Ikadalawampu't anim

5.8K 186 84
                                    

Trixie

I stared unseeingly at the faces that were  there. Mga mukha na kilala ko pero nung mga panahon na yun ay hindi lubos na maproseso ng isipan ko kung sinu-sino. I stared at the floor where I've gone ballistic at lalong nanginig ang dati ko nang nanginginig na mga kamay ng mapagtanto ko ang extent ng nagawa ko.

Can I make my pregnancy and the hormones an excuse for what I did? I almost killed her. May anak din siya, for goodness sake. Buntis din siya! God, how can I ever do this kind of evil?

Inilipat ko ang tingin ko sa mga kamay ko. These hands. These hands are capable of those kinds of things. Hindi ko lubos akalain na ganito kasama ang mga kamay ko. Hindi ko makuhang tanggapin sa sarili ko na kaya kong ipahamak, hindi lang ang buhay ng isang babae, kundi pati na din ng sa anak niya. Sa isang walang kalaban-laban din na bata.

I wasn't aware that the people around me were whispering. I didn't even notice the mad snaps of camera lights that came my way. Nagulat na lang ako ng biglang may magsalita sa harapan ko at tinakpan ako mula sa mapang-usig na mata ng mga tao.

"Come, let's get you home." mahinang saad ni Nikolai kasabay ng paghawak niya sa braso ko.

The moment that his hands connected with my skin, I automatically flinched. May dapat akong alalahanin pero sa mga oras na to ay hindi ko din maalala. Ngunit kahit hindi ko maalala kung ano man iyon, ang sigurado ako ay ayokong hawakan niya ako ngayon.

"Don't... Don't touch me please."

"Trixie--"

"I'm going home." mabilis kong sagot ng hindi tinitingnan ang kanyang mukha.  "Not our home.. I'm sleeping over at my parents tonight. Sa kanila na ako sasabay."

"Trixie Alejandra!" he whispered angrily. "Sa akin ka sasama--"

"Please. Pakitingnan na lang si Petra. Just update me on her status, okay?"

Tumalikod ako at naglakad ng mabilis upang lumabas din sa banyo kahit na madaming nakaharang sa pintuan doon. I will brave them, these unknown people, kaysa yung mga tao na nasa loob ng banyo na kasama ko. Hindi ko kayang makita ang mga mukha nina mom, dad at ni Luke. Lalong lalo na yung kay Nikolai. Ayokong makita ang galit at paninisi doon.

Hindi pa ako nakakailang hakbang palayo sa kanila ng biglang may isang reporter na humarang sa akin at kulang na lang ay ingudngud niya ang mukha ko sa hawak niyang microphone.

"Mrs. Fuentes-Levakis, bakit niyo po sinaktan si Petra Kouros?"

Natigil ako sa paglalakad dahil doon. Isang maguguluhang tingin ang pinukol ko sa reporter bago ako nagsalita. "I wasn't.. I didn't mean to.."

Hindi ko pa natatapos na sagutin yun ng biglang may panibago ulit na tanong ang ipukol sa akin ng isa pang bagong dating. "Mrs. Levakis, totoo ba na selos ang ugat ng karahasan na nangyari sa banyo?"

"N-no.. It was about the baby."

"Totoo ba na maliban sa dinadala mong anak, anak din ni Mr. Levakis ang bata sa sinapupunan ni Petra?"

"I don't know!" biglang sigaw ko. "What do I know? What do we know?! She could be a slut for all we knew about her. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung nagsasabi siya ng katotohanan."

"So ibig sabihin, siya na mismo ang nagconfirm na anak nga talaga ni Nikolai ang bata?"

"Here Mrs. Levakis, totoo ba na pinakasalan ka lang ni Mr. Levakis dahil sa bata na dinadala mo sa sinapupunan mo?"

"Mrs. Levakis, is the rumor true that when you give birth to the baby, you will get a divorce?"

Habang nagsasalita ang mga taong yun na nakapaligid sa akin, pakiramdam ko ay parang umiikot din ng mundo ko, ng pagkabilis-bilis. Where the hell did they get that kind of rumors? Walang nakakaalam nun kundi kami lang sa loob ng pamilya. I was so overwhelmed, so confused na kung walang malakas na kamay na humawak sa akin, marahil ay natumba na din ako sa sahig kagaya ng nangyari kay Petra.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon