*Bell Rings*
"Class Hanggang dito lang muna ang aking I-didiscuss,mag ingat kayo sa pag uwi okay?"Napaka-aga pala ng dismissal namin ngayong araw.Hindi ko nga naintindihan yung itinuro ni Ms.Soriano eh.
Ipinasok ko ang aking notebook sa bag kong black at lumabas na sa loob ng classroom.napaka crowded na ng hallway dahil nagsimula narin ang dismissal ng iba.kinuha ko ang aking earphones sa bag at sinalpak ito sa sa aking tenga shinuffle ko na lang,gusto ko lang talaga na hindi marinig ang ingay sa hallway.
Nasa 3rd floor pa lang ako at ang locker ko ay nasa ground floor pa,pupunta ako sa locker ko para kunin ang libro na hiniram ko sa library.Last week ko pa kasi yun hiniram at ngayon na ang araw na kaylangan kong ibalik ang libro sa library,masungit kasi yung librarian na si Ms.Fernandez.Pano kasi bitter for life na ata,paulit ulit na lang niyang sinasabi sa mga couples sa library na mag-brebreak din sila.Pero nung nalaman ko kung bakit siya naging bitter ay naintindihan ko naman siya.
Nasa 2nd floor nako,sa school nato may special privileges ang mga "famous" daw.Para sakin sobrang unfair naman nun,maiintindihan ko kung parte ng school ang mga magulang nila,pero hindi eh dahil lang "famous" sila.Isa sa mga pwede nilang gawin ay mag skip ng class without any detention or even a sermon.Edi sana hindi niyo na lang sila pinapasok at pinagmodel niyo na lang sila para sa school,oh edi pag graduate PAK walang natutunan,puro pag-papaganda at pag-papagwapo lang ang alam,wala naman palang laman ang mga ulo.
I'm not an honor nor a bad student,let's just say that I'm just trying to pass subjects and not failing them.Dahil para sakin wala rin namang kwenta kung I-fail ko ang mga subjects ko,eh kaya ko naman i-pasa so why not diba?Nasa hagdanan nako ng may nakita akong binubully ng mga *cough* famous *cough* students dito sa school.
"Oh bakit mo tinapakan ang sapatos ko?"Nakakainis lang kasi akala niya ang ganda ng sapatos niya mukha namang 10 pesos lang jan sa may kanto.
"Sorry po,hindi ko naman po sinasadya."Alam kong nakakaawa siya pero ayaw ko rin naman kasing ma-damay pa sa mga ganyang bagay kaya kahit gustuhin ko mang tulungan siya ay hindi ko magawa.
"So sinong mag-aadjust?Yung sapatos ko oh ikaw?"
"Ako po,papalinis ko na lang po yung sapatos niyo."
"What?Gusto ko ikaw!Ikaw ang maglilinis ng sapatos ko sa harap ko!At kung hindi mo gagawin yan pwes mag paalam ka na sa diploma mo!"
Nasa ground floor nako,hindi ko na naririnig ang nakakaawang freshmen student na naapi agad ng isang bully.Nasa tapat nako ng locker ko,Uy andito pala si kuyang katabi ko sa locker.Ever since lumipat ako ng school na'to ay lagi ko siyang nakakasabay pag may kukunin or may ilalagay ako sa loob ng locker ko.
"Faith right?"Huh?Ano daw?Nakalimutan ko atang tanggalin ang earphones ko wait!
"Umm oo bakit?"
"Naiwan mo kasi tong panyo mo sa may cafeteria,binabalik ko lang."Ay may naiwan pala akong panyo sa cafeteria.
"Ay nakakahiya thank you-"Nawala na siya bigla,pero wala talaga akong naalala na panyong naiwan ko sa cafeteria,well atleast na sakin na'to ngayon.Nang buksan ko ang locker ko ay bumungad agad sakin ang ilang notebooks at mga librong babasahin ko pa lang.Nakita ko agad ang librong hiniram ko,kinuha ko yun at sinarado na ang locker ko.
Nasa 2nd floor na ulit ako,mukhang tapos na ang drama dito.Pero nang buksan ko ang locker ko ay naalala ko yung last year na nangyare.Meron kasi laging nagiiwan ng sticky notes sa tapat ng locker ko,never kong nakilala kung sino man yon at kung bakit niya yun ginagawa.Puro "Hello","kamusta ka?",at "Ingat ka." ang laging nakasulat don.Baka kaylangan niya ng kaibigan tapos di ko siya sinagot HALA!Ang bad ko.
nasa 3rd floor nako,sa 3rd floor ang library namin.Pumasok nako sa loob at laking gulat ko ng nakita ko nanaman si kuyang katabi ko ng locker na nagbabasa habang may nakasalpak na headphones,hindi ko kaya yun.nabobother kasi ako agad pag may nakanta habang nagbabasa ako.Pumunta nako ng counter para ibalik kay Ms.Fernandez ang librong hiniram ko.
"Hi Miss ibabalik ko lang po tong librong hiniram ko."
"Ay sige ilagay mo lang diyan sa may gilid."
"Ikaw faith."
"Bakit po?"
"Nagka-boyfriend kanaba?"
"Ay wala pa po ha..haha..ha."Ngumiti siya,pero ako nalungkot,wala lang hindi naman sa gusto ko ng boyfriend.Masaya naman na akong mag isa eh.
"Good wag kang tutulad diyan sa mga naglalandian lang diya ha!Mag tapos ka muna ng pag-aaral mo bago lumandi ha?!"
"Okay po Ms.Fernandez."Nginitian niya ulit ako.Lumabas nako ng library,kayalangan ko nang umuwi marami pakong tatapusin na reaction paper para sa iba't-ibang subjects.
Naka labas nako sa loob ng school,sa labas ng school madaming mga bench,at mga food carts.Dito nagaganap madalas ang mga date ng mga istudyanteng mag-boyfriend at mag-girlfriend.Lumapit ako sa isang ice cream stand.
"Kuya isang chocolate nga,yung sa cone."kinuha niya na ang cone ang sinumulang mag scoop ng ice cream.
"Ate ito na oh."Kinuha ko ito at nagpasalamat.Walking distance lang ang apartment na tinitirahan ko,ang pamilya ko naman ay one bus one jeep away lang sakin.
"Hi faith."
"AY JUSMIYO!"Nagulat ako,muntik ko nang maitapon ang ice cream sa lupa.
"Oh,okay ka lang?"OKAY KA LANG?!MANGUGULAT KA TAPOS TATANUGIN MOKO KUNG OKAY LANG AKO?OKAY LANG AKO KUYA OKAY LANG.
"Okay lang ako,medyo nagulat lang."MEDYO LANG TALAGA MEDYO!Alam ko sa mukha niya na alam niyang hindi ako okay.
"Sorry na alam ko namang galit ka eh."NAG PACUTE PA ANG LOKO SARAP MONG TADYAKAN MGA SAMPU DALI LAPIT KA SAKIN.
"FAITH!"Nagulat ako ng pagharap ko ay may bike na babangga na sakin,pero mas nagulat ako ng higitin ako ni kuyang hindi ko parin alam ang pangalan palayo sa bike.
"Faith okay ka lang?"Nakayapos siya sakin ngayon,hindi ko alam kung gagalaw bako o hahayaan ko na lang siyang yakapin ako,pero naalala ko na hindi ko nga pala siya kilala,NI PANGALAN NIYA NGA HINDI KO ALAM EH MYGHAD I HATE DRUGS!
"Yung..Kamay..Mo."Nginitian ko siya ng bigla niyang akong pinakawalan sa kanyang napakahigpit na yakap.
"Sorry ulit,ako nga pala si Zach."Ngumiti siya ng napakalaking ngiti,isang ngiting napakagandang tiganan.
"Well I guess you know my name then."Zach huh.Noong una akala ko snobber for life na tong si zach muka naman palang hindi eh.
"Hanggang dito na lang muna bye faith!"
"Bye zach!"
"Ingat ka!"
Hay nako napakahectic ng araw na'to.Sana naman yung mga susunod na araw hindi na stressful.*sigh* sana nga.
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
Teen FictionTwo Hearts Locked, and their key?Only one, pero parehas nilang gusto makuha ang susing ito. Sino kaya ang pipiliin ng susi sa kanilang puso?Ang puso bang naging malamig from countless rejection?O baka naman ang pusong palaging at patuloy na umaasa?