Chapter 17 "Horror Special"

220 8 3
                                    

Chacha's POV

Isang araw palang ang nakakalipas pero alam na ng madlang pipol na nililigawan ako ni Ken at Tristan. Hinatid kase ako ni Ken papuntang school kanina at inabangan naman ako ni Tristan sa gate ng school. Hindi ko na alam kung ano ang nga sinasabe ng ibang babae.

"Bestie!" Sigaw ni Jane habang tumatakbo papunta saken. Galit parin ako dahil sa ginawa niya. Tsss. Nakakainis.

"Ano?" Sagot ko.

"Galit kadaw saken sabe ni Gino. Sorry na oh. Hindi ko naman kase talaga alam na ganun yung nangyare. Sorry na talaga iloveyou" sabay hug na saken.

Ano pa nga bang magagawa ko... Mahal ko din naman tong si Jane kahit payatot siya... Tsaka di ko naman to matitiis eh.

"Oo na bati na tayo!"

"Yay!!!! Lilibre kita mamaya."

"Ililibre daw ako ni Tristan mamaya eh"

"IKAW AHHHH. NALAMAN KO DIN NA DALA DALAWA NANLILIGAW SAYO AH. BUTI WALA PANG SUMASABUNOT SAYO."

"Kaya nga nagtali ako ng buhok eh." Totoo nagtali talaga ako kahit hanggang balikat lang buhok ko at mukha akong kalbo.

"Hahaha nice.."










Nagring ang bell at sabay kaming pumunta sa classroom.

"Okay class!" Sigaw ng advise namin na si Mr. Alcantara.

"Magkakaron tayo ng leadership seminar sa tagaytay. It's for 3 days at next week na ito."

"Sir!" Nagtaas ng kamay si Bryan.

"Yes Bryan?"

"Kasama din po ba yung ibang years and section?"

"OBVIOUSLY. Next time patapusin mo muna yung sasabihin ko okay?"

"Okay po sir sorry po."

Minsan talaga etong si Bryan tanong ng tanong hindi pa pinapatapos yung teacher. Ganyan din kase yan simula elementary. Ewan ko ba dito parang hindi nalulungkot eh aalis na si KC.

Rinig ko every other 5 years lang ginagawa tong leadership seminar... Mukhang fun kaya sama ko!

"Chacha! Sama tayo?" Tanong ni Jane saakin.

"Sureee!"

Kumuha kami ng form at finill upan agad.

"Girls make sure na ipapirma nyo yan sa parents nyo ha. " - Mr alcantara

"Opo" sagot namin.

Paupo na kami pabalik sa upuan namin ng may pumasok sa lalake.

"Sir sorry po i'm late."

Nagulat kami ng makita si Gino. Ibang iba ito. Lalaking lalaki ang porma at bag. Maayos pa ang buhok.

"Oh..... Gino. Buti't nakabalik kana. Sit down"

"Yes sir.." Pati lakad at boses neto ay lalaking lalaki. Dahil magkakalapit ang upuan namin nila Jane at Gino, nagdaldalan kami habang tahimik ang lahat na nakatingin saamin.

"Napano ka?" Tanong ko.

"Uy bakla.. Ampogi mo ata ngayon?" Tanong ni Jane.

"Magpapakalalake nako ngayon."

"Huh?" - jane

"LALAKE NAKO NGAYON HINDI NA BAKLA."

"HA?! PANO?!" Napalakas ang sigaw namin ni Jane.

"Ewan ko ba kung anong nangyare saken... Gusto ko kasing ano eh...."

"Ano?"

"Ano..... Pormahan si Ney."

"HA?!" - sigaw ulit namin ni Jane.

"JANE. CHACHA. ANO BA YAN. KEEP QUIET." -Mr. Alcantara.

"Ano???? May gusto ka kay Ney?!" - Jane

"Ewan ko ngae. Tsk. Alam mo sis, di ko alam kung bat ginagawa koto. I mean. Nung may sakit ako, di ko sadyang tingnan mga pictures niya sa fb and instagram tapos ayun. Ang ganda pala talaga ni Ney."

"AHHHHHH OMG!!!!" Sigaw naming dalawa ni Jane.

"MS. DIMALANTA! MS. CUNANAN! OUT!"

Tahimik kaming lumabas ni Jane sa classroom... Bigla namang may dumaan na dalawang babae.


"Uy sasama kaba sa leadership seminar?" - girl 1

"Oo why?" - girl 2

"Alam mo bang haunted yung tutuluyan naten dun?"

"Weh? Pano mo nalaman?"

"Yung kaibigan ng ate ko kase naglaro daw sila ng spirit of the glass dun... Tapos hindi natapos. Hindi nga alam ng mga teachers eh"

"Weh? Wag mo nga kong tinatakot"

"Huy ano ba mga pinagsasasabe mo?" Tanong ni Jane

"Ay! Totoo kase yon! Pero kung ayaw niyo maniwala bahala kayo. Just wait and see"

Medyo natakot naman ako dun pero totoo kaya yun? Pano pag totoo? Haaaayyy...

"Nako chacha, wag tayong maniwala sakanila... Mga issue makers lang yan"










Uwian na at sasabay sana ako umuwi kay Gino pero nakalimutan ko na may tutor pa pala at ililibre niya ako.

Natapos na yung pagtututor ni Tristan at naglalakad kami papuntang mcdonalds.

"Sasama kaba sa leadership seminar?" - Tristan

"Ah oo. Ikaw?"

"Oo. Enjoy daw yun eh. Kasama ba si Ken?"

"Ewan ko dun. Ikaw ah pag sinapak mo ulit si Ken oppa ako na sasapak sayo."

"Tsk. Sige pagtanggol mo pa sya."

"Hindi ko siya pinagtatanggol! Mali lang kase ginawa mo."

"Oo na!"

"Oh galit nanaman bahala ka nga jan! Uuwi nako."

"Joke lang di ako galit! Sige di ko na susuntukin si Ken."

"Good"

Napalingon ako sa may bahay.... Medyo napukaw yung attention ko eh. Nakita ko sa bintana ang isang babaeng umiiyak. Mahaba ang buhok at nakatanaw.. May hawak siyang kutsilyo..

"Huh?" - ako.

Salita lang ng salita si Tristan at nagkkwento pero hindi ko ito pinapakinggan dahil nabaling and atensyon ko sa babae at parang kahit anong gawin ko hinihintay ko kung ano man ang mangyayare...

Nagulat nalang ako nang bigla niyang saksakin ang dibdib niya...

"WAG!" Sigaw ko.

"Napano ka?" - Tristan

Napaiyak ako... Natatakot ako sa nangyare sa babae....

"Y...yung babae! Nagpakamatay!" Tinuro ko kay Tristan ang direksyon ng babae pero nung tumingin siya ang sinabe lang niya ay "WALA NAMAN EH"

Pero nakikita ko ang babaeng duguan......

Lumingon ako kay Tristan "meron. Andun yung babae! Tulungan natin siya!!!!" Sabe ko habang humihikbi

Pero paglingon ko pabalik ay wala na ang babae.......

Ways on How to Make PapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon