Chapter 17 – Flowers Bloom
Anniesha's POV
"Maybe I should wear a dress...." I mumbled as I'm applying some light make-up on my face. Honestly, excited ako sa pagpunta namin ni Klied sa Elysian. Never pa kasi akong nakalabas ng Cythella.
Tuwing naga-out of town sila Tita at Ate Margo ay hindi nila ako isinasama. Aniya'y walang magbabantay ng bahay namin. Para namang may gintong tinatago si Tita.
"Wag na lang pala. Baka asarin pa ko ng baliw na 'yun." Nagsuot na lang ako ng white na shorts tapos floral na pink top. Ang init kasi ng panahon ngayon kaya gusto ko presko suot ko.
Palabas na sana ako ng kwarto ko nang mahagilap ng mga mata ko ang Limerence book na ipinatong ko kagabi sa study table ko. Kinuha ko iyon pagkatapos ay inilagay ko na sa bag ko.
Ewan ko ba. Pakiramdam ko ay may kulang tuwing hindi ko dala-dala iyon.
Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko at bumaba na. Bigla ko naman narinig si Ate Margo na tinawag pangalan ko. "Gagala ka?"
Patay. Akala ko tulog pa siya dahil tanghali na siya palagi nagigising.
Humarap ako at umiling. "H-ha? H-hindi."
"Anong hindi? Magsisinungaling ka pa talaga, Isha? Halatang-halata sa suot mo na hindi ka sa trabaho pupunta. So where the heck are you going?" Pinagpawisan yata ako bigla sa tanong niya.
I can't tell her I'm meeting Klied today. For sure, magkakaroon pa siya ng follow up questions.
"School." Wew. Siguro naman maniniwala siya sa palusot ko. Nung orientation, naka-shorts din naman ako.
"Anong gagawin mo sa CU? Next week pa ang start ng classes."
"May mga papers pa kasi akong kailangan pirmahan at asikasuhin. I'm a scholar, you'll never understand it." Umirap siya sa akin.
Oops. Hala isha, behave. Baka sabunutan ka ng Ate Margo mo!
"Whatever. Oh, bilhin mo na nga rin. Utos 'yan ni Mama e aalis din ako so wala akong time gawin 'yan." Tiningnan ko ang papel na inabot niya. List of groceries namin iyon.
"Wala siyang iniwang pera?"
"Wala. Ikaw ang gumastos."
"Hala ate, wala akong pera---"
"Oh please. 'Di ba may secret savings ka na iniwan ng parents mo sa'yo? Nagdadamot ka lang kaya pinapalabas mong wala."
"Kung meron e 'di sana lumayas na ko dito," I whispered.
"Ano yon?"
"Wala ate." For sure may iniwang pera sa'yo si Tita. Gagastusin mo lang kaya ayaw mong ibigay sa'kin. Psh.
Bigla namang may bumusina sa labas kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Who's that?" She asked.
"S-si Natalia. Sinusundo ako. Alam mo naman 'yun, rich kid."
She rolled her eyes. "Basta bilhin mo 'yan ah." Sa'yo inutos, sa'kin mo ipapasa. Huwow.
BINABASA MO ANG
Limerence: A Kiss of Words
FantasyIf there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. But what if her love for reading suddenly lead her to danger? Will she be able to save herself? Or w...