Kabanata 11

97 10 3
                                        

Anastasia's Point of View

"Ano na gagawin natin?"

"Tama ba 'tong desisyon natin?"

"Natatakot ako."

'Yan ang malimit mong marinig sa mga taong nagpaiwan sa building na ito. Iisa lang din ang rason naming lahat at iyon ay ang makuha ang hustisya.

"Savior! Dapat siguraduhin mong kumpleto ang lahat okay?"

"Jonny! Ikaw d'yan sa kabilang side. Siguraduhin mong kumpleto kayo r'yan."

"Okay! Kumpleto kami rito."

"Oh mukhang busy ang lahat ha."

Napatigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa ng biglang may nagsalita.

"Si Dean." Bulong na sabi ni Kate sa amin.

"Mukha naman kayong nagkakaisa. So ready na ba kayo?"

Nag-ingay ang lahat sa sinabi ni Dean. Oo nga? Saan dapat kaming maghanda?

"Nababaliw na talaga siya."

"Oo nga!"

"Nakakatakot na ang mga pinaggagagawa niya."

Napuno rin ng bulungan ang bawat isa sa amin. Nilingon naman namin si Savior ng bigla siyang nagsalita.

"Dapat talaga tayong sama-sama."

Tama si Savior! Kailangan naming masiguro na walang mawawala sa amin. May mali akong nararamdaman. Parang mas lalong lalala ang lahat. Nakakatakot.

"May mga papasok na kalalakihan sa building na inyong tinutuluyan. Bibigyan nila kayo ng piring para sa bawat isa sa inyo. Susuotin niyo ang piring na ibinigay sa inyo ha."

"Ano bang balak niyang gawin?"

"Nababaliw na ba siya?"

"Hindi ko na maintindihan ang mga pinaggagagawa niya talaga."

Napatingin kaming lahat sa may malaking pinto ng bigla itong padabog na nagbukas. Iniluwal nito ang mga lalaking sinasabi ni Dean. Nilapitan kami bawat isa ng mga lalaki at binigyan kami ng tig-iisang piring.

Nang masigurong mayro'n na ang lahat, lumabas na rin kaagad ang mga lalaking nakasuot ng itim. Isinara nila ang malaking pinto at sinugurong hindi namin ito mabubuksan. Talagang nakakulong na kami rito sa maliit na lugar na ito.

"Maari niyo na isuot ang inyong mga piring."

Maraming umangal sa sinabi ni Dean pero wala rin silang nagawa dahil may mga sinasabi si Dean na talagang nakakapagpataas ng balahibo sa amin. Wala talaga siyang awa sa mga estudyanteng nandito.

Naramdaman na lang naming may nagga-guide sa amin papunta sa hindi naming malaman na lugar. Nakapiring kasi kaming lahat kaya kailangan talaga ng guidance para malaman ang tutunguhan namin.

Nakaramdam kami ng lamig na temperature namg bitawan na kami ng nagga-guide sa amin. Sa tingin ko ay nasa ibang lugar na naman kami.

"Maari niyo na tanggalin ang inyong mga piring."

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now