Chapter 23 - She's Back
Anniesha's POV
"Umamin ka nga sa'kin. Hindi ka natulog kagabi noh?" I stared at Lexi's sharp eyes.
"Natulog naman. Pero pagising gising kasi ako," pag-amin ko.
"At bakit naman? Because you're too excited for today?" pagtawa niya habang naglalakad kami.
"I wish," I whispered. Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa text message na na-receive ko kahapon but the weird thing is, it's gone. I don't remember deleting it pero pag-gising ko, wala na 'yung message sa inbox ng phone ko.
How will I prove to her that I'm not making things up? She might freak out and say I'm losing my mind again.
"Ugh!" I heard her groan. Sinundan ko ang tingin niya, only to end up with the Ferrell Cousins walking in front of us.
Halatang hindi nila kami napapansin sa dami ng mga babaeng nakapalibot sa kanila. Naglalakad silang anim kasama si Jaden na para bang mga model. They all look really good.
My eyes landed up on Klied. Naka-shades siya at diretso lang ang tingin. Mukhang wala siya sa mood today.
What's new? Kahapon pa siya ganyan. May dalaw yata hahaha.
"Grabe ang gagwapo niyo talaga!"
"Marry me!"
"Single ako! NBSB! Never been touched! Never been kissed!"
"0906*******! Call me ha! Available ako anytime!"
"Anakan niyo na ko please!"
"Sluts," Nikki suddenly showed up beside us. Naka-crossed ang arms niya at halatang naba-badtrip siya sa mga babaeng nagfa-fangirl sa mga Ferrells.
"Sinabi mo pa. Alam na nilang may girlfriend ang dalawa sa mga 'yan pero nilalandi pa rin nila," dagdag ni Talya.
"Mga walang respeto," Ashley murmured.
"Wuy wuyyy," sabay na sabi namin ni Lexi sabay iling. Nagtawanan na lang kami at umalis na sa crowd. Ayaw na namin makigulo sa kanila. Besides, malapit na mag-ring ang bell. We should be at the conference room by now.
"I like your dress," pag-compliment ni Lexi kay Ashley.
"Thanks! I have to look more beautiful since everyone is gossiping about me and my boyfriend. Ayoko namang masabihang hindi ako karapat-dapat maging girlfriend ni Ace. Alam niyo naman ang mga tao ngayon, sobrang judgemental."
Natalia frowned. "Ewan ko sa'yo Ash. Pinagsabihan ka na namin pero 'di ka pa rin nakikinig. Bahala ka nga diyan," buwisit na sabi niya sabay walk-out.
"Well I can't blame you. Kahit maloko basta gwapo, papatusin ko HAHAHA!" pagngisi ni Nikki bago hinabol si Talya.
"Hala, magkakaaway kayo?" Lexi asked.
"Not really. Hindi lang talaga pabor si Natalia sa ginawa ko."
BINABASA MO ANG
Limerence: A Kiss of Words
FantasyIf there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. But what if her love for reading suddenly lead her to danger? Will she be able to save herself? Or w...