Kabanata 5

166 13 5
                                    

Anastasia's Point of View.

Halos tapos na ang klase ng lahat but Sally is still not here. What happened kaya?

"Guys ano? May balita na ba kayo kay Sally? Hindi naman magka-cutting 'yon ng walang kasama." Saad ko sa kanila.

"You're right. Tsaka si Bernice ang lagi no'ng sinasama kapag nagka-cutting 'yon" Paliwanag naman ni Kate sa amin.

Napabaling kaming lahat kay Jill na hingal na hingal.

"Oh bakit? Anong nangyari sa'yo?" Takang tanong ni Jaydee sa kan'ya.

"May bago ka? Papasa!" Then George winked at Jill.

Mga abnormal talaga. Akala ko kung ano na nangyari.

"Gago ka talaga! By the way hinahanap n'yo si Sally 'no?" Umupo siya sa tabi ni Charles na nagbabasa naman ng Harry potter and the Goblet of Fire.

Napaka-die hard fan niya talaga. Pati glasses ni Harry ay ginaya niya na rin. Kinain na ng sistema but I can't blame him. Nahilig din ako kay Harry Potter noon.

"Nakailang missed call siya sa'kin." Saad ni Jill habang pinapakita ang kan'yang telepono sa lahat.

"Baka ikaw ang niyayaya niyang mag-cutting?" Tawa naman ni Harry at Kate.

Sumang-ayon ako sa sinabi nila.

"Oo nga?" Gatong ko sa sinabi niya pero may masamang kutob talaga ako.

Masamang-masama.

"Tara kumain na lang tayo!" Yaya ni Jaydee at nauna na siyang naglakad sa amin kaya sumunod naman sila.

"Uhmm sige mauna na kayo. May kukuhanin pa ako sa locker room." Paalam ko.

"Okay! Sunod ka na lang." Saad sa akin ni Bernice at nginitian ko na lang sila. 

Bumaba na ako ng hagdanan dahil sa baba pa makikita ang locker room naming mga freshman.

Mabuti't madami pang tao kaya naman hindi pa masyadong creepy. Iiwanan ko lang kasi 'tong dalawang libro na dala ko. Masakit na kasi sa likod.

Nang matapos ko ng isara ang pinto ng locker ay nagulat ako dahil nakita ko na naman ang mayabang noong isang araw. Nagkasalubong na naman ang dalawa kong kilay dahil sa kan'ya.

Argh! Nakakainis kaya siya!

"What?" Ngingiti-ngiti niyang tanong sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala!" Umalis na ako pero kaagad niya akong hinawakan sa wrist.

"Ano?" Sigaw ko sa kan'ya.

Napalakas ata ang sigaw ko. Mabuti na lamang at wala ng tao kaya hindi masyadong nakakahiya.

"Wala lang! Bakit ba ang sungit mo? Kanina hinihiraman lang kita ng ballpen ang sungit mo na kaagad!"

Ha! Ako pa talaga?

Ang yeah nanghiram nga siya sa akin ng ballpen kanina.

"So what? Pasalamat ka nga at pinaharam pa kita! So nasaan na ang ballpen ko?" Nilahad ko ang kamay ko kaya napakamot siya sa kan'yang batok.

'Wag niyang sabihing nawala niya ang ballpen ko! The fuck! 'Yon na nga lang ang natitira kong extra ballpen!

"Nawala ko eh." Nabatukan ko naman siya ng wala sa oras. Nakakainis eh! "Sorry." Sunod nito sa kaniyang sinabi.

Dire-diretso akong naglakad at hindi ko na talaga siya pinansin pa ngunit kinakalabit niya pa rin ako nang kinakalabit.

Ayos nga 'to.

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now