Kabanata 12

91 9 6
                                        

Anastasia's Point of view

"Bernice!"

Hindi pa rin tumitigil ang lahat sa paghahanap kahit alam na nilang napuntahan na ang lahat ng silid at nasilip na ang buong lugar na kinaroroonan namin. Malay mo naman nasa isang silid lang pala si Bernice at nagpapahinga. Hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa.

"What if si Bernice nga ang una?" Hindi mapakaling tanong ni Kate.

Tama siya. 'Yan din ang duda ko una pa lang. Hindi naman kasi basta-basta hihiwalay sa amin si Bernice. Kung magpapahinga man siya sa isang silid I think magpapasama siya sa isa sa amin.

Napatigil ang lahat sa paghahanap nang umalingawngaw na naman ang boses ni Dean sa buong silid.

"Magandang buhay to my beloved students! Mukhang busy ang lahat ha? Anong mayro'n? May hinahanap ba kayo?"

"Nasaan si Bernice?" Sigaw ni Harry kaya pinigilan namin ito.

Kailangan niyang kumalma at baka kung ano pang gawin sa kan'ya ni Dean.

"Harry kumalma ka."

"Oh wow ang galing ko naman at tama ang hula ko! So may hinahanap nga talaga kayo? Well sorry for you guys. Mas nauna kong nahanap si Bernice."

Biglang umilaw ang projector sa may kanan namin at iniluwal nito si Bernice na nakakulong sa isang aquarium.

"Tulungan niyo ako!"

Pilit siyang kumakawala sa loob ng aquarium ngunit masyado itong matibay kaya hindi niya ito mabasag-basag. Hindi rin siguro sya aware na may video recorder sa harap niya at pinapanood namin siyang lahat.

"Dean parang awa mo na! Pakawalan mo na siya!"

Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kahit sino naman siguro ay magmamakaawa sa sitwasyon ni Bernice. I treated her like a sister. So it is so painful for me to see her suffering.

"HAHAHA! Maawa? Uso pa ba ang salitang 'yon?"

"You're the worst! You will regret everything you do. I swear! You will regret it and you will kneel down to us and you will also ask for our forgiveness!"

"HAHAHA! Me? Will ask for your forgiveness? Are you fucking kidding me? Well nakakatawa nga ang iyong sinabi Mister but I feel sorry for you because I will never ever do that to all of you. Never bobo!"

Hindi man lang ba siya natatakot sa karma? 'Yong balik ng pinaggagagawa niya sa amin? Savior is right! He's the worst!

"So back to the topic! Are you ready for a bizarre game? Handa na ba kayo sa isang napakasayang laro? But the question is can you survive in this game?"

"We can do everything!"

"Okay sabi niyo eh. By the way muntik ko na makalimutan na si Bernice pala ay nasa isang panganib. Well sa tingin ko naman kaya niyong manalo sa larong ibibigay ko sa inyo. Don't worry kapag nanalo kayo sa larong ito ay maililigtas naman si Bernice niyo but when you lost the game? Say bye-bye to Bernice!'

May pumasok na mga kalalakihan at kaming lahat ay grinupo sa tatlo. Wala namang nahiwaly sa amin dahil sama-sama pa rin kami nila Savior at Jaydee.

Sinabi din nila ang mechanics ng game. Binigyan nila kami ng tig-iisang chain at padlock at sinabing hanapin namin ang susi sa buong paligid sa loob lamang ng isang oras. Kahit isa lang daw ang makahanap sa amin ay maililigtas si Bernice.

Hindi basta-bastang laro ang sinasabi ni Dean. Sino kaya sa tingin niya ang kayang mahanap ang isang bagay na maliit at talagang tinago upang hindi makita. Gusto niya ba talagang maligtas si Bernice o pinapagod niya lang kami kasi wala naman talagang pag-asa dahil sa klase palang ng ibinigay niya ay wala na talaga.

"Fuck! Sino bang tao ang kayang humanap ng tinagong susi?" Rinig kong bulong ni Jaydee.

"Tang ina sino ba nagpauso nito?"

Tititigan ko pa lang ang padlock na binigay niya ay talo na agad ako. Sino ba naman kasing tao ang kayang libutin ang buong paligid? Tapos may oras pa! Kahit ata tumanda na ako ay hindi ko kakayaning mahanap ang gano'n. Masyado niyang ipinagdudukdukan sa mga tao dito na sumuko na lang kami kasi talo na talaga.

"Guys walang susuko ha! Just keep trying. Lahat ng nasa isip niyo ay gawin niyo!"

Mabuti na lamang at nandyan si Kate para ipaalala sa amin na kaya naming hanapin ang susing nakatago. Kahit alam naming lahat na imposibleng mahanap 'yon ay hindi pa rin kami sumusuko. For Bernice we will try our best!

-----

"Last 10 seconds!"

Nagulat ang lahat ng biglang nagsalita na naman si Dean. Fuck! Wala pa kami nahahanap miski isang susi pero 10 seconds na lang ang natitira. Gano'n na lang ba talaga? Mamamatay na lang ng gano'n si Bernice?

Napaka-walang-awa niya talaga.

"5...4...3...2...1! Bye Bernice!"

At biglang may bumukas ulit na projector at pinanood namin si Bernice kung paano pilit na itinataas ang kan'yang ulo sa tubig upang makahinga lamang.

Napapikit na lamang ako habang tumutulo na rin ang aking mga luha. Naramdaman kong isinandal din ako ni Savior sa kan'yang dibdib.

"She's gone Tasia. Bernice is gone."

Napadilat na ako ng dahil sa sinabi ni Savior. Bumungad sa akin ang katawan ni Bernice na wala ng buhay. Namatay siya ng dahil sa pagkalunod. Namatay siya ng hindi man lang niya nagawang gawin ang lahat para mabuhay lamang siya.

She died without mercy.

Rest in peace Bernice. We will miss you! And I promise that there will be justice for all of us.

I promise I will never let the evil prevail.

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now