wait, what are you doing here? and why didn't you contact me first na uuwi ka?"
"Lumayas ako" she said and I looked around at mukhang boung kwarto nga niya dala niya.
"Are you kidding me?"
"Muka ba akong nagloloko? Can you please open the door para makapagpahinga na muna ako?" She looked at me tapos napatingin siya kay Jinn na nasa likod ko "Wow, cous, look what we have here..."
"Tch~" I looked back and nakasmile na si Jinn. Nangangamoy new member sa fans club niya ah.
I introduced them to each other and after nagpaalam na rin si Jinn na eexit na muna siya sa eksena naming magpinsan. Pagpasok namin sa loob, sinusundan pa rin ni Dianne ng tingin si Jinn from our window.
"I love your house" and she keeps looking at the window "and interesting neighbour ha" tapos umupo na siya sa sofa. "Gosh! I'm so tired!!"
"Teka nga Dianne, can you please elaborate yung linya mo na naglayas ka. From US, naglayas ka tapos dito ka pumunta? Baliw kaba?"
"I know your concern about the amount of money na nilustay ko but before ka magspeech dyan sa harap ko, sasabihin ko na gastos ko lahat to at matagal ko na tong plano"
"Magkakalagnat ata ako sa ginagawa mo. Bakit kaba naglayas?"
"Eh ito si daddy, gusto akong ipakasal sa taong hindi ko naman gusto! Pinipilit ako e. Imagine, hindi ko pa naeenjoy ang pagkadalaga ko" she looked around and "My God Pawee" then tumayo siya tapos deretso sa kabilang sofa at kinuha yung jacket, jacket ni Jinn na nakasampay sa arm rest "Do you own this thing? Ano bang taste meron ka sa fashion? You're killing me"
"It's not mine to begin with"
"Eh kanino to?" napatigil siya tapos nangsingkit ang mata niya "Don't tell me kay cute neighbour ito?"
"Heh~ parang ganun na nga"
"So, anong ginagawa ng jacket na to dito? Nagkamali ba siya ng bahay na napasok?" she laughed
"No" tumayo ako tapos kinuha ko sa kamay niya "pinaheram niya sa akin to eh hindi ko pa nasasauli"
"I smell something fishy, kaya siguro ayaw mo sumunod sa states gawa ng cute guy next door no?"
"Stop that~ nagaaral pako dito that's why"
"If that's the case, willing ka bang ipaubaya sa akin si cute guy? Ha?"
"Go ahead, you don't need to ask something like that"
"Just making sure" then umupo ulit siya sa sofa "but don't worry, I won't. I have the love of my life na and susunod siya dito and we'll escape from all the madness of the world"
"HA?" tawa siya ng malakas sa reaction ko "seryoso?"
"oo, magtatanan na kami. Gusto ko nga sanang i-enjoy pagiging dalaga ko pero ang complicated ng situation dahil ipinapakasal ako sa ayaw ko at sa harap pa ng boyfriend ko sinabi. Imagine the disrespect!"
"Pero Dianne"
"wag ka na magalala. Pawee, kaya ako nagstop over dito kasi from our clan, I know ikaw lang talaga makakaintindi sa akin, give me 2 days, hihintayin ko pa si Francis at ipapakilala ko pa siya sayo"
"but Dianne.. "
"No buts, just support me with this. Malaki nako, alam ko na ginagawa ko"
Wala na akong nasabi after her lines. It's the truth, she can handle herself well saka yung mga situations na pinagdadaanan niya. I am just hoping that everything will be put into place sa mga darating na araw.
The next morning, iniwan ko na muna si Dianne since I have school. Saktong paglabas ko, andun si Jinn and sinundan niya agad ako sa paglalakad.
"How are you?" He asked
"I'm okay. Ayun, suddenly may kasama na sa bahay but 2 days lang talaga siya"
"Anong meron? Well, if you don't mind me asking"
"Not at all, she's waiting for his boyfriend, naglayas e"
"WOW. Nasan yung boyfriend niya?"
"Nasa states pa, may inaasikaso pa daw eh. Nagstop over muna siya dito because she wanted me to meet him"
"I see" he said "eh hindi ba parang malaking trouble yung mangyayari kapag nalaman na nandito siya?"
"Bahala na. I'm sure she'll find a way, hindi naman ako masyado nagaalala. She can handle herself well. Naniniwala ako" I smiled
"If that's the case then, okay" he smiled too.
Saktong labas rin ni Steph sa bahay nila and sumabay na rin siya sa amin. This time, hindi na siya nagtanong kung bakit magkasabay na naman kaming pumasok ni Jinn. Siguro napagod na rin siya which is better.
Part ways na kami nina Jinn pagdating sa campus since iba naman course and major niya. As usual, natira kami ni Steph.
"So, what's the real score? OTP naba talaga?"
"Walang real score steph"
"Wala pa ba?" nagdabog siya "inip na inip na ako"
"inip na inip saan?"
"Kung magiging kayo ba or magiging friends na lang kayo hanggang sa maging kaluluwa na lang kayong dalawa!" this time parang may lumabas na usok sa ilong niya
Napatawa ako, I can't help it, yung frustrations level niya hindi ko na mareach.
"Hindi ako nagpapatawa Pawee. It's obvious naman na gusto ka ni Jinn e, and I can see na ganun ka rin sa kanya"
"Steph, don't jump into conclusions dahil lang sa nakikita mo na close kami at sabay kaming pumapasok most of the times, don't complicate things"
"Don't complicate things? Baka pwede ko naman siyang ibalik sayo? Pawee, don't complicate things!" then umuna na siya maglakad papunta sa room.
"hey steph!" humabol ako. Pagpasok, umupo na siya and tumabi na rin ako sa kanya "listen" I faced her "I don't complicate things. Can you just appreciate the pure friendship na meron between me and him? I am not closing doors steph but at the same time, ayoko rin naman pangunahan" she looked at me na malungkot
"Sorry. Sige hindi na ulit kita kukulitin about it. Pero, OTP ko pa rin kayo!" she smiled na this time. "by the way, saan tayo sa sembreak ha?"
"Steph, one week lang sembreak natin, magbike na lang tayo for a week" then inayos ko na yung upo ko.
"bike na naman? Lagi na lang tayo nagbibike during sembreaks e" nagdabog na naman siya and super funny and cute niya.
Bilib din ako sa bilis niyang makamove on. Magpaturo kayo kay steph kung paano. No. 1? Dapat may Gabriel kayo HAHAHAHA
![](https://img.wattpad.com/cover/98288223-288-k58261.jpg)
BINABASA MO ANG
SAME COURSE [COMPLETED]
ChickLitA life of Pawee while living alone as a working college student with a pinch of Jinn as his neighbor, a frenemy who will show her what real adventure is all about.