Chapter 10 - Prince Charming

22.5K 1.1K 418
                                    



Chapter 10 – Prince Charming

Anniesha's POV


Kumalat sa buong mundo ang kakaibang pagbabago ng weather dito sa Cythella. Hindi raw maipaliwanag ng mga eksperto kung paanong nangi-snow dito sa amin samantalang tirik na tirik ang araw sa buong Luzon.

Madaming nagsasabing sign na daw ito na malapit na ang katapusan ng mundo which is scary if you'll believe them.

In result, pinagkaguluhan ang bayan namin. Ang dating tahimik na Cythella ay dinayo na ng mga turista.

Puno ang town square kung saan marami ang mga taong picture-an ng picture-an at naglalaro ng nyebe. Ang nagiisang Cythella Hotel ay fully booked na rin kaya nga ang ilan sa mga bahay dito na may extra room ay pinapa-rent na.


This is both an advantage and disadvantage to us. Sabi nga ni Mayor, malago ang mga businesses kumpara dati ngunit ang safety naman namin ang iniisip niya. Before, kampante kami na walang masasamang tao ang magnanakaw o gagawa ng kasamaan sa lugar namin. But now? We're not one hundred percent sure anymore.


Bumisita maski ang president sa amin upang kausapin si Mayor. 'Di ko alam kung ano ang napagusapan nila dahil hindi pa naman nababalita pero sabi ng ilan ay baka daw maghigpit na ng security sa buong syodad.

They might limit the number of tourists who can enter our place everyday at mukhang bawal na rin yatang magtagal ang mga hindi taga-rito. 2 or 3 days lang yata pwede.


"Isha, ano ba! Nakatunganga ka na naman diyan! Buhatin mo na 'to!" sigaw ni Tita Lena sa akin.

"Ay opo. Sorry tita." Tumakbo agad ako sa kinatatayuan nila at binuhat ang mga shopping bags nila. Tita promised me she'll buy me a winter jacket kung aasistihan ko sila sa mga pinamimili nila. Pumayag na 'ko dahil hindi naman ganun kahirap ang kondisyon niya. Besides, wala na kong pambili ng mga makakapal na jacket dahil mahal 'yun at wala na talaga akong kapera-pera ngayon.


I already bought a laptop yesterday. 'Di ko sinasabi sa kanila dahil alam kong magtatanong si Tita kung saan ako kumuha ng pera.

Nakakatakot nga dahil baka i-brought up na naman niya 'yung tungkol sa naiwan 'daw' na pera sa akin ng mga magulang ko. Mas lalo siyang 'di maniniwala sa'kin na wala akong alam tungkol doon kung makikita niyang nakabili ako ng laptop.


"'Di ba sahod mo kahapon? Bakit 'di ka makabili ng mga bagong jacket at boots?" tanong ni Ate Margo habang namimili siya ng mga damit. Tumingin ako ng isa at nanlaki ang mga mata ko. Grabe ang mahal naman nito. 4k agad! Sweater lang!

"May pinaglaanan kasi ako, ate. Sa school."

She raised an eyebrow at me. "Scholar ka, sabi mo? Or are you lying to me and my mom?" Even Tita stopped to look at me.

"Oo scholar ako pero hindi naman lahat ng gastos dun sagot nila. Syempre may mga projects pa kami."


Tumalikod na si Tita while Ate Margo keeps on staring at me.

"Kamusta 'yung activity niyo ba 'yon? Ano, pinagalitan ka?" ngingisi-ngising tanong niya.

Limerence: A Kiss of WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon