Tristan's POV
"Pre! Crush mo din si KC?"
"Di no! Joke lang yun para magselos si Chacha."
"Torpe kadin eh no!!!"
Tama si Bryan.. Torpe naman talaga ko. Matagal nakong may gusto kay Chacha pero walang nakakahalata. Pano lagi ko sinusungitan. Yun lang kase yung way para magkausap kame..
"Tanga mo! Alam mo nang may gusto siya kay Nicolo bat di mo pa pormahan?"
"Kaya nga kunware ako pumayag na magtutor sakanya eh! Alam nilang lahat ayoko pero buti nalang magaling ako magacting!"
"Bakla ka ata eh!" - Erik
"Gago hinde!!!"
"Sige bye na! Di nako sasama! Kayo lang naman ang may crush kay KC! Hahatid ko pa si Jane pauwi!"
"Tangina binata na!!!!" Sigaw ng buo kong tropa. Mga sira ulo tlaga!
"Tara na nga! Wag lang kayo manggulo samin ni chacha ah! Atupagin nyo si KC wag kame!"
"Oo pre!"
(Sa library...)
"Oh magtutor kadn pre?" Tanong ni Nicolo saken
"Oo. Tuturuan ko si Chacha."
"Ah si smiling face."
Smiling face? So close naba sila??????
"Close ba kayo? Bat smiling face?"
"Hindi naman kame close pero pag nakikita ko kase siya lagi siyang nakasmile. Nakakahawa yung smile niya."
"May gusto kaba sakanya?" Tanong ko. Sabay taas ng kilay at hawak sa bulsa.
Ngumiti naman si Nicolo at napakamot sa ulo "w...wala noh.. Di nga ako pinapansin nun eh!"
DI PINAPANSIN? Gago! Baliw na baliw nga sayo si Chacha eh. Pero di ko sasabihin kase magpapapansin ako kay chacha.
"Di ka pinapansin?"
"Oo. Never nga akong kinausap nun eh. Pero okay lang."
"Nagagandahan kaba sakanya?"
"Hmmm.. Oo naman. Cute cute pa."
"Okay." Sabay alis ko. Tangina!!! Torpe din siya eh!!! Sasabihin ko bato kay Chacha oh hinde....
Nasa may table kame at sinasagutan ni Chacha yung pinapasagutan ko...
"Chacha.."
"Oh?"
"Sabe ni Nicolo smiling face kadaw"
Agad niyang binitawan yung pencil niya at biglang tumabi saken.. Magkaharap lang kase kame kanina.
"TALAGA?" Bulong niya "kelan niya sinabe yon?"
"Kanina. Tapos naccutan daw siya sayo"
"Psh. Niloloko mo lang ako eh. Bahala ka nga dyan!"
"Edi wag ka maniwala!" Sigaw ko
"SHHHHHH!!!"
Nagpeace sign naman ako. Kaasar!! Ano ba gagawin ko? Ligawan ko naba ngayon na?? Ay hindeee!!!! Icclose ko muna!
"Uyyy tristan pano to?"
Tinuruan ko naman si chacha.. Seryoso ang ganda niya...
"Psh! Dali dali!"
"Kaya nga nagpapaturo eh!!!!"
Napapansin kong sinusulyapan niya si Nicolo habang nagaaral. Nako naman.
"Pst oy! Aral muna."
Binitawan niya ulit yung ballpen niya at tumabi ulit saken.
"Tristan... Tulungan mokong magpapansin kay Nicolo.. Medyo close naman kayo diba?"

BINABASA MO ANG
Ways on How to Make Papansin
Fanfiction"Pano naman ako chacha? You never asked kung okay lang ba ako. You never asked kung nasasaktan bako! I guess eto na talaga ang dead end para saten. Ang manhid mo"