Kabanata 8

130 10 4
                                        

Anastasia's Point of view 

Weeks have been past simula ang nangyari kay Sally at ang nangyari na rin sa dorm ko.

I'm still confused ng dahil sa mga nangyayari. Bakit gano'n? Lagi kong napapanaginipan si Madre Teresa and I really want to know who is she. Pero lagi na lang akong pinipigilan ng mga kaibigan ko. Bakit kaya? I thought they are fond of strange things pero ayaw nilang matuklasan ang buhay ni Madre. Bakit parang may alam sila? Gosh! I really want to know everything!

"Hoy! Kanina pa ako nagtatanong kung may ballpen ka pa. Hindi mo man lang ako pinapansin at bakit ba tulala ka r'yan? Is there something bothering you?" Pangungulit sa akin ni Kate.

Kumuha naman ako ng isang ballpen mula sa pencil case ko at inabot ito sa kan'ya.

"Nothing. Gutom lang siguro ako." Sabi ko sa kan'ya at inirapan niya naman ako.

Ilang minutes na lang din naman at magdi-dismissal na. And this day is so tedious.

"Tapos ka na sa computation na pinapagawa ni Sir? Akin na ipapasa ko." Inabot ko naman sa kan'ya ang papel.

"Thanks." Pasasalamat ko.

"Hoy p're! Pasa mo naman sa'kin 'yong picture! Pagnanasaan ko lang."

Napailing na lamang ako sa kalokohan ng dalawang 'to. Malalakas talaga ang mga tama nila.

Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Ako ang unang lumabas sa kanilang lahat. Ewan ko ba kung bakit napaka-boring ng araw na ito.

"Anastasia!" Biglang may tumawag sa akin kaya naman napalingon ako sa kan'ya.

"Oh Savior?" Nakarating na siya sa tabi ko at sabay na kaming naglalakad.

"Wala lang. Hindi mo man lang ba 'ko na-miss?" Biglang lumungkot ang kan'yang mukha.

Drama naman nito!

"Wala naman akong sinabi." Bigla namang ulit sumaya ang kan'yang mukha.

Nakakabaliw na rin talaga sila. Bakit ba napapaligiran ako ng mga baliw?

"Hoy—"

Bigla siyang tumakbo at nagsasasayaw sa gitna. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. 'Yong iba naga-ayiee na rin sa amin.

The fuck? Feeling ko lalamunin na ako sa sobrang kahihiyan dahil sa mga ginagawa niya.

Bumalik naman siya kaagad sa pwesto niya kanina.

"Anong ginawa mo?" Bigla naman siyang nag-poker face. Gulo talaga nito.

"Hindi mo ba nakita? Ulitin ko—" Kinurot ko siya sa kan'yang tagiliran kaya napabalik ulit siya sa kan'yang pwesto.

"Manahimik ka na lang d'yan! Hindi ka naman marunong sumayaw!" At bigla naman siyang nang-irap bago nag-walk out. 

Baliw ba 'yon? O baka may saltik lang sa utak? Bahala siya sa buhay niya.

Minsan naiisip ko kung bakit ko sila naging mga kaibigan. Nga pala paano nga ba kami naging mag-bestfriend? Well siguro dahil no'ng isang araw napag-decide'an namin.

Teka kaibigan ko ba siya?

Nako talaga! Mababaliw talaga ako kasi naman never pa ako nagkaroon ng bestfriend na lalaki. Alternate naman ang sa kan'ya. 

Paakyat na sana ako sa elevator ng building ng dorm nang makasalubong ko si Dean na papalabas ng elevator. Pawis na pawis siya. Hindi kaya may ginawa siyang— tsk Tasia! Ang dumi ng isip mo! Pero bakit nga ba gano'n?

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now