Chapter 11

16 2 0
                                    

(A/N)

Kim So-Jung

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

Agad na tumakbo ako pabalik sa aming kwarto. Hindi ko alam ang gagawin ko, sasabihin ko ba sakanya na nakita ko, o dedeadmahin na lang? Pumasok ako nang banyo para magpalit nang pajama na may peppa pig design. Naghilamos at toothbrush nako pagkalabas ko ng C.R. 

Nakita ko si Elise na parang nagulat nung nakita niya ako. Sa tingin ko, hindi niya inaasahan na nandito naako.

"Uy Faith andyan ka na pala!" Ngumiti siya, halatang halata na may tinatago siya. Umupo ako sa kama at hindi pinansin ang kanyang sinabi.

"Faith, nood tayo movie?" It's really awkward kase gusto ko talaga siyang tanungin or just to talk about what happened earlier pero hindi ko magawa.

"Elise let's just sleep please." Humiga naako at tinago ang aking katawan sa  kumot.

"I'll just watch alone hindi pa kasi ako sleepy." Pinikit ko na ang aking mga mata. Napaisip tuloy ako. Bakit ko dapat iwasan si Zach? He's really kind to me. Right now I'm very confused. I can't think of a reason why I need to avoid him. All he's doing is always being there for me, so why?

<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3

"I'm not a regular mom, I'm a cool mom." Nagising ako bigla. Tumayo ako sa aking pagkakahiga. Tinignan ko kung anong pinapanood ni Elise. Napansin ko na natutulog na si Elise habang nakaupo sa sahig.

"What a mess you are." Binuhat ko siya pa punta sa kama at tinalukbungan ng kumot. Myghad! Ang bigat! Naalala ko nung unang dumating si Elise sa Maynila. Tuwang tuwa kaming dalawa dahil sa wakas ay magkasama na kami ulit. Nung high-school pa lang kami, madaldal na talaga si Elise. Kahit nung bata pa lang siya dami niya nang sinasabi.

Marami rin siyang kaibigan, pero ako lang ang bestfriend niya. Sa dami nang kaibigan niya ako lang ang tinuring niyang parang kapatid. Hindi lahat ng kaibigin ni Elise ay kilalang kilala siya. Lahat sila ang akala si Elise ay sobrang masiyahin, confident, at umaapaw sa ganda. Pero hindi nila alam marami rin siyang pinagdaanan.

Strict ang parents ni Elise. Hindi siya pinayagan agad na pumunta ng Maynila, at may dahilan ito. Ayaw lang nilang mapahamak si Elise katulad nang nangyari noong bata pa lamang siya. Isang araw naglalakad si Elise papunta sa tindahan. Kaylangan niya lang tumawid. Gusto niya kasing bumili ng candy. Pagtawid ni Elise ay merong hindi inaasahang sasakyan ang makakabunggo sakanya.

Itinakbo agad si Elise sa Hospital. Naging kritikal ang kanyang buhay, muntik nang mawala ang kanyang buhay, pero yung ang inaakala nang lahat. Sabi ng mga doktor ay isang himala na nabuhay pa si Elise. Tuwang tuwa ang kanyang mga magulang na nabuhay pa siya, kaya nga lang lalo naging stricto ang kanyang mga magulang dahil sa aksidenteng ito.

Kung sila man ni Paul. Hindi ko alam kung itatago niya ito sa kanyang mga magulang, pero sa tingin ko iyon lang ang magiging solusyon. Hindi papayag ang kanyang mga magulang na magkaboyfriend siya. Hindi sapat ang "mahal namin ang isa't-isa" sa mga magulang niya. Kaya kinakabahan ako para sakanya.

"ten ten tenenten ten tenen ten tententerenten ten terenten." Tumunog bigla ang cellphone ko.

"ANAK!" Si mama pala ang tumawag! Ang tagal ko na siyang hindi nakausap.

"Ma! Ikaw pala, napatawag ka ata?" Bihira siya tumawag saakin madalas ay ako ang tumatawag sakanya.

"Na-miss ko na kasi ang baby Peppa ko~!" Sa tingin ko'y napatawag lang talaga siya.

Locked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon