Chapter 14 - Bracelet
Anniesha's POV
"Oh," sabay abot sa akin ni Klied ng isang papel pagka-park niya dito sa parking lot ng mall.
"Ano 'to?"
"Pagkain siguro, Isha." I glared at him but decided to read the paper instead. Isang listahan ng mga art materials.
"I'm not really into shopping so do me a favor. Ikaw na lang mamili. Here's my card. Magkita na lang tayo 'pag tapos ka na."
"Teka, saan ka pupunta?"
"Maglilibot. Maghahanap ng babae. Kakain." Tignan mo 'to. Ginawa pa kong katulong.
"Bakit? May reklamo ka?"
"Wala po," annoyed na bulong ko.
Bumaba na ko ng kotse niya dahil baka kung ano pa masabi ko. Kainis! Mas maganda pang mag-trabaho sa 3B kaysa naman maging utusan lang nitong si Klied!
Pumasok na ko sa loob ng mall at dumiretso sa isang art supplies shop. Sobrang haba naman nitong listahan na ito! Wuy wuyyy!
"Paint brush, Paint Scraper, Paint Rollers, Bristle brush, Masking Tape----Teka, pati paint? Paano ko bubuhatin 'yon? Ang bigat bigat non!" I stomped my feet and crumpled the paper. Dadaan pa pala ako sa hardware store. Badtrip!
Hay Isha. Pagpasensyahan mo na lang ang prinsipeng iyon. Walang alam sa mundo 'yon kaya ganun. Ang alam niya lang ay 'yong magutos ng magutos.
Kumuha na ko ng cart at sinimulan ng bilhin ang mga materials na medyo familiar sa akin.
"Acrylic Painting, check! Watercolor, check! Mixing Trays, check! Spray paint? Pati 'yun?"
After an hour, tumigil ako ng mapansin kong punong-puno na ang cart ko. "Kailangan ba talaga lahat ng ito?" Sobrang dami! Feeling ko 'di niya magagamit ang ilan dito. But what do I know about art galleries? Ang idea ko lang ay isang lugar 'yon na may mga paintings na nakasabit sa mga walls.
"Baka magalit pa kapag 'di kompleto. Bahala na nga. Pera niya naman gagamitin dito." Pumila na ko sa cashier. Medyo natagalan nga ko doon dahil isa lang ang kaha na bukas at madami pa ang mga estudyante ngayon. Siguro dahil magsisimula na ulit ang second sem kaya namimili na ang ilan sa kanila.
Noong turn ko na para magbayad, inabot ako ng ilang minuto. Buwisit na buwisit tuloy 'yung mga babaeng nasa likuran ko.
"Prince Klied Ferrell?" pagbasa nung nasa cashier sa nakalagay na pangalan doon sa card.
"Ah opo. Pinapabili niya po kasi lahat ng 'yan sa'kin." Inangat ko 'yung gusot na listahang binigay ni Klied.
Ano ba 'yan, mapapagkamalan pa yata akong magnanakaw. Lalake 'yung name doon tapos babae 'yung gumamit ng card. Shunga talaga itong si Klied! Dapat sinamahan niya na ako e!
"Narinig mo 'yun? Ferrell daw?"
"Kaano ano kaya ni ate ang Prince natin?"
"Oh my! Baka naman kinuha niya lang kay Klied ang card?"
"Shunga! 'Di mo ba narinig, maid yata siya!"
BINABASA MO ANG
Limerence: A Kiss of Words
FantasyIf there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. But what if her love for reading suddenly lead her to danger? Will she be able to save herself? Or w...