"Uy Faith picturan mo ako dali pang insta!"
Nandito kami ngayon ni Elise sa isang event, kung saan mag peperform ang mga lokal bands na nagsisimula pa lang.
"Faith gusto ko kunwari stolen! Okay?" Tinitigan ko siya with my very bored eyes.
"Uy faith tara selfie dito sa may cotton candy stand!" Hindi ba siya napapagod?
One month na ang nakalipas simula nung nangyare ang kagaluhan sa mall. Hindi pa kami nag-uusap simula non. Sa tingin ko'y wala na rin naman dapat kaming pag usapan. Kung ganong klaseng tao siya, imbis na lumapit ako sakanya ay lalayuan ko na lang siya.
"Faith lapit nako don sa stage ha! Wag kang magpakaligaw diyan!"
Si Elise naman talaga ang may gusto sa event na'to. I'm okay with chilling n' all but I'm not really feeling it right now.
Lumapit ako sa isang bench sa isang gilid, umupo ako dun at nagsimula nang bumalik lahat nang mga nangyare sakin. Hindi ko naisip as in never in my life na naisip kong magkakaroon pa lang ako ng isang weird heartbreak? Yung alam mong wala naman talaga pero hanggang ngayon masakit parin, bakit ganon?
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
11 pm na ngayon pero ngayon ko lang talaga naisipan lumabas para mag-bike, at mag muni-muni.
Napakaganda nang mga ilaw sa gabi. Dapat lang naman akong mag move-on kahit wala naman talagang nangyare. Umasa lang naman ako eh, masama ba?
Kung wala si Elise sa tabi ko ngayon ay paniguradong hirap na hirap ako. Kahit na kukulitan ako sa kanya minsan ay mas masaya parin na lagi siyang nasa tabi ko.
Tumigil ako sa isang 24-hours na convenience store para bumili ng chicken nuggets, at kanin. Umupo lang ako sa labas ng convenience store para ubusin ang binili kong pagkain.
"Faith?" Nagkasalubong ang aking mga kilay, at lumaki ang aking mga mata sa pagka-gulat sa pagkarinig ng kanyang boses na matagal ko nang hindi narinig.
Pero hindi ko siya kayang harapin. Dahil nag assume ako? Oo, at alam kong ako ang mali kaya dapat na lang akong lumayo sakanya.
Tumayo nako agad at lumayo sakanya. Narinig ko siyang sinusundan ako kaya agad akong tumakbo nang mas mabilis pa.
"Faith! Wag mo naman akong takbuhan!" kahit anong sabihin mo hindi ako titigil.
Nakarating nako sa tawiran, dapat ay tatawid nako, umaasa na sa pag-tawid ko ay maka-tawid narin ako sa aking mga dam-damin. Sana makalayo narin ako sa kanya.
Naka hakbang nako, sa wakas ay makakalayo nako sakanya. Pero bago pako makalayo ay muntik nang matapos ang buhay ko kung hindi niya hinigit ang aking braso at niyapos ako nang pagka-higpit. Aamin ako gusto ko ang mga pangyayari mga ganito, kaso kasi hindi pwede eh.
"Faith please, hayaan mo akong magsalita." Bulong niya.
"Faith wag mo akong takbuhan at magusap muna tayo, hindi kita lulubayan kung hindi mo ako kakausapin." ansarap pakinggan ng boses niyang napakalapit sa aking tenga.
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
"Manong diyan lang po sa tabi!" Bumaba agad ako ng jeep.
Lagi akong naglalakad papunta nang university, pero ngayon kasi late nako kayo go go go!!
Nasa 3rd floor nako at bago ko pa mabuksan ang pinto ay may humigit na sakin.
"Ms. Vera It's your first day of being my temporary assistant." I'd be happy if he gave me a actual nice smile, but instead I get one of his annoying and teasing smirk.
Well...sh*t
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
(A/N)
Short update sorry~

BINABASA MO ANG
Locked Hearts
Teen FictionTwo Hearts Locked, and their key?Only one, pero parehas nilang gusto makuha ang susing ito. Sino kaya ang pipiliin ng susi sa kanilang puso?Ang puso bang naging malamig from countless rejection?O baka naman ang pusong palaging at patuloy na umaasa?