Ikadalawampu't dalawa

5.9K 183 53
                                    


Trixie


"Trixie, why are you like this?" he asked exasperated.

"Hindi mo naman kasi naiintindihan, Nikolai." puno ng pasensya kong paliwanag, "I am not comfortable with this kind of position tonight."

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga akong katabi."

"Ano bang pinagsasasabi mo--- look, I am five months pregnant now, the baby is kicking, and I can't stay in one position like I used to. Hindi naman sa ayaw kitang katabi--"

"E ano ba kasing mahirap sa gagawin mong unan yung braso ko tapos yayakap ka saken gaya ng dati? Hindi ko naman iipitin si little bean e." maktol niyang parang bata.

I sighed. "Nikolai..."

"Fine Trixie. Do what you want. Total, ikaw naman talaga palagi ang nasusunod e." saad niya sabay talikod sa akin.

He made a show of plumping his pillow by thumping it repeatedly and then pulling the comforter over him, almost taking it all away. Muntik na ngang walang maiwang comforter sa akin e.

Sus, pa-echos pa. Ginagawa niya lang naman yan para lumapit ako sa katawan niya at dun ako manghingi ng init. Kung bakit ba naman kasi itong si Nikolai, gosh, sobrang clingy! Nung una, nung nasa bar pa lang kami, ang buong akala ko sa kanya ay malamig, na walang pake sa mga tao sa paligid niya, ang siste, ang totoong Nikolai pala ay sobra as in super clingy. Takte, ang gusto niya palagi ay yung nahahawakan ako, lalo sa pagtulog. At iyon nga ang pinagkakairingan namin ngayon. Kasi ang gusto niya, nakaplaster ako dapat sa katawan niya. E ako naman, gusto ko ng mas maluwag na lugar para kay little bean. Kahit na kasi five months pa lang siya, kung makasipa, akala mo si kung fu panda. Ang lakas. Dahil din dun kaya medyo magalaw ako sa pagtulog. Minsan sinasabihan niya ako na dinaig ko pa daw ang orasan sa kakaikot.

Isa pa, itong baby ko, five months pa lang siya pero mapili na siya sa mga bagay-bagay. There are times when I really don't like the  feeling of being in a closed space kahit dati hindi naman ako ganun. Mga bagay na inaayawan ko ngayon kahit dati ay gusto ko naman.

He finally settled on the bed facing the wall away from me. Alam ko kapag nakakatulog na si Nick. His breathing grew deep and his lips make a small gap. Iyong gwapo niyang mukha ay nagiging mas bata dahil natatanggal yung mga alalahanin doon. Kaya nung mga ilang minuto na at hindi na siya humarap sa akin, I wondered if he was asleep. Kaso nung tingnan ko, he was still breathing a little fast and irregularly.

Nainis yatang talaga. Napangiti ako. Sa kabila ng ka-sweetan ng taong ito, may mga pagkakataon na sadyang mabilis siyang maasar at mawalan ng pasensiya. Minsan din, para siyang bata na nagmamaktol kapag hindi nasusunod ang gusto niyang mangyari.

"Nikolai, I'm sorry na, okay?" saad ko sabay patong ng baba ko sa braso niya. "Look, babawi ako bukas ng gabi."

"Wag na."

See! Parang bata.

"Hmm, sorry na kasi. Gusto ko naman talaga kaso ayaw talaga ni baby."

"Kailangan niya na bang ma-spoil ngayon? Trix, kapag gabi na nga lang tayong magkasama e. Pati ba naman yun, mawawala pa saten?"

"Ayy.." saad ko habang pinipigilan na lumabas sa boses ko na kinikilig ako. "E, pero intindihin mo naman kasi."

"Matulog na nga. I'm fine." saad niya ngunit hindi man lang humarap sa akin.

Gusto ko nakaharap siya saken pag natutulog kami, bakit ba ayaw niyang humarap? Galit pa siya e.

"Nick.. Nikolai.. Niko.. Hoy.." sinasabayan ko pa ng yugyog ang balikat niya para lang humarap siya kaso nanatiling nakaharap ang likod niya sa akin.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon