Chapter 25

157 9 2
                                    

Guys super thankyou po talaga sa mga comments and votes nyo. Alam ko onti lang kayo pero naaappreciate ko talaga. <3 PROMISE MAGIGING SUPER KILIG YUNG ENDING NG STORY NATO. Thankyou ulit guys!

-------

Naglalakad si Chacha sa loob ng gym. Nagbackout na siya sa pagiging muse dahil sabi niya masaya na siya na sila na ni Tristan at di pa sya ready makausap si Nicolo.

Hinahanap niya si Tristan ng biglang tumunog ang mic...

"Hello? Hello? Mic test.. Mic test.. Ang pogi ko ang pogi ko..."

'Isang tao lang ang magsasabi neto' sabi ni Chacha sa isip niya..

Nakita niya sa stage sa gym si Tristan na nakatayo... Super gwapo nito. Yung ibang mga teachers ay nakangiting nanunuod lang.

"Pst oy kayo! Tingin dito! Makinig kayo!" Sigaw ni Tristan sa mga first year hs na lalaki.

"So kung alam nyong lahat, kami na ni Charmaine Coleen.. Yung maganda, yung laging nakangiti tapos super sexy." Sa umpisa palang napaluha na si Chacha.. Makulit man tong si Tristan eh sweet parin.

"Chacha... Wala pakong formal proposal so eto... Will you marry me?"

"HAH?!" Sigaw halos lahat ng mga estudyante.

"Jokeeee! Next time yon. I mean can i be your boyfriend? Para maiba kase gusto ko unique tayo"

Lumapit si Tristan at may dalang flowers. Nagsipaglabasan lahat ng mga lalaki sa basketball team at may hawak na balloons at poster na nakalagay. 'I LOVE YOU BABES'

Paglapit ni Tristan, "oh bat ka umiiyak?"

"Ang sweet mo kase ulol ka."

Hinawakan ni Tristan ang pisngi ni Chacha.

"ASAN NA ASAN NA?!" Sigaw ni Jane habang katabi si Erik. "OMG ANG SWEET NILAAAA."

Tinignan ni Tristan si Chacha sa mata. "Oh ayan na proposal ko ah. Sa susunod na yung will you marry me kapag nameet ko na mommy mo."

Ngumiti lang si chacha. Mga 10 seconds sila nagtitigan ng bigla nalang inakap ni Chacha si Tristan.

"I love you"

"Ulitin mo nga please?"

"MAHAL KITA."

"MAHAL DIN KITA CHARMAINE COLEEN DIMALANTA."

Ways on How to Make PapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon