Chacha's POV
Nasa bus ako ngayon at katabi ko si Jane. Nasa harap namin si Ken at Gino habang si Erik at Nicolo ay nasa kabilang bus.
Nagulat kami ng biglang pumasok si Ney sa bus namin..
"Excuse me nga noba!" Sigaw niya kay Bryan.
"Sungitttt!" Sagot naman nito
"H..hi Ney. Dito kadin sasakay?" Tanong ni Gino
"Duhhh obviously. Oh hi Tristan! Uhmm Gino pwede bang palit tayong pwesto para katabi ko si Tristan?"
Bat ba kase dito pa sumakay tong loka nato eh!!!
"Nagsusuka kase ako sa biyahe. Okay lang?" - Tristan
"Okay lang may plastik naman sa harap."
"Maingay kase akong katabi tsaka malikot mahihilo ka"
"Okay nga lang"
"Miss Villanueva.. Dito ka nalang sa front seat eto nalang yung bakante."
"Uhmmm sige po." Lumingon siya kay Tristan at sinabing, "sayang sige sa retreat house nalang tayo usap bbye"
Pagalis na pagalis ni Ney agad akong tinignan ni Jane ng 'i know how you feel' look.
"HAY NAKO ANG ARTE ARTE TALAGA TSSS."
Agad tumayo si Tristan sa upuan niya.. "Teka nga, nagseselos ka noh?" Sabay pacute smile.
"HINDI NOH."
"Bestie nagseselos ka noooooohhhhh." Pagasar ni Jane. Si Gino naman ay nakatingin lang at pangiti ngiti.
"HINDI NGAAAAA."
"YIEEEEEE" sigaw nila
"QUIEEEET! MS DIMALANTA AND CUNANAN! KAYO NANAMAN?! PAG TALAGA MAGKATABI KAYO LAGING UMIINGAY. SWITCH SEATS WITH SOMEBODY!" - mr. Alcantara
Hay nako. Eto talagang teacher nato may galit samen eh. Lagi nalang!
"Sir!!!!" Sigaw ni Tristan sabay taas ng kamay. "Dito nalang po si Chacha sa tabi ko para po hindi niya nakikita mukha ni Chacha at di sila magdaldalan."
"Oo nga. Tama. Chacha upo duon."
Umupo ako sa tabi ni Tristan. No choice eh... Biglang sinandal ni Tristan yung ulo niya saken.
"Hoy hindi ako unan."
"Wait lang. Napakakumportable kase pag ganito."
"Ambigat ng ulo mo."
After 1 hour eh nasa biyahe pdn kame. Malapit nadaw kami sa Tagaytay sabe ni sir.
"Uhmmm sir?" Tawag ni Jane habang tumatalong talon sa pwesto.
"Ano nanaman Ms. Cunanan?"
"Sir naiihi napo kase ako. Meron po bang pinakamalapit na stop over dyan?"
"Magsstop over na tayo maya maya can you hold it?"
"Slight po"
"Well just endure it. Konting tiis."
Pinagtawanan ko lang siya kase halatang halata na naiihi na talaga siya...
Tinignan ko si Tristan at halatang hilong hilo na siya sa biyahe.
"Biyahilo ka pala"
"Oo eh. May white flower kaba jan?"
"Meron eto oh. Okay ka lang? Kumain ka kase habang nagbbyahe tsaka sa labas ka lang tumingin."
"Baka tumaba ako at mawala abs ko"
"So ibig sabihin mataba ako ganon?"
"Di naman sa ganon. Maganda kapa din kahit mataba."
Nagstop ang bus at nagsipagpuntahan kaming lahat sa cr..
Jane's POV
GRAAABE! Ihing ihi nako. Pumasok ako sa cr. medyo madilim kahit umaga tsaka luma na pero malinis pa naman kaya lang puro vandalism. May nabasa akong isa na nakasulat ay "i wanna die". Hindi ako mashadong matatakutin pero nakakakaba talaga ito. Nacreepyhan ako nung magpatay sindi bigla yung ilaw sa sobrang kaba ko sa labas nalang ako naghugas ng kamay.
"Babe!"
"Baaaabbbbeeee~ alam mo ba ang creepy sa cr"
"Baket? Malapit na tayo sa retreat house mga 20 mins nalang siguro."
"Good. Eh kase may nabasa ako na nakalagay na 'i wanna die' tapos biglang nagpatay sindi yung mga ilaw."
"Coincidence lang yon since matagal natong lugar nato wag kana matakot"
"Hmm okay."
To be honest kinakabahan parin ako...
Chacha's POV
Pabalik nako ng bus.. Success ang pagwiwi ko!
"Ah chacha..." Tawag ni Nicolo.
"Oh baket?"
"Eto nga pala chips oh. Gusto mo?"
"Wow thankyou."
"May gusto pala akong sabihin sana...."
"Ano yun?"
"Mamaya ko nalang sasabihin medyo madami kase. Sige"
"Okay."
Bumalik nako sa bus ng masaya kase alam kong friends na kami ni Nicolo kahit nasasaktan parin ako sa mga nangyayare. At di ako sure sa nararamdaman ko ngayon.. Ang nasa isip ko lang eh kung paano ako makakasurvive sa leadership seminar ng walang wifi.....
Nakarating na kami sa venue at ang una naming napansin ni Jane ay yung lumang swing.
"Grabe super luma naman na niyan"
"Oo nga noh...."
"Girls musta?" - Gino
"Parang ang creepy ng place na to" - ako
"Pansin ko din eh. Pero mas enjoy yun kase mas may thrill!!!" - Gino
"Subukan niyong magplano ng hindi maganda sasampalin ko kayo isa isa" - Jane.
Naumpisa na ang una naming activity na trusting one another. Part daw yon ng leadership kase kailangan ng trust sa isa't isa para mas maging maayos ang team at ang pagiging leader. Halos hapon na kami matapos noon. Meron kaming 1 hour break at dinner na pagkatapos..
"Bestie tara punta tayo sa rooms!" - Jane
"tara"
Pumunta kami sa rooms. Nilatag na namin ni Jane yung sleeping bags namin.
"Tabi tayo ah?"
"Oo naman."
Habang naguusap kami biglang may gumalawa na something na hindi namin alam.

BINABASA MO ANG
Ways on How to Make Papansin
Fanfiction"Pano naman ako chacha? You never asked kung okay lang ba ako. You never asked kung nasasaktan bako! I guess eto na talaga ang dead end para saten. Ang manhid mo"