Chapter 16

223 8 6
                                    

Pumunta ko sa profile ni Tristan.. Baka kase mamaya hindi maganda yung ipost niya. Pero mali ako...... Naiyak ako...

Naiyak dahil nafeel ko na aalagaan ako ni Tristan. Nafeel ko na may taong may pake talaga saken at nandyan lagi.

Nagpost siya ng mga pictures ko. Isang collage kung saan punong puno ng mga pictures ko simula nung 1st year kami. Mga pictures kong sabog. Oo.... Meron pa nga nangungulangot ako. Tsk. Meron pa yung tulog ako sa klase. Meron din yung tawang tawa ako.... Hindi ko alam kung saan nakuha ni Tristan yon..

"Nagtataka kaba kung bat andami kong pictures mo? Para linawin ko sa lahat ng online ngayon, simula first year palang tayo CRUSH NA CRUSH NA KITA. Gustong gusto kong pinipicturan yung mukha mong laging nakasmile. Yung mukha mong parang laging nagshshine sa iba.. Gusto na kita noon pa. Kaya lang naman ako nangaasar sayo eh dahil NAGPAPAPANSIN AKO. But that's a wrong move... Mali ako, maling mali. Kung matagal na kitang niligawan edi sana ako ang nagustuhan mo at hindi yung lalakeng yon. Nagsisisi ako na tinulungan kita na gawin yung 'ways on how to make papansin'.. Alam kong iisipin mo na ang corny corny ko pero CHARMAINE COLEEN DIMALANTA, gusto kitang alagaan. Gusto kitang maging girlfriend. Gusto kitang protektahan. KAYA PWEDE BA KITANG LIGAWAN?"

#SPEECHLESSAKO

Maniwala man kayo't sa hindi nagulat talaga ako. Iba to sa Tristan na kilala ko. Kahit papano, napasaya ako ni Tristan dun. Hindi man ako sure kung gusto ko siya pero napapasaya niya ko. Masakit man yung nangyare kay Nicolo, atleast alam kong may taong andyan na handa akong mahalin. Pero... Paano si Ken?

Nagring yung phone ko..

"Hello?"

"Hello chacha... I just want to ask something.."

"Ano yun Ken?"

"Kahit balak kadin ligawan ni Tristan okay lang din na manligaw ako diba?"

"To be honest, hindi eh..... Masasaktan ko isa sainyo. Kaya wala nalang akong sasagutin."

"Same thing. Promise, pag hindi moko sagutin, we're still gonna be friends."

"Pero---"

"What? Chacha i've been liking you these past few months... It's not fair naman kung di mo ko bibigyan ng chance pero si Tristan bibigyan mo."

"I'll think about it oppa. Sige na bye."

Ang gulo gulo! Hindi ko na talaga alam! Kung gusto lang din ako ni Nicolo edi sana hindi ganito....

Nicolo's POV

I lost..... Wala na. Wala ng chance.

"Are you okay?" Tanong ni KC. Magkasama kase kami ngayon.

"Yup.."

"So... Kamusta naman akong kadate?"

"Hmm.. Okay naman."

"You still don't like me huh?"

"Hindi sa ganun---"

"I know you like Chacha too..."

"But, gusto pa kitang makilala gusto kitang bigyan ng chance.."

"Paano moko bibigyan ng chance kung yung sarili mo gustong manligaw kay Chacha."

"It's not like that. Wala nakong pagasa..."

"I'm so sorry." Nagstart nang umiyak si KC "sorry.... Kasalanan ko to eh. Kung hindi kita kinausap nung hawak mo na yung flowers...."

"Don't blame yourself.. I wanted to do this to make you happy.."

"I'm not happy Nicolo... Nagguilty lang ako. Sana bago ako umalis maging okay ang lahat para sayo."

"Promise kakalimutan ko na si Chacha.."

"No. I'm fine." Nagfake smile siya "you should just continue on asking out Chacha... Okay lang yon. Let's just stay as friends.."

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya hinug ko si KC. Hindi dahil sa naaawa ako sakanya pero dahil hinahangaan ko siya kase napakatapang niya at napakabait niya. Sana maging successful ang pagpapakemo niya sa ibang bansa...

Ways on How to Make PapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon