After 5 hours, nakarating na kami sa rancho nina Gab. Isa lang nasabi namin ni Steph "WOW!". Sobrang laki niya. Pagpasok mo sa place, parang may offices sa may main gate then sa loob may 4 mansion like houses. Tigiisa daw silang magkakapatid. Yung parents naman niya nandun daw sa kabilang rancho nila.
Kabilang rancho? Shit lang, ilang rancho pa ba meron sila? SHIT.
"Dito tayo" tinuro niya yung mansion malapit sa garden. "Wala ang parents at yung mga kapatid ko, naghongkong but don't worry, pinaalam ko naman to at hindi tayo magugutom" he said.
Nakita ko si Steph na parang di kinaya yung nakita niya. I mean, simple lang kasi si Steph medyo marupok nga lang, hindi niya siguro inakala na ganito kabongga yung buhay ni Gab. Hindi ko mabasa kung gusto ba niya o hindi yung nakikita niya.
Solo lang si Christine sa kwarto. The usual na room niya daw kapag kasama rin siya before then magkasama kami ni Steph sa room tapos sina Gab and Jinn, may sarili ring kwarto.
"Are you okay?" I asked Steph
"halata bang hindi Pawee?"
"What is wrong?"
"Hindi ko kinaya yung nakita ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa or"
"Or?"
"Parang hindi kami bagay ni Gabriel"
"Ha?" I laughed "Just because ganito buhay ni Gabriel eh hindi kana bagay sa kanya? Steph? Anong pangbababa na naman sa sarili yan?"
"Sorry. Medyo naging uncomfortable lang ako. Matatapos rin to" she said tapos nagayos na siya ng gamit.
"Open up ka lang sa akin kapag hindi mo na talaga kaya ha? Let's see kung anong magagawa natin"
She just smiled.
That night, hindi ako makatulog. Hindi naman sa hindi comfortable yung kama pero may pwersa na nagsasabi na wag na muna akong matulog. I looked at Steph kung gising pa siya pero hindi na. Taob na taob na yung lola niyo.
I've decided na lumabas sa terrace nung kwarto. Paglabas ko akala ko Christmas na. May nakapalibot kasing Christmas lights dun sa garden. Medyo romantic yung atmosphere. I stayed at nagpapakathankful dahil ang sarap sa feeling ng hangin at yung sinasabing feeling sa probinsya, nararamdaman ko.
Na para bang wala kang magiging problema pagdating pa ng ilang mga araw. Yung parang kakayanin mo lahat ng pagsubok. Medyo OA ba? Sorry na, ganun kasi nararamdaman ko. One day sana maramdaman niyo rin to.
Mga ilang minutes, napansin ko na may naglalakad papunta sa garden. Niliitan ko yung mata ko para makita kung sino, medyo natakot pa ako nung una kasi baka kung ano sila diba, pero nung tinitigan ko talaga si Jinn saka si Christine. Pumasok sila sa garden area then umupo sa isa sa mga bench don.
Yung reaction ko? Hindi ako pumasok ng kwarto, umupo ako malapit sa sliding door na buti na lang sinarhan ko paglabas ko kanina. Hindi nila ako kita pero kitang kita ko sila from here.
"Wala naba talaga?" Christine asked. Papakinggan ko ba talaga sila? Kapag gumalaw ako dito I'm sure makikita na nila ako.
"Diba nagusap na tayo regarding this?"
"Jinn, I am falling for you. Bakit hinayaan mo lang? Wala ka ba talagang balak saluhin ako after all this time? I am getting hurt Jinn" then umiyak na si Christine
"I don't know what to say. Sorry. Hindi ko naman akalain na hahantong tayo sa ganito"
"Ano bang nangyari? I mean, I know nanliligaw ka and you have the right to stop it pero hindi mo man lang ba naisip na baka I'm falling in love with you? Ano bang gagawin ko?"
"Christine" he looked at her then wiped her tears "I don't want to see you like this, I'm sorry" Christine just nodded. "Can you give me time to think about this? Nakukulitan ako sayo and sa mga pinapakita mong ugali lately but still, I like you pa rin" tapos he cupped christine's face. "stop crying, okay?" Christine nodded.
"Just give me time. Medyo magulo ang isip ko ngayon. I have other problems pa and I don't want you to be involve sa mess na to"
I forgot about Jinn and yung problem niya about his parents. Ang dali niya kasing nabura sa aura niya na may problema siya. Gosh! I just eavesdropped. Pawee, what are you doing?!
"Jinn, please allow me to be involved. I want to be with you lalo na sa mga panahon nato. I want to be there beside you kapag hindi mo na kaya. I want you to talk to me first kung nalulungkot ka, kung masaya ka. I want to be there for you Jinn. Please allow me to be by your side" they are looking at each other's eyes then nilapat lang ni Jinn yung noo niya sa noo ni Christine and he nodded.
He nodded.
The next morning, saktong gising ni Steph paglabas ko ng banyo.
"good morning" she greeted na parang pagod na pagod sa pagkakatulog
"You sound tired" then umupo ako sa dulo ng kama "wag mong sabihing naggym ka sa panaginip?"
"Ang sama lang ng panaginip ko" umunat siya "hinahabol ka daw ng something na hindi ko maexplain tapos hirap na hirap kana daw tapos ako hindi ako makagalaw sa pagkakatayo ko and I wanted to help you so badly"
"What the actual fuck?" I asked then nagtawanan kami.
"ligo na muna ako" tumayo na siya then kinuha na yung towel.
"Hey steph, may dala ka bang concealer dyan?" I asked
"Why?" she looked at me and yung reaction niyang gulat na gulat "what happened to your eyes? Bakit puffy and ang itim?"
I grinned "hindi kasi ako makatulog kagabi. I don't know what happen"
"Hindi kaba comfortable?"
"Namahay lang siguro"
"Nakakaloka. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or maaawa sayo" kinalkal niya yung beauty kit niya then inabot niya sa akin yung concealer. "Later bago matulog magmilk ka ha para marelax ka"
"I will" I grinned tapos dumeretso na si Steph sa banyo.
Yung akala kong makakalimutan ko at makakatulog ako eh hindi nangyari. I cried last night, a bit lang naman about what happened. Nahurt ata ako ng konti sa nakita ko. I think I have feelings for Jinn, hindi man ganun kastrong but I'm positive about my feelings sa kanya.
I like him. Hindi ko alam kung kailan nagstart but nagtrigger yung nangyari kagabi. Karma siguro kasi nageavesdropped ako sa paguusap nung dalawa but, but, I deserve this. Kahit hindi ko intention makinig, nakinig pa rin ako.
I like Jinn and baka hanggang dito na lang to.

BINABASA MO ANG
SAME COURSE [COMPLETED]
ChickLitA life of Pawee while living alone as a working college student with a pinch of Jinn as his neighbor, a frenemy who will show her what real adventure is all about.