Anastasia's Point of View
May yumuyugyog sa aking katawan kaya naman nagising ako. Dinilat ko ang dalawang mata ko at bumungad sa akin si Mom. Nanglaki ang mata ko sa pagkagulat dahil nasa loob ako ng isang van?
Anong ginagawa ko rito? 'Di ba patay na ako? Teka panaginip ba 'to? Panaginip lang ba na namatay ako?
Napatingin ako kay Mom at napayakap sa kan'ya!
"Mom! Ikaw ba talaga 'yan?" Humagulgol na ako ng iyak.
'Di ba patay na ako? Anong nangyari? Paano? Bakit? Ang gulo!
"Ano ka ba anak? Nananaginip ka na naman ba? May bottled water d'yan. Uminom ka mu—"
"What? No Mom! As in 'di ako nananaginip? Patay na—"
Niyakap naman ako ni Mom na nagpatigil sa aking pagsasalita.
"Hay nako anak! Di ka nananaginip 'no!" Tawa naman niya. "Ako 'to! Ano ka ba?" Niyakap niya ulit ako at marahan naman siyang napatawa.
"Be safe okay? Matagal-tagal din tayong hindi makakapag-bonding at makikita ang isa't isa."
What the fuck? Iyan na Iyan din ang sinabi niya sa akin bago ako humiwalay sa kanila at pumasok sa demonyong eskwelahan. Teka nasaan nga ba ako?
Tumingala ako at..
HOLY CATHOLIC COLLEGE OF DEATH
Naramdaman kong niyakap ako ni Mom saka siya umalis. Naluha ako. Ano 'to? Mauulit na naman ba?
May biglang sumalubong sakin na lalaki. Nakakatakot siya. May malaking bilog na bilog na pares ng mga mata, nakakakilabot na ngiti, at ang presensya niyang nagbibigay ng kilabot sa akin.
"Ano Tasia? Tara na!"
Dean!
Fuck help!
-THE END OF PART 1-

YOU ARE READING
Dean's Office
Horror"Don't let the curiosity kills you." Mega Runner Up - Mega Watt Award (2017) Best in Horror - Mega Watt Award (2017) 4th Place - Scarlet Awards 2017 PLEASE READ THE BOOK 2 OF THIS STORY!!! BOOK 2: Wake Up