Around mga lunch, hinatid na nila ako sa bahay dahil semplang na ako. Gab said na it's okay. No big deal.
"Sana sinabi mo na kanina para hindi kana namin isinama Pao. Your health is more important"
"Health agad?" I laughed "I just need to sleep. I'm sorry for being like this"
"It's okay" Gab grinned tapos tinanggal yung cute hat ko tapos ginulo yung buhok ko then tumawa si Steph na nasa tabi ko.
"Sweet niya no?" Steph asked
"Ito sweet?" tinuro ko si Gab "Baka nga"
Nagtawanan na lang sila after then pinaderetso na ako sa room. I glanced at Jinn and nagsmile na lang siya sa akin. Oh well, itutulog ko na lang. Siguro nasamaan lang ako sa narinig ko and magiging okay rin ako pagkagising ko. Hopefully.
10PM
I looked at my cellphone and it's already 10PM. Napaupo na lang ako and "shit~"
"Oh?" I looked at si Steph may facemask na "anong nangyari sayo?" she asked
"10PM na talaga? Wala man lang akong nagawang productive!"
"Meron naman Pao, ang matulog" tapos tumawa siya.
"Aaaaah" then humiga ulit ako.
"Buti pa Pao, go down and eat dinner. May tinira ako dun, i-microwave mo na lang"
"Oki. Thank you Steph" tapos nagflying kiss lang siya.
Pagbaba ko sakto nasa dining table si Jinn. Nakain rin?
Nagkatinginan kami
"Oh, good morning"
"Naguumpisa ng asar?" I responded habang bumababa sa hagdan "ba't ngayon ka lang nakain?"
"Medyo kanina lang kami natapos, nagswimming kami" he smiled.
"Ahh. Kaya pala facemask agad si Steph" tapos nagtawanan kami. I looked around and wala sina Gab and Christine. "Nasan sila?"
"Pumunta sa convenient store. Dapat si Gab lang eh bibili rin daw si Christine ng personal things niya"
"I see. Bakit hindi ka sumama?"
"Gutom na ako e. Hindi na kaya ng tummy ko nagwawala na"
"ah okay" then kumuha na ako ng pinggan ang sinaluhan na siyang kumain "ininit mo ba to sa microwave?"
"Oo mam. Sakto lang pagbaba mo kanina kakalabas lang niya ng microwave kaya kumain kana. Maghapon kang natulog"
"Sorry ha?" tinarayan ko siya pero tumawa lang siya. "by the way.." itatanong ko ba to? Pero curious lang talaga ako kung anong meron sa kanila ni Christine this time since yung atmosphere kaninang umaga. "Kayo ni Christine, okay naba kayo?" he looked at me "I mean, kasi diba kaninang umaga.." I smiled
"Hmm. We have decided na start na ulit as friends" then uminom siya ng tubig "Nagkausap kami last night and I said that I still like her pero medyo naguguluhan ako" he looked at me "but decided na mas okay siguro if friends na ulit kami"
"I see. Well, curious lang ako ha, don't get me wrong or whatever baka kung ano iniisip mo dyan"
"Ano bang maiisip ko? Na? nagseselos ka?" he teased
"Exactly. I'm just clearing things up. Medyo mahangin ka rin e. Never ako magiging member ng fans club mo" I laughed
"Fans club pa rin ba Pawee..."
"Subukan mong ituloy yan isasalaksak ko sayo tong pitcher ng tubig" then tumawa siya ng malakas at napatawa na rin ako. Gosh. I wish this night would never end.
They have decided na magstay as friends? Pero yung nasaksihan ko last night parang hindi or nagusap pa sila after nila umalis sa garden? Shit. Pao, bakit mo ba inaalam pa? Wag na.
Mga ilang minutes, sabay na kaming natapos kumain. Kinuha ko na yung pinggan niya at sinabi na ako na lang maghuhugas. Hindi naman nagprotesta si bakla at hinayaan talagang ako ang maghugas.
I can feel him standing behind me "Pao, talikod ka muna"
"Bakit?" saying while turning around to face him tapos nilagyan niya ako ng apron tapos he turned me around and tinali niya yung apron sa likod.
"Baka mabasa ka pa ha, binigyan na kita ng protection"
"Wow, thank you ha?" I looked at him pero in a way na inaasar siya
"Are you being sincere?" He asked na teasing way rin.
"Oo, thank you!"
"You're welcome!" he smiled with the feeling proud aura dahil sa ginawa niya. Then he turned around and pumunta sa fridge at parang may hinahanap siya "Pao, gusto mo ba gatas? Hot choco? Coffee? Or beer?"
"What kind of choices?" I laughed "I don't want to get drunk or something so, ekis ako sa beer"
"Okay. Maghot choco na lang tayo. Timpla ko. Maghugas ka lang dyan"
"Maghuhugas ako then yung baso na pagtitimplahan mo, huhugasan ko rin right after?" with the taray look
"No, ako na bahala dito"
"Good" tapos nakita ko nagsmirk siya.
Shit. Yung puso ko. Nagwala siya. Shit. I need to control this kasi feeling ko these coming days kapag laging may interaction kami ni Jinn, ganito lagi ang mararamdaman ko. I stopped washing dishes and just looked at him na sobrang happy habang nagtitimpla ng hot choco. Shit. Imagine the cuteness of this guy. I am so soft for him right at this moment.
"Anong problema Pao?"
"HA?" S.H.I.T
"Anong ha?"
"Ah, wala, may sasabihin ako eh nakalimutan ko na"
"Okay Pao. Okay" he teased
"Huhugasan mo talaga yan ha"
"oo" then kinuha niya yung dalawang baso "let's go. Iwanan mo na yan, tara sa veranda maganda dito kapag gabi" then dumeretso na siya papunta sa veranda ng mansion ni Gab.
I took off yung apron and hurriedly followed him. SO, talagang nagmadali ako? HAHA.
"Tignan mo" he said then tumabi ako sa kanya para makita yung sinasabi niya and shit guys. It feels like nasa taas kayo ng bundok and kita niyo yung mga street lights. Literal na kita yung buong rancho nina Gab sabayan mo pa ng stars sa langit. Just. This. Is. So. Perfect.
"So? What can you say?" he asked me. I looked at him and I just smiled. "Ang sarap sa pakiramdam no?" uminom siya ng hot choco then tumingin sa malayo "ganyan ganyan yung nafeel ko nung pinakita saken ni Gab to the first time. I am so lucky to witness this kind of madness" Nakatitig lang ako sa kanya nung moment na yun at nasabi ko na lang sa sarili ko na I am really falling for this guy.
Yung amount ng kilig and happiness ko ngayon, hindi ko maexplain. Hindi ko alam kung epekto ba ng mga stars sa langit, ng streetlights or itong hot choco na iniinom namin.
BINABASA MO ANG
SAME COURSE [COMPLETED]
ChickLitA life of Pawee while living alone as a working college student with a pinch of Jinn as his neighbor, a frenemy who will show her what real adventure is all about.