Chapter 48 - Protect
Anniesha's POV
"May dumi ba sa mukha ko?" nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa Viorante Building. Mula entrance kasi ng CU ay kanina pa tingin ng tingin sa akin ang mga tao.
"Ang weird---" Natigil ako sa may hagdanan nang makita ko si Lexi. Pinagmasdan ko ang mukha niya, mukhang hindi na siya galit.
Yumuko na lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Lalagpasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita. "Isha."
I immediately looked up. Hindi ko ine-expect na kakausapin niya 'ko. I thought she's still mad at me. Kaya nga hindi ko siya tine-text man lang or china-chat. She said she doesn't want to be my friend anymore.
"Pwede ba tayong magusap saglit?" tanong niya. Tumango ako at sinundan siya. Pumasok kami sa laboratory room at naiwan sa labas ang bodyguard ko. Agad akong niyakap ni Lexi ng kaming dalawa na lang.
"Sorry sissy! I didn't mean to be harsh or selfish. Sobrang nagaalala lang kasi talaga ako sa'yo kaya ko nasabi lahat ng masasakit na salitang 'yon." Natawa ako at niyakap na rin siya. She's crying so much, nakakapanibago. Ang matapang na bestfriend ko, tiklop pagdating sa akin. She's really like my sister.
I had doubts with our friendship because of what Ate Margo said. Pero napagisip isip kong hindi ganon si Lexi.
"Okay lang, nage-gets ko naman. May mali din ako dahil nakipagsagutan ako sa'yo. Sorry."
Lumayo siya at nag-pout. "Natatakot kasi talaga ako. I don't want you getting hurt."
"Lahat tayo may tendency masaktan kapag nagmahal tayo. There's no assurance that I'll be happy forever but I'm taking risks because I love him too much. Hindi ko kayang mawala si Klied."
She laughed a little. "Okay lang sumugal sa pagmamahal pero wag mo naman isugal ang buhay mo."
I nodded. "I'm not. 'Yung sa racing, hindi naman talaga niya 'ko tinuruan non. He's teaching me how to drive tapos bigla kaming hinabol ni Hunter so I had to drive faster. 'Yung sa baril naman, it's safe. May protective gears naman while we're shooting."
"I hope you're not going to get another tattoo. Nakakapanghinayang ang kinis ng balat mo sissy kung matatakpan lang ng ink."
"I'm not planning to," sagot ko. "But there's really nothing wrong with it. Look, ang ganda kaya." Sabay pakita ko sa kanya ng crown tattoo ko.
She smiled. "I'm really sorry for over acting."
"Wala na 'yon sissy. Bati na tayo."
"Babawi na lang ako sa'yo. I'll be your bodyguard too!"
Tumawa ako. "Hindi ko na kailangan ng isa pang magbabantay sa'kin noh."
"Are you kidding me? Almost everyone hates you right now. Hilarious, I know pero wala e. Nasa iyo na kasi ang korona."
"Ha? Anong sinasabi mo?"
"Wait, you don't know?" Kinuha niya ang phone niya at pinakita sa'king trending ang pangalan ko worldwide.
BINABASA MO ANG
Limerence: A Kiss of Words
FantasyIf there is one thing that can make Anniesha really happy, that would be books and not boys. It is her way to escape reality from this cruel world. But what if her love for reading suddenly lead her to danger? Will she be able to save herself? Or w...