Chapter 24

167 6 4
                                    

"Bat ka umiiyak?" tanong ni Tristan kay Chacha habang naglalakad papunta sa lunch line.

"Wala...." biglang humarap si Chacha kay Tristan at inakap ito. ikinagulat ni Tristan ang lahat ng mga nangyayare..

"Napano kaba? Nagaway ba kayo ni Nicolo?"

"Hindi wala..... humarap si Chacha kay Tristan. "....super thankful ko na ikaw na yung gusto ko ngayon, mas deserve kita...." tumulo yun mga luha sa mata ni Chacha lalo... "..... sana wag mokong iwan Tristan.. Gusto kitang makasama mahigit sa kanino pa.. Salamat ha. Sa lahat ng effort mo na maghintay saken.."

Bumitaw si Tristan sa pagkakaakap kay Chacha at hinawakan niya ang pisngi nito.. " Ako paba mawawala sa tabi mo? hinding hindi kita iiwan kahit kelan" sa mga sinabeng yon ni Tristan, lalong napaiyak si Chacha. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin lang sakanila at super kinikilig!

"Buti pa si Tristan at Chacha..." - Ney

"Naiinggit kaba?" Tanong ni Gino

"Duh. Antagal tagal ko nang crush yang si Tristan no!" Bigla nalang umiyak din si Ney pero hindi niya ito pinahalata. Ayaw niya ng siya yung nagmumukhang mahina.

"Ok lang yan andito naman ako..."

Natapos ang lunch time at kasama nila Chacha sa table sila Jane oati sila Gino.

"So, kayo naba ni Chacha?" Tanong ni Jane

"OO. Kame na." Sagot ni Tristan. Naghihintay siya ng sasabihin ni Chacha pero wala itong sinabi at nakangiti lang.

"Uy. Wala kabang ikokontra?" - Tristan

"Wala."

Biglang napatigil si Tristan. "SO TAYO NA TALAGA?"

"Oo. Ayaw mo?"

"TALAGA?!"

"Oo nga..."

"WAIT HINDI MUNA PWEDENG MAGING KAYO." Pagsingit ni jane.

"Baket?" Sabay na tanong ni Chacha at Tristan.

"Duh. May gusto din sayo si Ken remember???"

Biglang dumating si Ken. "Ayos lang saken." Naglingunan silang lahat kay Ken. Lumapit ito kay Tristan at kay Chacha. "... Tanggap ko na na hindi ako yung deserve na lalaki ni Chacha, mas deserve ka niya Tristan."

"Oppa..." - Chacha

"Hoy ikaw Tristan! Alagaan mo yang si Chacha ha! Kundi malalagot ka saken."

"Oppa!" Nakangiting lumapit si Chacha at inakap si Ken.

"HOY BABES ANO. KAKASABE MO LANG KANINA NA TAYO NA TAPOS NANGLALALAKI KANA AGAD?" - Tristan

"Heh! Ni hindi kapa nga nagppropose ng 'will you be my girlfriend' ng maayos eh!"

Nagreready nang matulog si Chacha nang may biglang kumatok sa bintana niya.

"Ay pakshet! Magnanakaw!!!" Sigaw ni Chacha

"Babes ako to..." - Tristan.

Agad pinapasok ni Chacha si Tristan. "Paano ka nakaakyat donv?"

"Superpowers!" Sabe ni Tristan at bigla niyang hinug si Chacha.

"Ano bang ginagawa mo dito ha?" Hindi pinapahalata ni Chacha na kinikilig siya.

"May dala akong ice cream...." Tinaas ni Tristan ang hawak na plastic "baka gusto mo.."

"Shempre gusto ko no...."

Umupo sila sa kama ni Chacha. Nasa gilid yung kama niya kaya nakasandal at nakaupo si Tristan habang si Chacha naman ay nakasandal sa balikat neto. Nanunuod sila ng spongebob.

"HAHAHAHA!" Tawa ni Tristan

"ANG OA MO TUMAWA BABES."

"Eh kase naman natatawa ako kay patrick."

Mga 10 seconds ng hindi sumasagot si chacha... Ng tanungin niya si Tristan "... so kaya ka galit saken lagi non kase nagpapapansin ka?"

"Oo kaso ikaw ang bulag bulag mo di mo manlang ako pinapansin non. I mean pinapansin moko pag super galit ka. Tapos baliw na baliw kapa kay Nicolo." Halatang nagseselos si Tristan.

Umusog lalo si Chacha papalapit kay Tristan at inakap ito. Nakasandal ang ulo niya sa dibdib ni Tristan. "Nagselos ka naman. Ikaw naman ang gusto ko ngayon eh. Tandaan mo yan."

Hinalikan ni Tristan ang noo ni Chacha. "Bawal muna sa lips kase baby pa tayo."

Ngumiti naman si Chacha dahil alam niyang nirerespeto siya ni Tristan...

"Ayoko na magmuse sa Sportsfest..."

"Bakit naman?"

"Ayoko lang... Tsaka ikaw wag ka muna maglaro ng basketball kakaopera mo lang few months ago."

"Kaya ko na.. Teka concerned kaba?"

"MALAMANG OO." Binatukan ni Chacha si Tristan.

"Aray ah.."

Iyon na siguro ang pinakamasayang araw na magkasama sila. 5/12/14 anniversary nila Chacha at Tristan. <3

Ways on How to Make PapansinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon