(A/N)
NOT VERY GOOD WITH NAMES
ZACH NICHOLAS!!
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
♥~•♦ Elise's POV ♦•~♥
Lip tint, kilay, pulbo lang sapat na! Nagre-ready nako para sa aming 3-days school outing trip! I'm really excited na talaga kase, I don't go on beaches a lot eh pero I love the sea naman. Siyempre ang main part ng aking trip is PANG IG PICTURES!
Si Faith my gurl kanina pa umalis masyadong punctual ew! Isang crop top na may embroidery designs, high-waisted jeans, at sandals ang suot ko. May dala din akong straw hat para pak na pak tayo later!
Sinakay ko na ang pink na maleta ko sa aking sasakyan. Meron akong sasakyan buti na lang may isang parking space na provided dito per apartment. Wala namang sasakyan si Faith kaya ako na yung gumamit.
I'm here na mga friends! Hinanap ko agad si Faith, pero surprisingly hindi ko siya makita. Saan naman kaya pumunta ang momshie niyo!
○•♥ Faith's POV ♥•○
Hey guys! Welcome to my BORING ASSISTANT LIFE! Nandito ako ngayon sa loob ng student council room dahil kaylangan nang letcheng president ng notes para sa meeting na'to, di ba niya kaya magsulat? Hala ang tanga niya naman!
"That concludes our meeting let's now all go to our respective buses." Finally! Makakapagpahinga nako!
"Ms.Vera!" Letche naman oh!
"What Is it Mr.President?" He's wearing a casual gray long sleeves, jeans, and black top-sider.
"Follow me." I hate this moment of my life.
Naglakad kami papunta sa kabilang building kung saan naiwan ni Mr.President ang kanyang maleta, ulyanin ata eh.
"Ms.Vera I salute you." Huh? Ano daw? Sundalo ba ako?
"Huh? Ano nanamang sinasabi mo?" Lumapit siya sakin, palayo naman ako nang palayo, pero lapit naman siya nang lapit, paatras lang ako nang paatras--
*BOOOOGSSSHHHH*
AR4Y_QUE_B3H! Nauntog ang ulo ko dito sa pader! Ansakit! Napahimas tuloy ako ng aking ulo, ano ba kasing problema nitong Ulul na president na'to?! Pero ngayon ko lang napansin ang aming posisyon. Nakatuon ang kanyang dalawang kamay sa pader, ang kanyang mga mata ay nakatitig sakin. Sobrang lapit niya! Isang maling galaw ay pwede na kaming--
"Ms.Vera can I say that you look damn attractive in your polo right now?" I need air, I need to breathe, I need space, LORD WHY?! LORD HELP ME NOW!
"You're giving me that sexy charismatic vibe, and I like it.. I like a lot." Inalis niya ang kanyang kamay at lumabas na ng room na'to. What just happened? Attractive me? What a joke, and sexy? I'm not even charismatic! A loner like me charismatic and sexy? Never ever! I would never understand how he thinks.
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
Nasa loob na ako ng aming bus papunta sa beach resort. My life changed a lot actually, not because of Zach, not because of me being an assistant, It's me going away from my home town. Simula ng lumipat ako ng Maynila naging tahimik ako. Maaring sa tingin niyo ay maingay ako. Pero maingay na lang ako sa mga taong kilala ko na. Nahihirapan akong mag adjust na makitungo sa iba.
From my Home town I almost know everybody in our barangay! Masaya lang lagi with Elise and my family. I'm very happy there, pero dahil kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral ay kinailangan ko munang lumipat at tumira dito sa Maynila. Mahilig kaming tumambay sa lake, kumain nang mga ihaw-ihaw, bike bike lang paikot ng lake, at marami pang ibang mga masasayang gawain.
"Nandito na tayo, all of you proceed to your respective rooms. We need everybody out in the middle of the resort by 5 pm for our activites."
Nagsimula nang lumabas ang mga studyante sa loob ng bus. Pagkababa ko ay hindi ko na hinanap si Elise dahil alam ko na ka room ko naman siya.
Pagkapasok ko sa aming room ay sumalubong sakin ang isang king sized bed na tutulugan namin ni Elise. Anlaki naman sobra nang kwarto na'to. Binaba ko ang aking maleta at binuksan ito. Kinuha ko ang aking black na rash guard, at ang aking black shorts para sa water activities mamaya dito sa resort.
Lumabas ako at bumungad sakin ang isang aso na SOBRANG CUTE OMG! Tumakbo ito palayo, but I followed him right away. Anlayo naman ng tinatakbuhan niya ha! nakita ko siyang lumabas ng gate para makapunta sa shore kaya agad ko siyang sinundan doon.
"Huli ka!" Binuhat ko ang aso at hinawakan ang ulo nito. Ang cute niya talaga!
"Meron ka bang may-ari? Kung wala akin ka nalang pwede?" Sobrang cutiee niya kasi eh! Mukha siyang shih tzu!
"Ms.Vera hindi bagay sayo ang aso." Kumukolo agad ang dugo ko narinig ko palang ang boses niya. Binaba ko ang aso at lumingon sa aking likuran, I guess I'm right.
"Bakit naman ha!" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, na insecure naman tuloy ako. Naka maiksing denim shorts, at white spaghetti strap na sando ang suot ko.
"Laki kasi nang ngipin mo bagay sayo rabbit." Sobrang kalmado niyang pagkasabi. PERO AKO HINDI AKO KALMADO! PIGILAN NIYO AKO MGA MAMSHIE MASASAPAK KO'TO!
Nilapitan ko siya, hahampasin ko na sana siya nang biglang nadapa ako, mali pala dapat madadapa ako pero nasala niya pala ako, napatayo ako, ang lapit nanaman namin sa isa't-isa. Ano bang gagawin ko? Walk out? Sapakin parin siya? Thank you?
"I love it when you look sexy yet you're so absent minded." Ngumiti siya at iniwan akong tulala, tama ba yung nakita ko? Ang tulad niya ngumiti? He's becoming mysterious! And again with the sexiness, bulag ba siya? Sexy my face! Totoo na ata talaga ang chubby is the new sexy.
??? Someone's POV ???
He's falling again, I need to take action. Gaano ba siya katanga? Ilang beses na siyang naloko hindi parin siya natututo?
I just can't take it! I need to do the
"OPERATION:SECRET SPY!"
<3 <3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
(A/N)
Comment your thoughts about the story! Para alam ko kung anong mga comment niyo about sa story! :D
Wee woo wee!

BINABASA MO ANG
Locked Hearts
Teen FictionTwo Hearts Locked, and their key?Only one, pero parehas nilang gusto makuha ang susing ito. Sino kaya ang pipiliin ng susi sa kanilang puso?Ang puso bang naging malamig from countless rejection?O baka naman ang pusong palaging at patuloy na umaasa?