Chapter 11

227 9 2
                                    

Tristan's POV

Kinakabahan ako sa kung ano man mangyayare saakin ngayon. Pero bago yon, gusto ko talaga na malaman ni Chacha na gusto ko siya. Matagal na... Kaya lang hindi ko pa kaya. Hindi pa ngayon...

"Nak?"

"Mom."

"Nak kaya mo yan ha? Andito lang si mommy mo okay?"

"Yes ma."

Masaya nako basta kasama ko si mommy.. Siya yung lagi kong kasama simula bata pako. Andito din ang buong barkada. Sina Bryan.. Tumawag nadin saken si Erik. Jusko... Sana success po.

[School Chacha's POV]

"Bestie!!!"

"Ohhhhhhhhhhh?" Sagot ko. Inaantok parin talaga ko. Pano ba naman kase mga 1 am na ata ako natulog kagabi. Kinakabahan kase ako para kay Tristan. Sana success.

"Ang laki ng eyebags mo napano ka?" Tanong ni Gino

"Basta! Tulog muna ko ha sige--"

Biglang nagsigawan lahat ng babae naming classmate kase andito si Ken oppa. Napakamalantong talaga nila nako..

"CHARMAINE COLEEN!"

"Oppa......." Sagot ko. Tinatamlay kase talaga ko.

"Anyare sayo?"

Tumingin ako kela Jane at Gino na mga nakanganga sa harap ni Ken oppa. Pano naman kase.. Nakauniform nadin siya ng school namin at cute naman talaga si oppa.

"Puyat ako eh."

"Ah ganon ba... Osige punta nako sa classroom ko ah? Sabay tayo uwi mamaya okay?"

"Okay."

Paglabas na paglabas ni Ken, biglang nagsilapitan sakin yung mga kaklase ko pati narin yung mga kabarkada ni KC.

"OMG! That guy is so cuteeee! Chacha sino siya?" Tanong nung isa

"Wala kababata ko yun.. Sige na alis na! Gusto ko matulog."

Good thing nagsipagalis naman sila.. Napano na kaya si Tristan???

[Lunch]

Pinatawag ako nung math teacher ko. Pano naman kase wala paring magtututor saken ngayon..

"Hi miss!"

"Ms Dimalanta. Upo ka."

Umupo ako at nagstart na siyang magsalita. "As we all know, naoperahan nga si Mr. Gomez."

"Ah opo."

"So wala paring nagtututor sayo ngayon. So iaassign muna kita sa iba....."

Halos tawagin ko na lahat ng santo para lang sabihin ng teacher ko na si NICOLO ang papalit kay Tristan kaso....

"Si KC Castaneda ang iaassign ko sayo"

"Uhmm pwede po bang magreklamo?"

"Go ahead"

"Miss kase po hindi kami close and medyo awkward po kami ni KC since never ko pa po siya naging classmate."

"Diba ganyan yung reklamo mo nun kay Mr. Gomez? It'll be fine."

"Pero---"

"Mamili ka, ibabagsak kita oh magpapatutor ka?"

"MAGPAPATUTOR PO."

Kaya nakakainis tong math teacher ko eh! Ihhhh! Nako!

Naglalakad ako papunta sa canteen para bumili ng pagkain. Magisa lang ako ngayon since walang mapangasar na si Tristan at papunta palang ako kela Jane..

Ways on How to Make PapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon