Special Chapter 2
Anniesha's POV
"Sino ba yang istorbong 'yan?" rinig kong sigaw ni Tita pagkatapos kong pindutin ang doorbell.
I looked at my parents and they're both frowning. Bigla akong kinabahan sa mga itsura nila. It's been years since I last met them but I've always remembered them as optimistic people. Palaging nakangiti at pinapasaya lang ako. Kaya naninibago akong makita na mukhang galit sila. It feels weird and scary at the same time.
Si Mama na ang pumindot ng doorbell this time.
"Teka lang, punyeta!" sigaw ni Tita. "Margo, buksan mo nga ang pintuan!"
My heart's beating fast when I heard Ate's footsteps. The last time I saw the two of them was when Tita slapped my face two weeks ago.
I told them I'm not going to ask them to leave this house, and yet here I am, doing the exact opposite. I was against the idea of making them homeless but like what my parents said, this is our property. At kailangan namin kunin ang amin.
Hindi naman syempre namin tinanggap ang alok nila Tita Kalila at Tito Fernan na tumira sa Ferrell Mansion o 'di kaya, sa hotel. Hindi ko pa naman asawa ni Klied para umasa sa pamilya niya.
Pagbukas ni Ate ng pintuan ay sumama agad ang timpla ng mukha niya. She raised an eyebrow the moment she saw me.
"Ano na namang ginagawa mo ditong epal ka? Bakit nandito ka?" pagtataray niya.
"Ikaw ang dapat namin tinatanong niyan," pagsingit ni Mama.
Nagulat si Ate nang mapansing may mga kasama pala ako. She stared at my Mom before looking at my Dad.
"And who are you? Bakit ka nangingielam dito?" pambabastos niya sa nanay ko. "Pwede ba Isha, tigil tigilan mo na kami!" She told me before she slammed the door.
Napabuntong hininga ang nanay ko. Nag-door bell ulit si Mama hanggang sa binuksan na ni Tita ang pintuan.
"ANO BANG PROBLEMA----ANNIKA?" Tita had her jaw dropped when she saw my Mother. Tapos ay napahakbang pa siya patalikod ng makita niya ang tatay ko. "Kuya? Paanong buhay kayo?"
Kinusot niya ang mga mata niya bago siya napahawak sa pintuan. Nanghina siya nang ma-realize niyang totoong nasa harapan niya ang mga magulang ko.
"Hindi mo man lang ba kami iimbitahin sa loob?" My mom asked but she didn't wait for Tita's answer. Pumasok na ito sa loob ng bahay at binangga pa ang balikat ni Tita.
I walked behind my Dad. Ewan ko ba pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Ngayon pa lang alam ko ng medyo mahihirapan akong may mga magulang na ako. Sa palagay ko, simula ngayon ay hindi na ko pwedeng gabihin umuwi, hehehe.
"Grabe, anong ginawa niyo sa bahay ko?" I heard my Mom says.
"Si Isha ang sumira ng mga gamit," pagturo ni Tita sa akin. I looked away. Totoo naman 'yon.
BINABASA MO ANG
Limerence: A Kiss of Words
FantasyIf there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. But what if her love for reading suddenly lead her to danger? Will she be able to save herself? Or w...