"BRUHA!" Sigaw ni Gino habang tumatakbo prettily..
"Ano? Ginulat mo naman ako eh" sagot ni Chacha
"Ngayon yung tutor mo kay KC"
"So?"
"Tanungin mo kung bakit hindi na siya yung kinuhang muse at ikaw na."
"Baket naman?"
"Para malaman naten DUHHH."
Habang naguusap si Gino at Chacha biglang dumating si Ken.
"Uhmmm hi chacha." - sabe nito habang nakahawak sa ulo at namumula.
"Oh oppa. Baket nagbblush ka?" Tanong ni chacha
"Omg. Crush mo ko?!" - Gino
"Ah hehehe. Ano kaba Gino. Hindi no!" Sagot ni Ken.
"Eh mga nagbblush ibig sabihin kinikilig! Kanino ka naman kikiligin?"
"Hindi ako kinikilig no!"
"Sus! Nako Ken umamin kana crush moko" -Gino
Chacha's POV
Nagtataka ko kung bat iba kinikilos ni Ken ngayon. Hindi naman siya awkward kumilos pag kasama ko siya. Ang ingay ingay pa niya. Eh bat ngayon parang ang gentle gentleman niya sobra saken tapos super maasikaso? ANONG MERON?
Naglalakad ako magisa nang napalingon ako kela Jane at Erik. Sila na pala. Ang sweet lang nila. Pagkalingon ko naman sa kaliwa ko may magsyota din. Grabe forever alone na talaga feeling ko..
Pagtingin ko sa harap.... Si Nicolo ang nakita ko. Nakatayo siya at mukhang may hinahanap. Nakahawak pa siya sa bulsa niya at ang cool cool niyang tingnan. Ano kase yung step na gagawin? (Kuha ng little notebook)
"Say hi.. Teka. Eh nakapagusap na kame eh..."
Omg dumating yung kabarkada niang si Peter..
"4th step: make friends with his friends.."
Okay yun nga! Makikipagfriends ako sa friends niya para makwento nila ko sakanya..
"Hi peter!"
"Oh uhmm hi?"
"San punta mo?"
"Sa elem grounds. Why?"
"Oh? Dun din ako pupunta eh tara sabay na tayo."
Aaminin ko awkward kase first time kong nakatabi ng ganito kaclose si peter. Cute pala tlaga siya pero wa epek talaga saken. Si Nicolo lang talaga..
"Chacha may tanong ako sayo."
"Ano yun?"
"May gusto kaba saken? Bat bigla mo nalang akong sinabayan maglakad?"
Omaygas. Eto na nga ba sinasabe ko eh. Nakalimutan kong sabihin na may pagkamayabang si Peter. Medyo feeler kumbaga. Buti nalang madami siyang fans no!
"Uyy wala ah. Hahahahahahahahahahahahaha! Nakakatawa ka naman Peter."
"Uhm so gusto mo lang tlga kong makausap?"
"Gusto kase kitang makaclose kase alam mo na uhmm magkaklase tayo pero di tayo nagpapansinan."
"Sure."
"Pero di tlaga kita gusto ah."
"Got it. Tara balik na tayo sa campus."
Bumalik na kame sa campus at pagbalik namen, JACKPOT ANDUN SI NICOLO NAGHIHINTAY KAY PETER. Thankyouu lord.
"Oh pre? Close pala kayo ni Chacha?"
"Uhmm ngayon lang nagstart friendship namen. Diba chacha?"
"Oo. Hehe. Nga pala Nicolo..."
Omg di ko maiwasang magblush like naffeel ko ang init ng pisngi ko..
"Hmm?" Tanong ni Nicolo
"Bat nga pala hindi na si KC yung muse nyo?"
Nagtinginan lang sina Nicolo at Peter at biglang binago ni Peter yung topic.
"Ah! Nga pala Chacha birthday ko sa wednesday! Sama ka?"
"Huh? Dadalawin ko kasi si Tristan eh. Sorry"
"Awh sayang sige okay lang"
Tumingin saken si Nicolo ng sabihin kong dadalawin ko si Tristan. Di ko naman alam kung baket. Nagseselos ba sya or what? Okay #feeler
Nagring ang bell at balik na kami sa classrooms pero takang taka talaga ko kung bakit ayaw nila sabihin kung bakit hindi na si KC yung muse. Mamaya kase magalit saken yon lalo na mga kabarkada niyang witches gosh.
Uwian na at magpapatutor nako kay KC....
"Uy chacha!" Tawag saken ni Erik
"Oh Erik baket?"
"Sa wednesday na tayo dadalaw kay Tristan ah. Wag mo kalimutan."
"Oo sasama ko"
"Ikaw pa naman gusto non makita"
"AKO? baket?!"
"Basta. Punta ka nalang sige bye!"
"Bye!"
Nakita ko na si KC at umupo ako sa tabi niya.
"Uhmm Hi"
"hi chacha"
"So uhmm patulong naman ako sa math oh"
"Osige ba."
Mga 30 minutes na siguro akong tinuruan ni KC nagets ko naman yung iba...
Inayos ko yung bag ko at yung buhok ko inayos ko yung pagkakaclip. Hanggang balikat lang kase buhok ko and mahilig ako magclip. Tpos kinuha ko na yung math book and notebook ko.
"Thankyou KC ah."
"Yun lang? Alam ko namang may itatanong ka saken eh."
Hinawi ni KC yung buhok niyang hanggang bewang. Ang ganda niya lang.
"Wala naman akong itatanong eh."
"Sus. Sige ikaw bahala...." Tapos nagsmile siya. May dimples pa siya sa gilid ng labi niya.
"Joke lang! Hindi sa chismosa ako ah... Pero bakit hindi na ikaw yung muse?"
"Sabe na nga ba tatanong mo yan."
Nagsmile lang ako.
"Ang cute daw kase ng smiling face mo sabe ni Nicolo kaya ganun." Pagtutuloy nya
Nagblush naman ako dun kahit alam kong di totoo... "Hindi nga seryoso?"
Biglang namuo yung luha sa mata niya and namumula nadin kilay niya. (Maputi kase si KC) bigla niyang hinawakan yung dalawang kamay ko at ngumiti siya. Nababaliw na ata si KC?
"You're really lucky Chacha. A lot of guys are falling for you. Sana saluhin mo yung lalaking karapat dapat at deserve ka"
Pagkatapos niyang sabihin yon ay bigla niya kong inakap ng mahigpit at tumakbo siya papunta sa cr tapos hahabulin ko dapat siya kaso di umabot. Anong ibig sabihin niya don?

BINABASA MO ANG
Ways on How to Make Papansin
Fanfic"Pano naman ako chacha? You never asked kung okay lang ba ako. You never asked kung nasasaktan bako! I guess eto na talaga ang dead end para saten. Ang manhid mo"