Chapter 9

263 10 0
                                    

[Monday morning]

"HOY CHARMAINE! GUMISING KA DYAN! ANO BA!"

"Ma....." Pagbanggit ni Chacha habang kinakamot ang ulo at ginugusot ang mata. Kakagising lang nito at tulo laway pa!

"Batang ito talaga! Kailangan ba kitang gisingin araw araw?!"

"Eto na ma maliligo na."

"Dalian mo!"

After 25 minutes na pagreready...

"Ma pasok nako ah? Bye---"

"Teka teka! Nga pala yung kababata mong si Ken kakauwi lang galing australia. Bibisita mamaya paguwi mo. AGAHAN MO UWI AH?!"

"Eh ma may tutor pa po ako.."

"Edi pagkatapos. Wag ka nang gumala ha?"

"Opo madam. Sige bye! Loveyou!"

[SCHOOL]

"Hi Chacha!" - Ney

"Hi Ney. Oh bakit ka nandito?"

"Wala. Gusto ko lang gumala sa floor nyo. Andito kase si Tristan eh"

"Ah. Osige."

"WAIT!"

Nagulat si Chacha at lumingon "BAKET?"

"Bakit kayo nagmovies ni Tristan ha?!"

"Ahhhh wala yon wag ka magalala. Iyong iyo na siya kung gusto mo."

"GOOOOD. Mabuti't nagkakaintindigan tayo!"

Pumasok si Chacha sa classroom nila ng inis na inis. Andun sila Jane at Gino na nakatingin lang sakanya.

"Napano ka?!" Tanong ni Gino

Alam na alam kase nila pag galit si Chacha. Nakapout ito at magkasalubong ang mga kilay.

"NAKO! NAAASAR AKO SA KAPATID NI NICOLO KO! TSSSS."

"Baket naman? Wag kana pumatol dun" - Jane

"Eh pano! Tanong ng tanong saken about kay Tristan! Pake niya ba kung nagmovies kame!"

Medyo napalakas ang sigaw ni Chacha kaya halos lahat ng tao sa classroom ay tumingin sakanya. Kasama na dito si Bryan.

"AHA!" Sabe ni bryan sabay punta sa upuan nila Chacha

"Nagdate nga pala kayo ni Tristan! Magkaakbay pa kayo ha!!!!" Pambubuking ni Bryan.

Nakaface palm si Chacha, nakasmirk si Jane at naka'omg' face ang mga babae sa classroom nila.

"OMY!!! Taken na si Tristan." Sigaw ng isang babae. Oh diba OA lang.

"Swerte mo naman Chacha! Si Tristan pa naging boyfriend mo." Sabe naman nung isa.

Tumayo si Chacha sa upuan niya at sinabunutan si Bryan.

"IKAW TALAGA! DIBA INEXPLAIN NI TRISTAN SAYO?!"

"S...sorry na Chacha! Hahahahaha" pangaasar ni Bryan.

"TSSSS. Guys hindi ko boyfriend si Tristan okay?!"

"Pero malapit na?" Pagtatanong ng isa niyang classmate

"Gusto mo din ba ng sabunot?" Sagot ni Chacha.

"OHMYGASSS TEH! Ano bang nangyare?" Tanong ni Gino.

"Ikaw talagang bakla ka chismosa kadin. Pero dahil love kita sige ikkwento ko na....."

Kinwento niya ang reason kung bat sila nagkita.

"WAYS ON HOW TO MAKE PAPANSIN? Send mo saken link mamaya. Ako nalang magpapapansin sa crush ko" - Gino

"Osige. Pero clear naba? WALA KAMING SOMETHING HA?"

[Lunch]

Nakapila si Chacha katabi si Jane sa lunch line nang biglang nakita nila si Nicolo.

"Hoy bruha yung prince charming mo dadaan na! Ayan na dali! Go! Gawin mo na yung step 1!"

Dadaan na si Nicolo at magssmile na sana si Chacha nang biglang natamaan ng volleyball si Chacha sa ulo. Sa labas kase ang pila. Malapit sila sa dulo.

"ARAAAAAAY!" Sigaw ni Chacha

Agad namang tinulungan ni Nicolo si Chacha.. "Okay ka lang ba?"

"Hala. Uy Kate! Natamaan mo yung girlfriend ni Tristan! Lagot ka" - sigaw nung isang girl

"Oh kayo ni Tristan?" Tanong ni Nicolo.

"Ahm...... Hindi."

"Pero malapit na?" Tanong ni Nicolo habang nakangiti

"Huh?" Nagulat si Chacha... Ikaw ba naman asarin ng crush mo sa iba diba masakit yon?

"H...hindi. Nagpapatulong lang ako sakanya" pagpapaliwanag ni Chacha

"Ahhh. Sure kabang okay kalang? Samahan kita sa clinic?"

Agad nabuhayan ng loob si Chacha. "Huh? Uhmm hindi---"

"OH?! Bestie namumula yung noo mo! Magbubukol yan dali punta kang clinic!" - Jane

Tinignan siya ni Chacha at kumindat lang ito.

"Tara sa clinic hingi tayong ice pack." - Nicolo

"Eh.. Hehehee sige"

[Clinic]

"Ayan. Lagay mo lang yan kung saan tinamaan ah bebe"

"Opo ms nurse."

Lumabas sila at nagpunta pabalik sa campus grounds. Dun kase kumakaen karamihan ng students.

"Uhmmm.... Pwede ko bang makuha number mo?" Tanong ni Nicolo

"(OMG!!! HINDI KO PANGA NAGAGAWA STEP ONE TAPOS ETO NA AGAD!!!!) ahh. O--osige."

Nagexchange sila ng numbers.. "Osige. Pagalingin mo yang tama mo ha. Bye."

"B--bye!"

Nakangiti si Chacha at halatang kinikilig ng biglang sumulpot si Tristan.

"HOY."

"AY KABAYONG BUNTIS! Ano ba!!!! San ka nanggaling?! Kanina kapa?!"

"Kumekerengkeng ka nanaman ah. I guess di mo na kailangang gawin yung step 1.."

"Hindi na. Pero thank you ah.."

"Saan?"

"Hot topic kase ako ngayon dahil sayo. Feeling nila magsyota tayo."

"User kadn eh noh." In the inside nasasaktan talaga si Tristan. Di lang niya pinapahalata. Pero pag titignan mo sa mga ngiti niya, alam mong fake.

"Osige Tristan. Kitakits nalang mamaya sa tutoring after school."

"Hindi nga pala ko pupunta."

"Ha? Baket?"

"Basta may lakad ako."

"Saan?"

"Magpapaschedule kami ng operation ko. Kaya pagdasal moko kase malapit nako operahan." Sabay alis ni Tristan.

Ways on How to Make PapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon