Holy Catholic College of Death
"Bitiwan niyo ko! Saan niyo 'ko dadalhin?"
Hindi ko alam kung nasaan ako basta isa lang ang nakikita ko.
Isang babaeng balot na balot ang katawan ng tela na itim at pilit siyang ipinapasok sa loob ng isang madilim na kuwadradong kwarto.
"Ayoko! Ayokong pumasok! Maawa kayo sa akin. Parang awa niyo na! Ano'ng gagawin niyo sa akin?"
Patuloy pa ring ipinapasok ang babae sa loob kahit ito'y labag sa kan'yang kalooban.
Mga wala silang awa!
Sumunod ako dahan-dahan sa kwarto nang siya'y tuluyan nang maipasok sa loob.
Halos magmakaawa ang babae at pinipilit niyang makawala ngunit walang awang sinampal ng isang hapones ang pagmumukha ng babae.
"Donaranaide, damare!" Mariing sabi ng hapones sa kan'ya.
Bakit sila gan'yan?
Halos manginig ang katawan ko sa mga napapanood ko ngayon.
Bakit kailangan nilang gawin ito?
Hindi ko na natiis pa ang sunod nilang ginawa. Pumagitna na ako sa kanila ngunit tila isang hangin lang akong hindi makadampi sa kanilang mga balat.
"Tama na!" Sigaw ko ngunit hindi talaga nila ako napapansin.
Bakit gano'n? Ano'ng nangyayari?
Pinipilit ko pa ring hawakan ang kamay ng babaeng ginagahasa ngunit hindi talaga kaya.
Hindi ko siya mahawakan.
Nabalot ng napakalinaw na liwanag ang buong paligid.
Wala akong makita! Para akong hinihigop! Anong nangyayari?
"AAAHHH!"
"Tulungan mo ako. Tulungan mo ako Anastasia."
-----
Anastasia's Point of View
"Anastasia wake up!"
Napabalikwas ako ng bangon ng dahil sa malakas na sigaw na nanggagaling sa aking gilid.
Hingal na hingal ako at hinahabol ko ang aking paghinga. Ang sakit ng dibdib ko at tila ba naninikip ito.
Ano bang nangyari?
"Anak uminom ka muna ng tubig."
Kinuha ko ang baso na hawak ni Mom.
Ininom ko 'yon lahat but I'm still nervous. Sakit at pagod ang nararamdaman ko.
"What happened? Ilang araw ka ng gan'yan."
I took a deep breath bago ako humawak sa naninikip kong dibdib.
"I dont know. There's always a women who's asking for a help—"
Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang tumunog ang alarm clock sa aking gilid. Napangisi tuloy si Mom sa aking inasal.
"Go get up! Maligo ka na at baka mahuli ka pa sa first day mo."
I nodded to Mom bago pumasok sa loob ng CR para simulan ang morning routine ko.
I opened the shower and felt the cold water touch my skin.
YOU ARE READING
Dean's Office
Korku"Don't let the curiosity kills you." Mega Runner Up - Mega Watt Award (2017) Best in Horror - Mega Watt Award (2017) 4th Place - Scarlet Awards 2017 PLEASE READ THE BOOK 2 OF THIS STORY!!! BOOK 2: Wake Up