Kabanata 7

144 9 5
                                        

Anastasia's Point of view 

"Anastasia tulungan mo ako."

Kasabay ng pagkakasabi niya no'n ay saktong pagkabigti ng isang babae. Nagulat ako sa kan'yang ginawa kaya pinuntahan ko siya kaagad.

Tumakbo ako patungo sa kan'ya ngunit nararamdaman kong hinihigop na naman ako ng isang malakas na hangin.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay hingal na hingal ako. Pero pagtingin ko naman sa paligid ay nasa ibang lugar na naman ako. Isa itong malaking bahay at hanggang tatlo ang palapag nito at sobrang lawak.

Nasaan ako?

Madre..

Madre Teresa..

Bakit ako nandito?

"Tulong! Tulong!"

May narinig akong boses sa isang kwarto at humihingi ito ng tulong. Lumingon naman ako sa pinanggagalingan ng tunog.

Nakita ko ang mga babaeng nakatayo malapit sa may pinto na pinanggagalingan ng tunog.

"Bakit hindi niyo siya tulungan?" Takang tanong ko sa kanila ngunit parang hindi nila ako narinig.

Hinawakan ko ang doorknob para buksan ang pinto pero nagulat ako sa nangyari.

Bakit ako tumagos?

Lalo akong nagulat sa nakita ko. Isang babaeng balot na balot ng itim na tela sa kan'yang katawan ang nakahiga at pilit na pinagsasamantalahan ng isang..



"Anastasia!"

Napabalikwas ako ng bangon ng dahil sa malakas na boses. 

"Kanina ka pa namin kinakatok! Pagbuksan mo naman kami!" Sigaw ni Bernice mula sa labas.

Inayos ko muna ang aking sarili bago ko sila pinagbuksan ng pinto.

"What happened?" Sabay pasok nila sa loob.

"Weird dreams?" tanong ni Bernice sa akin kaya napatango naman ako sa kan'ya.

"Nga pala what are you doing here guys?" tanong ko sa kanila pero tinaasan naman nila ako ng kilay.

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now