(A/N)
Edward Jung~
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
Ngayon ko lang na realize na ito pa lang pala ang pangalawang araw ng trip na ito. Ngayon ay magsisimula ang morning free time. Sa morning free time obviously walang activity na kaylangan gawin, it's purely exploring this area. I find this beach resort really beautiful.
A loose white spaghetti strap tank top with a black n' white polka dots bikini bra inside, random shorts I found, at tsinelas lang ang aking suot ngayon. Mainit sa labas kaya maluwag at komportableng damit ang aking sinuot.
Lumabas nako ng kwarto namin ni Elise at naglakad papunta sa beach. Ang ibang mga studyante ay naliligo sa dagat, at ang iba naman ay nakahilata or naglalaro sa tabing dagat. Napansin ko na si Elise ay nakikipaglaro lang sa kanyang mga kaklase.
"Faith!" Lumingon ako at nakita ko kaagad si Zach.
"Wanna do something fun?" tumabi siya sakin, nakatayo lang kaming dalawa dito.
"Like what?" My bangs are all over my face right now.
"Beach volleyball?" Lumingon siya sa bandang kaliwa at nakita ko na ang iba naming kaklase ay naglalaro ng volleyball.
"Why not?" Tumakbo kami papunta sa beach volleyball court.
Hindi ko kilala ang mga tao dito-- Scarlet? Wait..Edward?! Nasa iisa silang team silang dalawa. Kulang ang kabilang team kaya doon kami sumali ni Zach. Tinitigan lang ako ni Edward, at napansin ko na pasulyap-sulyap naman si Scarlet saakin.
Narinig na namin ang pito na nagsesenyas ng pag serve ng kalaban. Nag serve na ang aming kaklase at nakapunta ito saamin. Nasa front row ako, si Zach naman ay nasa back row specifically siya ang nasa gitna ng back row at ako ang nasa gitna ng front row. Na receive agad ni Zach ang bola, pataas ang kanyang pagkakareceive nito. Tinoss ko ang bola papunta sa kabilang team, in other words I wanted to trick them. And they fell for it! 1 point to team LuP3Tz jk lang hehe.
Nasa match point na kami ngayon. 24 na sila at 20 pa lang kami. Ako na ang magseserve, magdasal na lang tayo na hindi ako papalpak. Para sure ay mag ooverhand serve na lang ang mamshie niyo. Pagkatama ng bola sa aking kamay ay maayos na nakapunta ito sa kabilang net. Na receive ni Scarlet ang aking serve. Tinoss ni Edward ang bola kay scarlet. Back set?! Nahampas ni Scarlet ang bola! I guess they won.
"Yes!" Nakita ko na naghighfive si Scarlet at si Edward, close sila? Pero masnagugulhan ako nang nakita kong nakatitig si Edward kay Zach na para bang may galit siya dito.
<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3<3
"I'm sorry Faith." Sa ngayon ay nandito kaming dalawa ni Zach sa tapat ng sasakyan niya pabalik ng school.
"It's okay Zach naiintindihan ko naman eh." Kaylangan niya na kasi bumalik dahil kaylangan nilang mag intense training para sa game nila next month. I know, next month? Well I guess that's why he has a toned body, HOY FAITH BODY ANG NAPANSIN MO AGAD!
"Okay, bye Faith! Ingat ka." Tinamaan nanaman ako nang kanyang napakagandang ngiti.
"Bye Zach." Nginitian ko din siya habang pumapasok siya sa sasakyan ng school. Binuksan niya ang bintana sa sasakyan at kumaway saakin hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.
"Do you know him well?" Tumalikod ako at nakita ko si Edward. Hindi padin ako masyadong sanay tawagin siya sa kanyang pangalan.
"Why?" Lumapit ako sakanya nakita ko naman siyang humakbang nang kaunti palayo.
BINABASA MO ANG
Locked Hearts
Teen FictionTwo Hearts Locked, and their key?Only one, pero parehas nilang gusto makuha ang susing ito. Sino kaya ang pipiliin ng susi sa kanilang puso?Ang puso bang naging malamig from countless rejection?O baka naman ang pusong palaging at patuloy na umaasa?