Chapter 18 "Horror Special 2"

202 10 2
                                    

A/N: Hi guys! Thankyou po sa mga nagbabasa ng story ko lol kahit konti lang kayo thankyou paren. <3

Sa mga nagtataka kung sino si KC and Ken, nasa may casts napo sila. Si Henry oppa po si Ken and si Iu naman si KC. Hihi. May mga dadagdag na casts pa po kaya abangan! :) thankyou ulit guys!!!

----------

Chacha's POV

"Baka guni guni mo lang yon." Sabe ni Tristan. Pauwi na kame at takot na takot paren ako. Aaminin ko duwag ako. Sa totoo lang si Jane talaga ang matapang... Si Gino naman ayos lang..

"Hindi yun guni guni Tristan...."

"Wag kana matakot. Ako bahala sayo."

"Pero---"

"Akong bahala sayo. Ihahatid na kita sainyo."

"Sweet nyo naman magsyota ba kayo" sabe ng ale na kaharap namin sa jeep.

"Hindi po...... Pero malapit na" sagot ni Tristan. Dahil sa sinabe niya ay napalo ko siya.

"Araaay! Eto naman. Shempre malay mo ako yung sagutin mo at hnd si Ken...."

"May nanliligaw pa sayo na isa?" Tanong nung ale.

"Opo."

"Pero mas lamang to noh kase parang kumportable ka sakanya at ngayon palang parang magsyota na kayo eh." - ale

Medyo nadistract ako sa nangyare na yon kaya medyo nawala yung takot ko. Yung totoo? Binayaran bato ni Tristan?

Pababa na kame ng jeep at sa kasamaang palad, nauntog si Tristan.

"ARAY!"

Shempre tumawa muna ko bago siya tulungan.. "O..okay ka lang?"

"T*ngina ang saket pakingshet. Aray! Manong sorry po"

Expected na yun kase anlaki laking tao ni Tristan hahaha.

"Masakit pa ba?" Tanong ko.

"Malamang. Ang lakas kaya ng kalabog."

Napatawa nalang ako... "Tristan thankyou ah.."

"Saan? Sa libre? Wala yon ikaw pa love naman kita eh"

"Hindi yon.. Pinafeel better moko about sa nangyare. Tsaka super saya ko nung nauntog ka." Pag joke ko.

"Tss. Masaya kapa ah. Tulad ng sabe ko, gusto ko masaya ka at aalagaan kita no matter what."

Nagsmile lang ako... "Sige uwi nako ah byee."

"Ingat."

Tristan's POV

To be honest, natatakot din ako. Hindi ako bakla ah pero nakakatakot talaga... Nagaalala din ako kay Chacha. Tawagan ko nalang siya mamaya para mapafeel better siya.

Nicolo's POV

Should i go to the leadership seminar? For sure pupunta dun si Ken and Tristan. Kailangan ko nang makascore kay Chacha..

[Skype call]

"Hey!" - KC

"Musta?"

"Eto nilalamig sobra hehe. Oh kamusta pagpoporma kay Chacha?"

"Hmm di pako makapagstart... Pero sisimulan ko na sa leadership seminar."

"Leadership seminar? Ay oo nga pala. Sayang di ko naabutan. Too bad.. Pero alam mo bang..."

"Ano yun?"

"Haunted yung tutuluyan nyo dun. Yung isa kong kabarkada kinwento saakin"

"Ano kaba naman KC naniniwala kaba don?"

"It might be true.. Just saying you know, para atleast alam mo."

"Hmmm.... Malay naten.."

"Sige i have to go na. May check up pako. Sige bbye!"

HAUNTED? Tsss... Totoo kaya yon...

[After a week.... Morning papunta sa Tagaytay...]

Chacha's POV

Grabe. 3 days lang yung camping pero halos ipadala na ni mama saken yung buong kwarto ko. Ang hirap tuloy buhatin. Kasama ko ngayon si Gino na lalaking lalaki paren at si Jane and Erik.

"Babe, ano ba mga dinala nyo. Bat ang dadami." Tanong ni Erik kay Jane.

"IT'S A GIRL THING!!!" Sabay naming sabe ni Jane

"Nakita niyo naba si Ney?" - Gino

"Hmmm ikaw ahhh... Porket naging LALAKE kana kinakalimutan mo na kame"

"Hindi naman sa ganon chacha, shempre friends paren tayo pero gusto ko din naman pormahan si Ney.."

"Speaking of Ney, ayun sila oh. Kasama ang kuya niya.." - Jane

"Kasama si Nicolo? Teka lang babe, puntahan ko muna ah" - Erik

Bakit ganun? Wala nakong pake kung andyan si Nicolo o wala.... To be honest ang hinahanap ko talaga ay si Tristan........ Asan na kaya yun?

"HOY!!!!" Biglang sigaw ni Tristan sa likod ko.

"Anakngpating!"

"HAHAHAHAHAHA! Hello. Tabi tayo sa bus ah?"

"Sorry katabi ko si Jane eh."

"Ahhh. Pareng Gino tabi nalang tayo ah?"

"Ge." Sagot ni Gino

"Kung ano namang kinalaki ng bag ko tsaka naman yung kinaliit ng bag mo." - Ako

"Eh 3 days lang naman. Bat ba anlalaki ng bag nyo? Tskkk."

"MR. GOMEZ!!" Sigaw ni Miss batad yung adviser niya.

"Sige sige kitakits nalang sa bus tntawag ako ng adviser ko eh."

Umalis na si Tristan at pinuntahan si Miss Batad.

"OKAY EVERYONE!! ILAGAY NIYO NA YUNG MGA THINGS NYO SA BABA NG BUS! KAILANGAN NAKALAGAY NA YAN IN 10 MINUTES!" Ms. Genoso

Sa laki ba naman ng bag ko, pano ko to kakayanin...

Buti pa yung bag ni Jane nailagay na ni Erik.. Nahihiya naman akong ipalagay yung akin... Ako na nga lang magbubuhat.....

Kukunin ko na sana yung bag pero nagulat ako ng may bumuhat nito.. "Ako na" sabe ni Nicolo habang biglang kinuha ang bag ko.

"S...salamat." Paalis na sana ko nang bigla niyang sabihing....

"Uhmm may katabi kana sa bus?"

"Meron. Si Jane. Sige sakay nako ah. Thankyou ulet bye" nagsmile ako this time totoo na dahil narealize ko na kung hindi ako gusto ni Nicolo ay okay lang...

"Sayang.." Sabe niya. Narinig ko yun pero nagbingibingihan ako.

"Huh?"

"W....wala sige kita nalang tayo sa Reatreat house."

TEKA NGA... ASAN BA SI TRISTAN..... BAT KO BA SIYA HINAHANAP??? .

Ways on How to Make PapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon