Chapter 30 - Drawback

15.3K 553 217
                                    

Chapter 30 - Drawback

Anniesha's POV


I couldn't sleep all night because of what Klied did. Sobrang naguluhan kasi ako.

I hated him for kissing me for three times already but last night, when he was about to do it again, it suddenly feels alright. I didn't stop him. In fact, I didn't want to stop him.

UGH KADIRI KA ISHA! Tumigil ka nga!


Sinabunutan ko ang sarili ko at napapikit sa inis. Nahihibang na 'ko.

Katulad niya, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.


"Girl, you honestly look like a Zombie right now," pagtawa ni Ashley. "A crazy zombie,"

Well, I feel crazy so....


"What's that?" tanong naman ni Talya na kakadating lang dito sa Study Hall.

This is Ashley's idea by the way. She wanted all of us to meet here since wala naman daw kaming mga klase ngayon. Nalalapit na kasi ang Annual Festival ng Cythella University kaya after exams, magre-ready na ang lahat for this big event.

At first, I thought it's just like Intrams na may ball games and labanan ng mga course pero mas bongga daw ito. According to our prof, kailangan daw mag-participate ng lahat. Madami sa mga kaklase namin ang sasali na lang sa singing contest o 'di kaya doon sa mga sayawan. And since, hindi naman namin masyado tipo ni Lexi ang pahiyain ang mga sarili namin sa stage ay nag-decide na lang kaming sumali sa mga clubs na gagawa ng booths.


"Ano kayang magandang theme para sa booth?" tanong ko sa kanila, totally trying to distract myself to forget about Klied.

"Kissing booth." And just when I thought I'll be able to get rid of him, he showed up.

We all looked behind and saw the Ferrells walking towards us.

Kung paano nila nalaman na andito kaming mga girls, 'yun ang hindi ko alam. Maybe Ash told Ace.


Nagtawanan sila at pinagtutulak si Klied.

Jack: "Ang g*go talaga neto hahaha"

Spade: "But I like that one. Astig nga e. Basta hot girls lang ang pwede ah!"

Ace: "Oo nga! Save us some tickets? HAHAHA."

Jester: "Kamanyakan niyo talaga e noh?"

Jaden just smiled and waved at us.


"Hoy Ace, may girlfriend ka. 'Di ka pwede sumali sa ganon," pagsita naman ni Jack.

"Psh" yamot na sabi niya. "Tagal naman kasi matapos ng deal."

I saw Ashley frowned before looking away. Girl, kelan mo ba matatanggap na hindi naman magseseryoso sa'yo si Ace?


Umupo na silang magpipinsan. Si Jack, tumabi kay Talya. Mukha naman silang okay pero kitang may tampo pa rin si Natalia sa boyfriend niya. Nakakapanibago talaga makita silang hindi sweet. Ever since kasi na naging sila, sobrang clingy niyang dalawa sa isa't-isa.


Si Ace, tumabi naman kay Ash pero cellphone ang inatupag. Ashley took his other hand. Nag-holding hands sila pero ramdam kong balewala iyon kay Ace.

Limerence: A Kiss of WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon