Ikalabing-apat

5.9K 204 91
                                    

Trixie

Wala naman talaga akong pinuntahan nung gabing iyon. Nagpaikot ikot lang ako sa buong kamaynilaan, walang patutungahan, walang pinanggalingan. Parang yung buhay ko lang, hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari kasi hindi ko alam kung anong meron.

I parked my car in a small clearing overlooking a small pond. Hindi ko alam kung saang parte na ako ng mundo ngayon, wala din akong pakialam actually.

Wala akong nakikitang tao sa paligid at kokonte rin ang dumadaang sasakyan sa lugar na to kaya malakas ang loob ko na lumabas ng kotse at lumanghap ng sariwang hangin.

I filled my lungs with fresh air and then slowly released it back to nature. Tapos na ang pagtulo ng luha ko. Ubos na rin ang sandamakmak na tissue sa binili ko sa isang drugstore. Hindi ko na alam kung ano pang minumukmok ko dito sa dilim. Ang kaso, ayoko pa talagang umuwi sa bahay. Kapag pumunta naman ako kina mommy, alam kong wala pang limang minuto, nasa harap na ng bahay namin si Nikolai at bumubusina na ng pagkalakas-lakas para pauwiin ako.

I don't want that now. But at the same time, I don't know what I want too. Magulo ang utak ko at nangako ako sa sarili ko na uuwi lang ako kapag naayos ko na ang lahat.

But first, I have to accept what I've been denying all along.

Fine. Nagalit ako hindi dahil pinag-uusapan ng tao na nakakaawa ako. Ang iniwang asawa, walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid niya. Nagalit ako dahil... dahil masakit para sa akin na makita na ang taong natutunan ko nang mahalin ay hindi ko pa rin lubusang pag-aari.

I also admit that I've come to love Nikolai. Hindi ko alam kung malalim na infatuation lang ba ang nararamdaman ko o kung talagang mahal ko na siya, pero ang sigurado ako, may nararamdaman ako para sa kanya.

That's why it hurts. It hurts so bad.

Pero kasalanan ko naman. Kung hindi kasi ako pumayag sa kagustuhan ni dad edi sana, sana kahit papano, kontrolado ko pa rin ang nangyayari sa buhay ko.

Edi sana, sa mga panahong ito, kahit malungkot ako at hinahanap-hanap ko siya, okay lang kasi sanay na ako dun. Pero yung ito? Yung feeling na mahal mo tapos may ibang mahal, mahirap pala. Nakakadurog ng puso. Nakakawalang gana.

So the question is, what should I do now? Meron pa kaming anim na buwan para magsama. Six months is short pero kung ganitong araw araw kang nasasaktan, pakiramdam ko ay ang tagal-tagal ng araw. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayaning makasama siya ng matagalan sa iisang bubong.

I remembered my mom. Sabi niya sa akin, Princesses always do the sacrifices. Tama ba yun?

Oo nga at nagpakahirap si Cinderella bago niya nakilala ang prince charming niya, pero bago yun! Before. E, after na ang buhay ko ngayon e. Kailangan ko pa rin bang magsakripisyo? Ako na lang ba palagi?

I heaved a sigh and looked around me. Kung aalis ba ako sa bahay, magiging masaya ba ako na mag-isa? Will the baby be healthy without my parents and Nikolai's support?

Pero ganun din naisip ko, maybe I need to change my gameplan now. Bakit ko ba iniwan ang party life? Sinong nagsabi na kailangan kong magkulong sa bahay? Healthy ba na ma-stress sa bahay when I can do all the things that I did before and be happy? I can look up Luke on facebook. Kung may Petra si Nikolai, who said that I can't have a man of my own? Kung may sariling buhay siya, who said that I can't bring back mine? An eye for an eye, a tooth for a tooth sabi pa sa Bibliya.

Sinabihan ko na siya noon pa na kung anong ibibigay niya saken, yun din ang ibabalik ko sa kanya. Hindi naman ako nagkulang sa pagbabanta di ba?

That settled, I went back in the car and tried sleeping the night in. Bukas na lang ako babalik pag sigurado na ako na wala na si Nikolai sa bahay. And then bukas, I will start my life again. Back to my old self. No more aiming to please. No more broken hearts. Bukas, pangako ko sa sarili ko na hindi ko na ibibigay pa ang kaligayahan ko sa kamay ng ibang tao.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon