Kabanata 10

103 10 5
                                        

Anastasia's Point of View

We're happily eating here at cafeteria and still, miss pa rin namin sina George at Sally.

Although George was somewhat censored in his actions. Kahit na ngayon ko lang sila nakilala, I mean ngayong year, pero parang magkakapatid na rin ang turingan namin.

"May mga club daw para sa intramurals day?" Tanong sa amin ni Bernice sabay kuha na rin niya ng fries sa paper plate na nakalagay sa gitna ng lamesa. 

Nagkibit balikat naman sila kaya nagtanong na lang ako.

"Anong club kayo?"

"Sports kami nila Jaydee" Sabi ni Jill sa kanila at tumango naman ang tatlo.

"Eh kayo?" Tanong ni Kate.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Savior.

"We want to join the theatre club." Sagot ko sa kanila.

"Ikaw din Savior?" Tanong ni Harry sa kan'ya at tumango naman si Savior.

Ang cute ng pangalan niyo 'no? Parang aso lang.

Nagkatinginan sila ng nakakaloko sabay..

"Ayieee!"

Confirm! Mga baliw nga.

"Ikaw Kate? Sports Club ka rin ba?" Pag-iiba ko ng Topic.

"Yes naman!" Sabay inom niya sa coke in can na kan'yang hawak.

Oo nga naman. Kate is proficient at sports. Lalo na sa volleyball—

Nagdabog naman si Jaydee at biglang nagwalk-out. Hala? Anong nangyari ro'n? All this time kapag inaasar nila kaming dalawa ni Savior ay lagi siyang gan'yan? Bading kaya si Jaydee? O hindi kaya..

Nevermind!

"Oh anong nangyari ro'n?" Tanong sa amin ni Jill.

Umiling naman kami sa kan'ya. Bigla namang nag-smirk si Harry kay Jill at napa..

"Ahhh.." naman si Jill.

"Just wait a minute sundan ko lang si Jaydee. Tinotopak na naman 'yon." Sabi ni Kate at agad-agad na sinundan si Jaydee.

Nagkatinginan kami ni Bernice ng nakakaloko kasi bagay talaga sila eh. Alam mo 'yong feeling na magtabi lang ang dalawang tao pero kitang-kita mo na may spark sa kanila?

Exactly!

"Tara na Tasia? See you later guys!" Pag-aaya sa akin ni Savior.

Patayo na sana ako ng biglang may tumunog ng malakas. Biglang may nagsirena kaya nagkatinginan kaming dalawa.

Si Dean?

"All students! Please go to your respective clubs properly."

"Oh guys? Una na kami ha? Kita na lang tayo mamayang uwian." Sabi ko sa kanila at nagtayuan na rin silang lahat.

Bigla naman akong binatukan ni Bernice.

"Aw! What?" Angal ko sa kan'ya.

"Theatre club din ako hoy! Hindi niyo man lang ba 'ko naisip? Kayo talaga! Magso-solo flight na naman kayo! Tara na nga!" Sabay hila niya sa akin.

Ginulo naman ni Savior ang buhok ko habang tumatawa.

"Argh! Ano bang mayro'n sa buhok ko?" Naiinis na tanong ko sa kan'ya.

Nginitian niya lang ako sabay sabi ng..

"You're so cute!"

Ano nga bang mayro'n sa'min? Wala naman 'di ba? We're just best friends. Right? Best friends.

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now