Chapter 5 - The Start

23.5K 927 248
                                    


Chapter 5 – The start

Lexi's POV


"Hi ma'am!" bati ko dun sa babaeng nakaupo sa table niya. I'm assuming she's the librarian.

"Library's still close. 8 am pa ang bukas,"

I pouted. "My friend told me she's here po----Uy Isha!"

"Kaibigan mo pala ang bagong librarian namin." Huh? Si Isha, librarian na dito?


Lumapit kaagad sa'kin ang bestfriend ko. Parang hingal na hingal siya at kabadong-kabado. Yakap-yakap niya pa ang backpack niya.

Ano ba ito? Hinabol ng multo?


"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ko.

"Ha? Oo naman. A-ang laki pala nung library. Grabe napagod ako kakaikot."

I raised an eyebrow at her. She's definitely lying. Nagja-jogging kami nito palagi at nagba-bike pero hindi naman siya agad napapagod.


"Iha, ito na ang form. Ibigay mo na lang sa akin 'yan after ng classes niyo," pagtawag nung babae.

"Magstart na po ba ako mamaya?"

"Yup----"

Sumingit agad ako. "Nako, birthday niya po ngayon."

"Ano ka ba Lexi, ayos lang---"

"Ganun ba? Bakit 'di mo sinabi agad? Happy Birthday! Sige, bukas ka na lang magsimula. Enjoy your day. Amin na muna ang mga susing ibinigay ko sa'yo." Napansin kong pawisan ang kamay ni Isha ng kinuha niya ang mga susi sa bulsa niya. Nagpaalam na rin kami kaagad at mabilis na umalis sa library.


"What is wrong with you?"

"W-wala!"

"Sissy, kilala kita. You can't fool me" She pulled me towards the comfort room of our building. Tapos nilock niya 'yung pintuan.

"Promise me you won't tell anyone."

"Bakit? Ano bang ginawa mo?" Binuksan niya 'yung backpack niya at may nilabas siyang weird-looking book.

"Kinuha ko 'to sa library kanina"

Nanlaki ang mga mata ko. "ANO? ANNIESHA, BALIW KA BA? Dapat niregister mo 'yan! Sira ka, new students tayo dito at SCHOLARS PA! Kapag nahuli ka, for sure expelled ka agad!"

Parang nanlumo siya sa sinabi ko. Ibinalik niya na sa bag niya yung libro bago siya siya nagpaliwanag. "Hindi ko kasi pwedeng i-register dahil sa restricted area ko ito kinuha."

"Restricted pero pumasok ka? Trespassing 'yan huy!"

"Student librarian na nga ako, 'di ba? Ibig sabihin may karapatan na kong pumasok don!" pagde-defend niya sa sarili niya.

"Sure ka ba? 'Di sana nagpaalam ka dun sa librarian kanina hindi 'yung ninakaw mo pa 'yan! Nako, ako natatakot para sa'yo!"

"Hindi ko naman ninakaw, Lexi. Hinihiram ko lang. Ewan ko ba pero iba 'yung pakiramdam ko dito sa libro. 'Di ko mabitawan! Gustong-gusto ko na nga basahin kanina!"

Limerence: A Kiss of WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon