PROLOGO

634 18 4
                                    

Hinding-hindi malilimutan ni Ana kung paano siya paghigpitan ng kan'yang Ina mula sa pagbabasa ng mga libro.

Halos umiyak ang langit kasabay ng kan'yang pagngawa habang sinasabi ang mga katagang.

"Bakit ho ba bawal ko iyon basahin?"

Ngunit kahit ilabas niya ang lahat ng kan'yang luha'y wala pa rin itong talab sa kanyang Ina at iisa lang ang laging sinasagot nito.

"Sundin mo na lamang ang sinasabi ko Ana."

Lumaki si Ana'ng uhaw sa dahilan kung bakit nga ba hindi siya pinahihintulutan ng kanyang Ina mula sa pagbabasa.

Simula kasi ng sumikat ang gusto niyang libro'y halos lahat ng libro sa mundong ito'y hindi na hinayaan pa ng kan'yang Ina na mahawakan ito ni Ana.

Tumigil si Ana sa pag-aaral simula ang insidenteng iyon.

Tanging haligi na lamang ng kanyang kwarto ang kinakausap nito at sinasandalan sa tuwing nalulugmok ito sa lungkot.

Lungkot sa kadahilanang bakit pinagkakait sa akin ang kalayaan.

Isang araw ay nabalitaan niyang aalis ang kan'yang Ina upang asikasuhin ang negosyo nito sa ibang probinsya.

Tila ba nabunutan ng tinik ang kan'yang dibdib at muling gumaan ang kan'yang pakiramdam.

Tila ba simula nang umalis ang kan'yang Ina'y naramdaman niya ang kalayaan.

Lumipas ang dalawang araw ay mag-isa pa rin ito sa kanilang tahanan.

Hindi niya tinangkang lumabas ng kwarto at napagpasyahang manatili na lamang doon.

Kahit na isa na iyong tyansa upang maging malaya.

Tumakbo ang oras at sumapit na naman ang gabi.

Isang gabing malamig at nakakatindig balahibo.

Humiga siya sa kan'yang kama at sinubukang ipikit ang kan'yang dalawang mata ngunit may boses na bumubulong sa kan'yang kaliwang tainga.

"Subukan mong lumabas mula sa iyong silid Ana."

Kahit hindi niya iyon pansinin ay paulit-ulit niya pa rin iyong naririnig.

Ayaw nitong tumigil at pinipilit siyang sundin ang sinasabi ng bumubulong sa kan'ya.

Idinilat niya ang kan'yang dalawang mata.

Mula doo'y tumayo siya sa kan'yang kama.

Pinagmasdan niya maigi ang malaking pinto ng kan'yang kwarto.

Iniisip kung tama ba ang nais niyang gawin.

Napapikit siya nang mariin bago napahinga ng malalim.

"Wala naman sigurong masama kung lalabas ako."

Bulong nito sa kan'yang isipan.

Mula sa kan'yang kinatatayua'y inihakbang niya ang kanyang kanang paa.

Dahan-dahan at maingat na maingat ang kan'yang paglalakad.

Hanggang sa mapatapat na siya sa malaking pinto.

Muli siyang napahinga ng malalim.

Iginalaw niya ang kan'yang kamay at hinawakan ang tumbol ng pintuan.

Ipinihit niya ito at bumungad sa kan'ya ang isang madre.

Napaatras siya sa kan'yang nakita kaya naman napangiti ang madre sa kan'yang inasal.

"Huwag kang matakot Ana."

Halos mahigit niya ang kan'yang hiningi nang lapitan siya ng babae.

Hinawakan nito ang kan'yang kamay at hinaplos.

Isang haplos na nagsasabing maging komportable ka sa akin.

Tila ba nawala ang kan'yang kaba nang maramdaman niyang dumampi sa kan'yang balat ang kamay ng madre.

"Ako si Madre Teresa."

Kumunot ang noo ni Ana nang marinig niya ang pangalan ng babae.

Tila ba pamilyar ito sa kan'ya.

"Isa akong manunulat."

Kitang-kita sa mukha ng madre ang kagandahan at kaputian nito.

Tila ba pinagpala siya sa itsura.

Hindi magawang ibuka ni Ana ang kan'yang bibig.

Walang boses ang lumalabas sa kan'yang lalamunan.

"Nais ko nga palang ibigay sa'yo ang librong ito."

May kinuha ang madre sa kan'yang likuran at kaagad na itinapat ito kay Ana.

Sobrang liwanag nito kaya naman napatakip na lamang ang dalagita sa kan'yang mga mata.

"Sa'yo na lamang ito."

Napatingin siya ng diretso sa mata ng babae.

Pilit nitong binabasa ang nais ipahiwatag ng madre.

Ngunit sa huli'y tinanggap niya ito at kinuha mula sa makinis na mga kamay ng babae.

"Buklatin mo."

Sinunod niya ang sinabi ng babae at kaagad na ibinuklat ang kan'yang hawak na libro.

Ngunit sa kan'yang pagbuklat ay nabitawan niya ang libro at napaupo sa sahig sa kadahilanang lumalakas ang hangin sa buong paligid.

Napahawak na lamang siya sa kan'yang kama nang higupin siya nang malakas na hangin papasok sa librong kan'yang binuksan.

Hindi niya na nakayanan pa at unti-unting bumitaw ang kan'yang mga kamay mula sa kama.

Napatingin na lamang siya sa mga mata ng babae habang unti-unti siyang hinihigop papasok sa libro.

Binigyan na lamang siya ng isang matamis na ngiti ng madre bago nawala ang liwanag at kusang nagsara ang mahiwagang libro.

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now