Kabanata 6

117 9 5
                                    

Anastasia's Point of View

"Guys si Sally.." Nanginginig na sabi ni Kate sa amin.

Kumunot ang noo ko kasabay nang pagkunot din ng kanilang mga noo.

"Anong nangyari?" Tarantang tanong ni Jill.

Nanginginig pa rin si Kate kaya pilit namin itong pinapakalma.

"Tangina naman oh! Pinapakaba mo kami eh." sabi ni Bernice kay Kate na halatang natataranta na rin.

"Si Sally natagpuang patay sa CR!" Napatayo ako ng wala sa oras.

Ha? Paano nangyari 'yon? Bakit? Parang kasama lang namin siya kanina!

"Ano?"

Mabilis na tumakbo si Charles patungo sa CR pati na rin sila Bernice. Sumunod naman sa kanila si George.

"Natagpuan siyang patay. Naalala niyo 'yong kinuha niyang brush kay Madre Teresa?" Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi nito.

"Oo! Bakit anong kinalaman no'n?"

Umupo si Kate habang naiyak. Hindi ko na rin mapigilang hindi mapaiyak sa sinapit ni Sally. Naging malapit na rin ako sa kan'ya pero bakit naman kailangang mangyari 'to?

At anong kinalaman ng brush ni Madre Teresa?

-------

Kate's Point of view

Naglalakad ako sa hallway patungong CR ngunit madaming taong nakapalibot dito kaya hindi ka talaga makakapasok ng basta-basta sa loob.

"Padaan po."

Pinilit ko pa ring isiksik ang sarili ko. Kailangan kong makita at malaman ang nangyari.

May bigla namang humarang sa dinadaanan ko at ito ay sina Gino at Mika.

"Hoy! Ang daya naman eh! Padaan ako! Isa ha! Sasapukin kita!" Saad ko kay Gino na pilit akong hinaharangan.

Tinaasan ko naman sila ng kilay ni Mika.

"Kayo ba?" Nagulat naman sila at napalayo sa isa't isa.

What a bright idea!

Tumakbo ako para makita kung ano ang nangyayari at talagang pinagsisihan ko ang pagpilit sa kanila. Tama nga si Mika at Gino. Dapat nga hindi ko na lang ito tiningnan pa.

"Anong nangyari?"

Halos manghina ako sa nakikita ko. Napaupo ako at nag-iiiyak doon.

Bakit? Bakit si Sally?

-----

Simula nang malaman namin ang nangyari kay Sally ay naging tahimik ang lahat.

Bakit sa dinami-dami ng pwedeng mamamatay si Sally pa?

Inimbestigahan na si Sally at iniuwi na ang katawan sa kanila at kami ang sinisisi ni Tita Margareth.

"Guys pinapatawag daw tayo sa Dean's office." Biglang dating at sabi ni Jill sa aming lahat.

"Bakit daw?" Tanong ko naman sa kan'ya na may halong pagtataka.

"Baka naman kakausapin tayo. Remember? Nahuli tayo ni Dean na lumabas sa bahay ni Madre Teresa 'di ba?" Saad ni Anastasia.

Nagkatinginan naman kaming lahat. Tama nga siya.

Tumayo na kaming lahat at pumunta na sa office. Pagdating namin sa office ni Dean ay nakita namin siyang nakatalikod at nakaupo sa kan'yang swivel chair.

"So kayo pala ang matitigas ang ulo?" Bigla siyang humarap sa amin matapos niya iyong banggitin.

Okay? He's so creepy pero ang hot niya sa gan—

"Sinong nagsabing pumunta kayo sa bahay ng kapatid ko?"

He emphasized the word he said. He's too scary. Hinampas niya ng malakas ang lamesa kaya nagulat naman kaming lahat ng dahil doon.

"Sinabi ko bang pumunta kayo ro'n ha?" Sigaw niyang sabi sa amin.

Dumadating na sa point na pinanlalakihan niya na kami ng kan'yang mga mata.

"Sino ang kumuha ng brush?" Napatingin siya sakin at pinanlakihan ako ng mata.

Umiling ako kaya hinampas niya na naman ng malakas ang kan'yang table. This time mas malakas na ang pagkahampas niya talaga.

"Sino ang kumuha ng brush?" Mukhang naiinis na talaga siya sa amin. "Walang sasagot?"

"Si Sally po." Sabi ni Anastasia kaya biglang umupo si Dean sa kan'yang swivel chair. "Iharap niyo siya sa akin." Natahimik kaming lahat.

"She's dead." Mahinahong saad ni Jaydee kay Dean.

Natigilan naman si Dean kaya bigla siyang tumawa ng malakas. Nagkatinginan naman kaming lahat ng dahil sa kan'yang inasal.

Seriously?

Biglang umihip ang hangin and because of that, may masangsang na sumingaw na nanggagaling sa kulay pulang pinto.

"Argh! Anong amoy 'yon?" Iritang tanong ni Bernice.

Halos masuka-suka na kaming lahat dito.

What the fuck!

"Shit." Saad naman ni Harry at pinahiram ako ng panyo.

"Get out." Mahinahon na saad sa amin ni Dean. "I said get out!" Medyo malakas na sabi niya pero halata pa rin ang pagka-inis nito sa amin.

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now