Epilogue

5.7K 354 122
                                    

Epilogue

#LimerenceTheLastKiss


Klied's POV


Habang nagtatawanan ang mga kaibigan ko ay napansin kong unti-onting bumagal ang mga galaw nila. I looked around my hospital room and noticed that everything's starting to be blurry.

"Bro, what the f*ck is happening?" tanong ko kila Jack ngunit hindi niya ako naririnig.


Bumagal ang mga salita nila hanggang sa nawalan na ng tunog ang buong paligid. Tumayo ako at nanlaki ang mga mata ng bigla na lang humangin ng malakas.


"Sh*t!" Sinubukan kong kumapit sa mga pinsan ko dahil natatangay ako ng hangin ngunit nagulat ako nang hindi ko sila mahawakan. Tumatagos ang kamay ko na para bang patay na ako.

Yumuko ako at pumikit hanggang sa naramdaman kong tumama na ako sa pader. Napaupo ako at tinawag ang pangalan ng mga pinsan ko.


And then the strong wind suddenly stopped. I slowly opened my eyes. Dahan-dahan akong tumayo at pinagmasdan ang kwarto.


Nandito pa rin naman ako sa Cythella University ngunit wala na ang mga kaibigan ko.

"Nasaan na 'yung mga 'yon?" Doon ko lang napansin na wala na ang swero sa kamay ko. Kailan pa tinanggal 'yon?


I immediately looked for my phone. Kinuha ko iyon doon sa table at hinanap ang number nila Jack ngunit walang kalaman-laman ang cellphone ko.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman naaalalang nag-reset ako ng phone ko. I decided to dial Isha's number kaso hindi tumutuloy ang tawag ko.


"T*ngina, ano bang meron?" naguguluhang tanong ko. Kinuha ko ang mga damit ko na dinala ni Spade at nagpalit ako ng pants at white shirt. Pagkatapos ay lumabas na ako ng room ko.

Natigil ako ng makitang wala ang mga bodyguards ko.


I frowned but continued walking. Nagtaka ako ng walang katao-tao sa nurse station.

Bakit nila iniiwan iyon? What if may emergency at kailanganin ang tulong nila?


Habang hinihintay umakyat ang elevator ay sinubukan ko pa rin tumawag kila Isha. Pero may sira yata itong telepono ko dahil ayaw talagang makatawag.


"Damn it!" inis na sabi sabay pasok sa elevator.

Paglabas ko sa lobby ay mas lalo akong nagtaka. This was supposed to be one of the busiest places here at CH. Pero ang tahimik ng buong floor. Walang guards, walang mga nurse at doctors na nagtatrabaho at walang mga pasyenteng naglalakad.


I immediately went out and looked for my car. Then I drove to Anniesha's house. Nagwo-worry ako dahil kanina pa siya umalis ngunit hindi pa rin siya tumatawag. Knowing her tita and her cousin, something could have gone wrong.


Pagdating ko sa bahay niya ay kumatok kaagad ako. I was surprised when I noticed that the door is unlocked. 

Limerence: A Kiss of WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon