Kabanata 15

82 9 11
                                    

Anastasia's Point of View

Anong nangyari? Ang hapdi ng pulso ko. Pagkadilat na pagkadilat ko ay bumungad kaagad sa akin ang sarili kong nakatali sa isang arm chair.

Ang sakit. Pinilit kong tanggalin ang pag-kakatali sa kamay ko pero hindi ko magawa.

Ang huli ko na lang natatandaan ay ang sinabi ni Dean.

"Say bye to Harry babies."

Naiiyak na naman ako. Ano bang nangyari? Nasaan ako? Nasaan ang mga kasama ko? Napapagitnaan ako ng dalawang makalawang na dingding.

Biglang umangat ang dalawang gate na parang selda. Jaydee? Savior? Nakita kong nando'n silang dalawa sa loob. Tig-isang selda sila. Nakatungo sila at mga wala silang malay.

"Jaydee! Savior!" Sigaw ko sa kanila ngunit ayaw pa rin nila magising.

Ang sakit na talaga!

"Jaydee! Savior! Gumising na kayo!" Pilit kong sigaw pero hinang-hina na talaga ako.

Pati paanan ko ay nakatali rin. Ang sakit na! Halos dumugo na ang pupulsuhan ko sa pagkaka-higpit ng pagkakatali.

"Ouch.." Rinig kong ungol ni Jaydee.

Nagigising na si Jaydee!

Bakit may nakalagay sa ulo nilang bakal at my turnilyo sa magkabilaa nilang ulo? Ha? Ano 'yon? May nakalagay kay Jaydee at mayroon din kay Savior. Anong ibig sabihin no'n?

"Ayos kalang ba Tasia?"

Halatang nanghihina pa rin si Jaydee. Tumango naman ako sa kan'ya bilang sagot.

"Ikaw ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kan'ya pero ngumiti lang siya sa'kin. 

May table sa gitna ng selda. Meron itong itak at iba't-iba pang gamit para panghiwa. May kadena rin dito at my pang-ipit ng dugo. Ano 'to?

"Jaydee ano 'yan?"

Kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Ano ba talagang nangyayari?

"Savior please wake up!" Napalakas ang pagsigaw ko kaya nagising naman siya dahil do'n. "Thanks!" Bulong ko at napahinga ng malalim.

"Ayos lang ba kayo?" Tumango silang dalawa.

"Ikaw Tasia?" Nagkasabay sila ng pagtatanong sa akin kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Ilalabas kita ng buhay dito Tasia." Sabi ni Jaydee kaya napatingin si Savior kay Jaydee.

"Ako dapat pare!" Saad naman ni Savior sa kan'ya.

"Ikaw?" Napatawa siya. "Baka siya lang ang makalabas kaya maiwan ka rito." Pang-aasar ni Jaydee kay Savior kaya napikon naman ito.

"Ngayon pa ba kayo mag-aaway?" Iritang tanong ko sa kanila.

Nakakainis! Ngayon pa talaga sila mag-aaway. Parang mga bata!

"Mukang nag-aaway ang love triangle ha. Hmmm.."

Biglang sumulpot si Dean sa screen dito sa may pader.

"Dean maawa ka naman sa'min! Paalisin mo na kami please..." Pagmamakaawa ko sa kan'ya.

"Oo nga! Hindi ba kayo naaawa?" Dagdag naman ni Savior.

"Hayop ka!" Saad ni Jaydee.

"Easy babies! By the way since love triangle kayo I have a great plan. A great great great idea!"

Dean's OfficeWhere stories live. Discover now