Ikaanim

6.4K 166 17
                                    

Trixie


Hindi nila ako pinalabas sa bahay simula noon. My mom said that I will have to quit all my subjects and stop my schooling altogether. To make matters worse, mula ng malaman ko na buntis ako sa anak ni Nick, araw araw na rin akong nagsusuka. I can't retain food anymore kasi bawat kinakain ko ay inilalabas ng anak ko. There are times when I was so depressed, I won't even touch any kinds of foods anymore. Para bang natrauma na ako na kumain lalo at wala rin namang kwenta.

Araw-araw pa rin ang pangungulit nina mommy kung sino daw ang ama ng bata pero nanatiling nakatikom ang bibig ko. I won't tell. Unless I told him first and he said go, I won't tell. I owe him that much. Alam ko din naman na ako ang nagpumilit nung gabing iyon. Kasalanan ko.

Matters grew from bad to worse when my body started declining. My parents have not forgiven me yet but they are now hands on when it came to my health risks. Kahit si dad ay ipinagpaliban na din ang pagmemerge ng contract nila nina Nikolai para lang maalagaan ako. It was so hard.

In the end, I was taken to the hospital and was under observation for almost a week. Kailangang naka-IV drops ako para sa nutrition namin ng baby at ganun din, pinainom nila ako ng mga vitamins na makakatulong para maging mas maayos ang lagay namin. Medyo nakabawi din ako pagkatapos nun.

But my thoughts are still on him. I have to tell him. I need to tell him about his child.

Ngayon, hindi ko alam kung bakit pero mas mabilis na akong umiyak. Sabi ni mommy normal daw yun sa isang nagdadalang-tao. Hindi pa masyadong halata ang tiyan ko pero kapag hinihimas ko siya, nararamdaman ko ang maliit na umbok sa aking puson. Hindi ko pa siya nakikita pero nararamdaman ko na ang koneksyon namin. Nakakatuwa na kahit marami ang nawala, sobrang worth it ang pumalit. Kasi hindi ko pa man alam ang magiging kasarian ng anak ko, hindi ko pa man siya nakikita, alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko na siya.

"Gumaganda na ang kutis mo anak. Hindi na iyong kagaya ng dati na para kang maputing bangkay." ani Aling Remy isang araw habang inaayos namin ang mga gamit sa ospital. Ito ang huling araw namin dito at kasalukuyan kaming nagliligpit para pagdating ni Kuya Joe, tutulak na kami pabalik sa mansyon. Ngayon ko rin binabalak na hanapin si Nikolai at sabihin sa kanya ang totoo.

"Talaga Aling Remy? Mabuti naman kung ganun para hindi ako magmukhang multo sa harap ng tatay nitong--" natutop ko ang aking bibig ng mapagtanto na muntik ko nang maisiwalat ang itinatago kong lihim. Kahit si Aling Remy ay nanlaki rin ang mga mata sa narinig.

"Ang ibig sabihin Alejandra, kilala mo kung sinong ama ng bata?"

"Nanang, oo naman po. Ayaw ko lang sabihin kina mommy kasi natatakot ako."
Pumalatak siya bago nagsalitang muli."Ano ba kasing ikinatatakot mo ha, hija?"

Natatakot ako na baka pilitin siya ng mga magulang ko kahit ayaw niyang panagutan ang bata. Natatakot ako na baka magalit siya sa akin. Natatakot ako na baka isumbat niya sa akin ang mga nangyari. Natatakot ako na baka dahil sa akin kaya masisira ang buhay niya.

Ang dami kong ikinakatakot pero hindi ko iyon isinatinig. Kasi natatakot din ako na baka sabihin ni Aling Remy kina mom.

Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit. Ilang minuto matapos iyon, nakapag-ayos na kami at dumating na din si Kuya Joe. Tumulak na kami pabalik sa mansyon habang masayang nagkukwentuhan.

"Alam mo Alejandra, masayang masaya pa rin ako na magkakaapo na sa bahay. Kailangan ng mansyon na iyon ng boses ng bata. Kuu.. Nakita mo ba itong si Joe, wala yang pampakain sa pamilya niya pero maraming anak. Tingnan mo at masaya pa rin." saad ni Aling Remy.

"Mas masaya ang tahimik na pamilya kaysa sa mapera." bungad din ni Kuya Joe.

Napangiti ako. "I love my family the way it is. Sadyang malaki lang talaga ang bahay namin. It's typical not to see each other often Aling Remy." tugon ko rin.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon