VII. HOT CHOCOLATE

477 3 0
                                        

3 days after that here's to more adventures moment, paglabas ko ng bahay, naghihintay na sa akin si Jinn sa patio.

"oh" I smiled. "Good morning"

"Good morning" he smiled "nandyan na sila, ikaw na lang hinihintay"

"ha?" I looked around and I can see Gab, Steph and Christine. "ah, sorry" Nagpeace sign ako and I looked at Christine at medyo badtrip na agad siya sa akin.

Ako ba? Walang karapatang mabadtrip? Ang tanong eh bakit kasama siya? Bakit kasama siya?

Kinuha na ni Jinn yung gamit ko then pumasok na sina Christine and Gab sa van. Nilapitan ako ni steph na medyo nagaasim rin ang face.

"anong meron?" I asked.

"Hindi naman ako nainform na kasama pala si Christine. Kala ko double date vacation na to, hindi naman siya kailangan dito e"

"Steph, sssshhh"

"Nakakainis kasi e. Hmp!" naglakad siya padabog then dumeretso na sa passenger seat since si Gab yung driver.

"let's go na Pao" Jinn got my attention then I nodded. Sumakay na siya sa likod and after niya ako naman. Ang awkward kasi he's sitting in between me and Christine. Gosh!

Then pasara ko ng pinto parang kinalog yung utak ko na why do I need to feel this way? Nagseselos ba ako? Naaasar ba ako dahil akala ko rin kami lang apat? At bakit naman Pawee? Anong meron at nararamdaman mo yang mga yan?

I looked at Jinn and nakatingin na siya sakin "yes?"

"What is wrong? Are you okay?" he asked

"Oo naman"

"bakit natulala ka after mo sarhan yung pinto?"

"Natulala ba ako?" I looked at Steph

"Ano pawee? Nagbreakfast kaba?" Steph asked

"Ah, oo hot choco" I grinned.

"Gab, stop over tayo sa 711 or something. I need to buy Pawee something to eat" Steph said "Lagi kana lang hindi nagaalmusal"

"Bakit hindi ka nagalmusal? Wala ka bang pagkain na? Dapat sinabi mo sakin para nadalhan kita kanina" Jinn said

Medyo natahimik lahat at nabigla yung mga reactions nila pati si Gab napatingin sa rear view mirror to check us out. Si Christine medyo uncomfortable na yung feeling and she keeps looking at us.

"It's okay" I smiled "later na lang kapag may 711 or something na may madaanan"

"Gab, make sure na may madadaanan tayo" Jinn said.

"Okay!" Gab responded and looking at Jinn sa rear view mirror.

Mga ilang minutes pa, may 711 na nga kaming nakita and nagpark si Gab sa paid parking. Sobrang laking abala pa neto.

"tara" Jinn opened the door and pushed me "anong inyo? Kami na bibili ni Pawee"

"Bahala kana" Gab responded.

"Christine ikaw?" Jinn asked

"Just hurry up!" she said.

"Okay!" then hinigit na ako ni Jinn.

"teka lang naman. Maglalakad naman ako e"

"Kung bakit kasi hindi ka nagaalmusal"

"Naghot choco nga ako diba?"

"Ano bang magagawa non?" he looked at me tapos binitawan yung kamay ko and binuksan yung pinto ng convenience store.

Kumuha si Jinn ng 8pcs na hotdog sandwich then 8pcs rin na vitamin water then deretso na agad sa counter.

"Ang dami naman ata? Sa pagkakaalam ko lima lang tayo sa sasakyan?"

"Dalawa sayo"

"Jinn?"

"Kidding" he laughed "para reserba lang" then namili siya ng chocolates sa counter tabi nung mga pulvoron "pasama na rin nito".

Nilalagay na nung cashier yung pinamili namin sa paper bag then bigla niyang kinuha yung chocolate at binigay sakin

"oh, for you" inabot niya sakin pero sa iba siya nakatingin

"Para saan?" I looked at him pero deretso lang tingin niya sa labas

"Kunin mo na lang" kinuha niya yung kamay ko tapos nilagay niya yung chocolate then tumingin siya sa akin tapos tumawa and sabay hablot ng paper bag sa counter.

Paglabas namin ng convenience store medyo awkward. Pangalwang bagay na to na ginawa niya na naging akward kaming dalawa.

"Thank you" I said, he looked at me "sa chocolate?" I raised the chocolate and parang inaasar siya

"baliw" then pinitik niya yung noo ko tapos dumeretso na sa sasakyan.

Kung kailan talaga maiisip mo na sweet na yung nangyari, saka naman biglang mamimitk ng noo.

Pagbalik namin ng sasakyan, nagkwekwentuhan sina Steph and Gab tapos si Christine, tulog with matching eye mask pa.

"What took you so long?" Steph asked and kumuha agad ng hotdog sandwich

"Tagal nung sa counter eh" Jinn said tapos kumuha na rin siya ng sandwich which is binigay na niya muna sa akin with matching catsup pa.

Steph looked at us na tuwang tuwa dahil ang mga gusto niyang mangyari in reality eh nangyayari na. I looked at her at yung grinning moment niya grabe, hindi ko mareach kahit maghagdan pa ako.

Nagcontinue na magdrive si Gab and mga ilang oras, nagising na si Christine. Binigay na rin ni Jinn yung pagkain niya.

"Kumain ka rin. Wag mong itulog kung nagugutom ka"

"Natulog lang talaga ako" kinuha niya yung sandwich "thank you. May care ka pa rin pala no"

Nakatingin lang ako sa bintana na parang walang narinig. Hindi dapat ako paapekto pero shit lvl 547458754 apektado ako. Gusto kong magwala at itulak si Jinn lalo kay Christine pero pinigilan ko grabe. Bakit kailangan kong madama to?

Hindi ko dapat maramdaman.

SAME COURSE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon