Chapter 43 - Little Danger
Anniesha's POV
"What was that for?" tanong ni Klied habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko gamit ang kanyang mga kamay. "At bakit ka umiiyak? May problema ba?" malambing na tanong niya.
Umiling ako at ngumiti. "Wala. Meron lang ako ngayon kaya siguro ako emotional," pagkukunwari ko.
He studied my face before he laughed. "Talaga ba?" I took his hands away from my face but he held it. "Bakit nga pala nandito ka? Gabi na ah."
Doon ko lang naalala si Jaden. I immediately looked for him but he's nowhere to be found. I blushed when I realized that he must have seen what just happened.
"Ano. G-gusto ko lang makasiguradong okay ka kasi---kasi wala ka sa campus kanina."
He smirked. "So na-miss mo ko kaya ka nandito?"
Umiwas ako ng tingin. "Hindi noh!" I lied.
"Ahhh. Kaya pala pagkakitang-pagkakita mo sa'kin, niyakap mo agad ako tapos hinali----"
"Oo nga pala, may pasok pa bukas. I gotta go." Tumalikod na ko at nagmadaling lumabas ng bahay nila, but he's faster than me. Hinarangan niya agad ako.
"Pag-drive na kita---"
"No, it's okay," agad na sabi ko. BAKIT BA KO NAHIHIYA NG SOBRA? E KASI NAMAN ISHA! WHY'D YOU HAVE TO KISS HIM?
"Sumabay ka na sa'kin, gabi na tapos maglalakad ka pa? Besides, uuwi na rin ako sa bahay ko."
"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa Lolo at mga pinsan mo?"
"I'll drop by tomorrow, anyway." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa garage nila. Napanganga ako sa dami ng mga kotseng naka-park doon. Grabe talaga sa yaman ang mga Ferrells.
Habang nagda-drive siya ay tinitigan ko ang kanyang mukha. Masaya ako na nandito na uli siya.
"Baka malusaw ako niyan," biro niya kaya umiwas ako ng tingin. "Kumusta ka pala? Anong ginawa mo buong araw?" He reached for my hand and held it. 'Yung kaliwang kamay niya naman ay nakahawak pa rin sa manibela ng kotse.
"Pumasok lang sa mga klase ko. Tapos nag-work ako sa 3B." Tumango lang siya. "Ikaw?" I asked him.
"We're here," He suddenly said. Tumingin ako sa labas at nagulat dahil nasa tapat na kami ng bahay ni Lexi. Ang bilis niya kasi mag-drive kaya nandirito na agad kami.
"I'll pick you up tomorrow." Ngumiti siya ngunit hindi ako umimik. Instead, I held his hand tighter.
Natatakot na akong pakawalan ka. What if mawala ka na naman bukas? What if mali pa rin ako ng hula? What if hindi naman pagbabasa ng Limerence ang solusyon upang maibalik kita?
"What is it?" tanong niya. "Something's different with you. What's wrong?"
"W-wala." Binitawan ko na ang kamay niya at inalis na ang seatbelt ko.
"Clingy ka kasi meron ka? Ganon?" tanong niya.
"Siguro," I answered.
"Sana pala lagi kang meron, hahahaha!"
BINABASA MO ANG
Limerence: A Kiss of Words
FantasyIf there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. But what if her love for reading suddenly lead her to danger? Will she be able to save herself? Or w...