Chapter 37 - Capture
Lexi's POV
"Bakit ba kayo laging nagbabangayan niyan ni Spade?" tanong sa akin ni Jack pagpasok namin sa Ferrell Mansion.
Grabe napakalaki pala talaga ng bahay nila. Kasyang-kasya kami ng buong angkan ko dito.
"E paano, hindi na 'ko tinantanan niyang pinsan mong demonyo," nakasimangot na sagot ko. Jack laughed loudly. Sinundan ko lang sila papunta doon sa likuran ng mansion.
Wow. Ang daming tao! Paano nila nagagawang magpa-party para sa ganitong karaming mga estudyante? For sure, malaki ang nagastos nila. Ang daming alak at pagkain sa table. May DJ pa sila at disco lights.
"Mukhang sanay na sanay kayo sa mga gantong events ha," I commented while Jack's trying to find us a spot. Wala na kasi kaming maupuan ni Talya.
Kanina pa dapat kami dito kaso itong si Natalia, nagyaya na umuwi muna sa kanila upang makapagpalit daw siya ng damit. Syempre dahil nakisakay lang ako sa kotse ni Jack ay wala akong naging choice kundi sumama na lang.
Tinext ko nga si Isha kanina kaso nadala ko pala ang phone niya. Na-guilty tuloy ako na kinuha ko ang bag niya para lang pumunta din siya dito sa party. I shouldn't have done that. Hindi ko dapat siya pinilit.
Ayoko rin naman sumama e. Nadala lang ako ng galit ko kay Spade.
"I can't even remember how many times we've thrown a party."
I looked around and noticed a lot of different faces. Kakaunti lang ang mga kilala ko.
"Where are your cousins?" tanong ko nang mapansing wala sila Spade. Nasaan siya? I'm here to annoy him.
"They're probably in the woods, having fun with some girls." Ewww.
"Si Klied? Nakita mo? Panigurado kasama niya si Isha."
"Nandyan lang 'yung mga 'yon. Ay ito, dito muna kayo," Pinaupo niya kami doon sa isang mahabang log malapit sa bonfire.
Jack left us to grab some drinks and food.
"I'm so lucky to be his girl," sambit ni Talya habang nakangiting tumititig sa boyfriend niya. "Sobrang maalaga niya. He's nothing like the other Ferrells."
I nodded. Sa kanilang magpipinsan, si Jack nga lang ang pinakamatino. I think Jester's a good guy too pero hindi ko naman lubos na kilala ang isang yon. He's so mysterious. Palaging siyang wala. Kung nandito man, hindi mo rin gaano mararamdaman ang presence niya. Medyo tahimik kasi 'yon.
"I'm sure he's lucky to have you too. You look like you're willing to give every thing for him," I commented, noticing the way her eyes linger at Jack.
Bagay na bagay silang dalawa. They both came from wealthy families. At parehas pa silang mabait.
"I love him that much." She looked at me and smiled. "He makes me really happy."
"Do you guys fight?" curious na tanong ko. Parang 'di naman sila nagaaway. Nagkakatampuhan, oo pero 'yung away talaga? I don't think so.
BINABASA MO ANG
Limerence: A Kiss of Words
FantasyIf there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. But what if her love for reading suddenly lead her to danger? Will she be able to save herself? Or w...