*Kring Kring*
Inaabot ko ang aking cellphone para patayin ang aking alarm.Tumama sa mata ko ang sinag ng araw,tumayo ako para buksan ang bintana at ang kurtina, bumungad sakin ang mga nag jojoging sa kalsada, teka anong oras palang ba?
"6:30 am"
Sobrang aga pa pala.Umupo ako sa aking white na kama,ano nga ba ang gagawin ko ngayong araw na'to?Magkukulong lang ba ako sa bahay,o' lalabas para mag bike, dahil maaga panaman at hindi pa ganon kasakit sa balat ang araw?
Pagkalabas ko ng C.R ay dumiretso nako sa loob ng aking kwarto, binuksan ko ang aking drawer para kumuha ng isang komportableng shorts, at isang white T-shirt, kumuha na lang din ako ng kahit anong rubber shoes na makita ko.
Lumabas nako sa apartment, kinuha ko ang aking bike at nag simula ng pumdyak, pumunta ako sa lugar na malapit sa park, doon kasi mahahanap ang isang maluwag na daan na pwede kang mag bike, hindi naman siya biker's lane pero doon usually nagbi-bike ang mga tao.
Paikot-ikot lang ako dito, wala naman akong ibang gagawin dahil wala akong pasok ngayong araw.Biglang tumama sa isip ko ang nangyare last week.After 2 years nalaman ko narin ang pangalan ni kuyang katabi ko sa locker, Zach huh?Never heard of him in school, matangkad siya athlete kaya siya ng school?Maya-maya ay pupunta ako ng school para ibalik ang librong hiniram ko para sa isang report.Itinabi ko muna ang bike ko sa may puno para umupo at uminom ng tubig.
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
Kakatapos ko lang maligo,pupunta nako ng school para wala nakong gagawin mamaya, ayokong ma stuck sa traffic, grabe kasi ang traffic papunta sa school mula dito.Alam kong nilalakad ko lang ang school mula dito, pero pag traffic kasi lumiliit ang daanan para sa mga naglalakas kaya hassle.
Nang natuyo na ang buhok ko ay sinuklay ko agad ito,nilagay ko muna sa hair roller ang bangs ko, binuksan ko ang aking drawer, ano naman kayang susuotin ko?Kinuha ko ang isang high-waisted pink skirt at isang off shoulder white top. Tinuck in ko ang aking pantaas sa aking skirt, kinuha ko ang aking gray cardigan dahil malamig sa labas, wala nakasi akong masuot ito na lang ang meron!Kinuha ko na lang ang isang white shoes na niregalo sakin ng aking kaibigan na si Elise.
Malapit nako sa school dahil nakikita ko na ang isang malaking sign nito.Si Elise lang ang naging kaibigan ko, kaibigan ko siya ever since elementary at high-school.Pero hindi na kami nakapag-sama dito sa aking university dahil ayaw siyang paalisin ng kanyang mga magulang sa amin.Medyo strict kasi ang parents ni Elise eh.
Pagpasok ko ng school nakita ko ang ibang mga studyante na may pasok kahit sabado na.Pumunta nako sa hagdanan para makarating na ng 3rd floor.Pagkapasok ko ay nagulat ako dahil walang tao sa loob ng library, AY!Wala nga pala si Ms.Fernandez every weekends.Iniwan ko na lang sa isang part-timer ata na kapalit muna ni Ms.Fernandez every weekends.
Pagbaba ko sa ground floor laking gulat ko ng biglang bumuhos ang pagkalakaslakas na ulan.Tinignan ko ang bag..WAIT NAKALIMUTAN KO ATA MAG DALA NG PAYONG, WHY NOW?BAKIT HINDI KO NA LANG BUKAS KALIMUTAN YUNG PAYONG KO NGAYON TALAGA?Well wala akong choice kundi patilain ang ulan.
"Faith!"parang pamilyar yung boses na narinig ko.
"Faith!"Palapit ng palapit yung boses na sobrang pamilyar talaga.
"Faith!"Si Zach pala!Kaya pala sobrang pamilya ang boses na naririnig ko.Nilagay niya ang kamay niya sa aking balikat at ngumiti ng isang napakalaking ngiti.
"O Zach ikaw pala, bakit nasa school ka?"Really Faith?Nice question!Dapat hindi nako nagtanong non eh, malay mo private reasons, wala na eh nasabi ko na.
"May klase kasi ako eh ikaw?"Ah may klase lang naman pala.
"Binalik ko lang yung libro na hiniram ko sa library."Ang kamay niya ay nasa balikat ko parin.May kinuha siya sa bag niya.
"Faith wala ka bang payong?"MERON!MERON TALAGA!KAYA AKO NAKATAYO DITO EH!
"Wala eh patitilain ko na lang yung ulan."
"Sabay ka na sakin gusto mo?"Sino ba ako para tumanggi gusto ko na rin makaalis dito eh.
"Sige!"Nginitian ko siya,sumilong nakami sa payong niya na kulay black,malapit lang kami sa may mga food carts area na nasa tapat lang ng school.Sabi ko sakanya kahit ihatid niya na lang ako sa may sakayan um-oo naman siya.
Medyo nababasa na ang paa ko pero konti pa lang naman eh, sa sobrang lakas ng ulan hindi nako magtataka kung-- LUMIPAD ANG PAYONG NIYA??!!Napatakbo kami bigla sa isang malaking payong kung saan nakasilong din ang mga nagtitinda ng mga street foods.
Bakit ba andaming kamalasan nangyare sakin ngayon?Ay ang oa ko pala dalawa pa lang naman, PERO WAG NA NATIN DAGDAGAN PLEASE LANG!
"Faith!Gusto mo?"Nagulat ako ng nakita kong bumibili na siya ng fish-ball at kwek-kwek sa isang food cart.
"Libre mo?"Siyepre dapat praktikal tayo kung di mo libre edi wag.
"Sige kuha ka lang diyan!"Aba rich kid ata si kuya.
Kumuha ako ng stick at kumuha ng sampung fish-ball at nilagay ito sa isang baso, kumuha rin ako ng limang kikiam, at dalawang kwek-kwek, hindi ako matakaw!Diet nga ako eh!Muntik naakong mabulunan ng nakita ko ang tingin niya saakin, yung tingin na sinasabi "Bakit ko pa siya nilibre?" Aba!Sino ba nagsabing ilibre niya ko?Wala naman diba?
"Magkano po ate?"Tanong niya sa tindera.
"Hmm..fifty pesos lang."WAIT?GANON NA PALA KADAMI ANG NAKAIN KO?Nag-bigay siya ng fifty pesos sa tindera at lumapit sakin.
"Faith wala ng ulan tara na!"Oo nga wala ng ulan!
Naglalakad kami ngayon sa isang catwalk papunta sa apartment ko, ang awkward ng katahimikan kaya napag desisiyonan kong kausapin siya.
"Zach varsity kaba?"Mukhang hindi niya inaasahang magtatanong ako, dahil hindi maipinta ang mukha niya ngayon.
"Oo,simula ng lumipat ako dito ay nag varsity na agad ako."Ah mukha naman siya athlete kahit mukha siyang payat tignan maganda pa rin ang built ng kanyang katawan.
"What made you like sports?"
"Well,simula pa nung bata pa ako malapit nako sa sports, basketball to be exact, lagi rin akong nagpaparticipate sa iba't-ibang sport activities nung bata pa ako."
"So you really love basketball?"
"That's the only thing that I love currently."Hmm?Bakit parang naging mysterious ang aura niya?
"The only thing I can tell you is that, something happened to me that made me who am I right now."What exactly is him right now?
"Oh faith ito na ba ang apartment mo?"Andito na nga kami.
"Bye faith!"Ngumiti nanaman siya ng pagkalakilaking ngiti!
Tumalikod nako at papasok nako sa apartment bubuksan ko na sana ang pinto ng.
"FAITH!Bago ko makalimutan nood ka ng game namin sa court sa Monday ha?Okay?Okay!Bye goodnight!"Tumakbo na siya paalis sa harap ng apartment ko.
Hindi ko manlang nasabi na "sige papanoorin kita!" pero hayaan mo na, I'm still curious kung ano ba ang nangyari sa kanya na that made him right now, I guess we're not that close yet to share such information.But anyway excited nako sa game niya sa monday!
<3 <3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
Teen FictionTwo Hearts Locked, and their key?Only one, pero parehas nilang gusto makuha ang susing ito. Sino kaya ang pipiliin ng susi sa kanilang puso?Ang puso bang naging malamig from countless rejection?O baka naman ang pusong palaging at patuloy na umaasa?