Nobody's POV
Umalis si Tristan ng galit na galit. Naiwan naman doon si Ken at Chacha na magkasama at si Nicolo na nakasilip lang.
"Oppa... Okay ka lang ba?" Tanong ni Chacha..
"Okay lang ako Chacha..."
Nakatitig lang si Nicolo sakanilang dalawa na nakaupo sa may gilid.. Nagsisisi ito na hindi niya inamin kay Chacha nung una palang ang feelings niya...
"Totoo yung sinabe ko sayo kanina. Tototohanin ko yun." -Ken
"Ang alin?"
"Na manliligaw moko...."
"P..pero may iba kong gusto."
"Wala akong pake. Hihintayin kong mafall out ka kay Nicolo.."
Naririnig ni Nicolo ang lahat kaya medyo naiinis na siya. Sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyayare. Una palang alam na niya na si Chacha ang nagsusulat ng mga loveletters sa locker niya. May perfume kase yung letter and shempre dahil may gusto si Nicolo kay Chacha, alam nito ang perfume na ginagamit niya. #TORPE.
"Sorry Ken pero kaibigan lang talaga tingin ko sayo..."
"No. I will make you fall inlove with me."
Tristan's POV
I WILL MAKE CHACHA FALL INLOVE WITH ME. Kung sa tingin niyo susuko ako, hindi. Ngayon paba ako susuko kung nahug ko na siya at naging close na kame? Gusto ko si Chacha not because of her beautiful smile and cheerful personality. Gusto ko siya dahil una palang, ginusto ko na siyang syotain at alagaan. Ayoko ng nasasaktan siya ng ibang tao. That's bs. Hindi ako titigil hangga't di siya maging head over heels saken.
Chacha's POV
Lord, tulungan niyo po ako... Grabe. Ken and Tristan? Saakin? May gusto? I mean di naman ako ganun kaganda... Sa totoo niyan ako lang ata di nagmamakeup eh. Di rin ako "classy". Ingay ingay ko ngae. Pero bat ako pa?
Totoo nga, kung sino yung gusto mo ayaw sayo.... Eh sino ba talaga gusto ko? Si NICOLO diba? Pero ba't medyo onting onti lang na kinilig ako kay TRISTAN kanina? Kay KEN ewan ko. Friends lang talaga eh.
DAPAT BROKENHEARTED AKO NGAYON PERO BAKIT KO INIISIP YUNG PAGHUG SAKEN KANINA NI TRISTAN?
Nalalandian ako sa sarili ko. -.- maguupdate na nga lang ako ng status nako!
[status update]
"I'm so confused rn."
*Ken Quigaman liked your status*
*Tristan Gomez liked your status*
Susme naman. Hanggang fb ba??
*kringggg kringggg!* nagring ung phone ko. Si Tristan tumatawag..
"Hello?"
"HELLO?? ANONG CONFUSED HA? HINDI MO BA MAGETS GUSTO DIN KITA."
"MAKASIGAW KA NAMAN! OO ALAM KO. SINABE MO NA KANINA!"
*awkward silence krooo krooo!*
"So...... Saan ka ano.... Uhmmm..... Confused?"
"Uhmm w...wala sige bbye na!"
After 10 seconds agad agad nagcomment si Tristan sa status ko.
"Tell me.. At kung hindi mo sabihin, may ipopost ako dito."
*Jane Cunanan commented on your status* "ANO YUN? ^^^"
*Tristan Gomez commented on your status* "Eto na."
*Gino Angeles commented on your status* "anong nangyayare? Anong meron? Kalurkiiiii"
*Tristan Gomez commented on you status* "Check my post!!!"
Ano naman kaya pinost netong mokong nato??? Hmmmmm....

BINABASA MO ANG
Ways on How to Make Papansin
Fanfic"Pano naman ako chacha? You never asked kung okay lang ba ako. You never asked kung nasasaktan bako! I guess eto na talaga ang dead end para saten. Ang manhid mo"