Trixie
"Please Nikolai, don't do this to me." pakiusap ko sa kanya habang ini-empake niya ang ilang damit sa kanyang maliit na travelling bag.
Ang mga gamit ko pala, na nasaktong iniayos na din ni mommy sa pag-aakalang dito lang kami maninirahan sa Pilipinas ay nakahanda na rin sa kotse. Everything was packed and ready maliban sa akin. Hindi pa rin ako nagpapalit mula sa suot kong wedding gown. And it's already six in the evening. Alas nuebe daw ang flight namin.
"It's non-negotiable Trixie. My parents expect that of me. Kung may isang bagay na hindi ko ipagkakaila sa mga magulang ko, iyon ay ang makita at makilala ang kanilang apo." sagot niya habang patuloy pa rin sa pag-eempake. It feels like he's not even listening to me with the way he's not even facing in my direction. Pakiramdam ko ay para bang wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.
"We can.. We can always bring him to your parents pag malaki na siya at pwede na siyang bumyahe or we can also ask them to come and visit us. Nick please, I can't be away from my parents." I pleaded almost desperately. Ang isipin pa lang na malalayo ako sa mga tao na nagmamahal sa akin ay sapat na para durugin ang puso ko. Ang isipin naman na magkakaroon ako ng mga tao na dapat pakisamahan ay sadyang nagdadala ng takot sa isip ko. I mean, hindi ko kilala ang pamilya niya, hindi ko alam kung anong iniisip nila sa akin! Hindi ko alam kung mabait ba sila o kagaya sila ni Nick, medyo snob, medyo hindi madaling pakisamahan.
"Funny that you say that." saad niya bago tumigil sa ginagawa at hinarap ako. "May asawa ka nang tao Trixie. Learn to be independent."
"I am!" agaran kong sagot. "I am, I promise." itinaas ko pa ang isa kong kamay para ipakita na seryoso ako pero ibinaba niya iyon.
"Don't do that sign." mahina niyang bulong.
Tinitigan ko ang kamay ko, at inisip kung bakit hindi pwedeng gawin ang promise sign na iyon pero nanatiling blanko ang isip ko. In the end, I just shrugged it off.
"Independent ako Nick!" patuloy ko sa sinasabi. "But you know, pregnancy can be hard lalo kung bago ang paligid at ang mga tao. I'll have to adjust to people and to the langueage and to the culture. It won't be easy and it might affect the baby."
"Trix, no. I told you, this is non-negotiable. Ipinangako ko na ito sa kanila noon pa. I can't renege on a promise just because you..."
"What if I told you that this is not yours?" biglang saad ko para lang matigil ang sinasabi niya. I want to stay! I want to! Hindi niya ako pwedeng ilayo sa mga magulang ko ng ganun ganun lang. Wala ba akong sariling opinyon dito sa marriage na to?
Ang kaso, mali yata ang nasabi ko. I saw how his eyes harden when I said that. Nagtiim ang kanyang panga at parang may dumating na bagyo sa kanyang mukha. Even his hands were clenching ang unclenching as if he's trying to stop himself from hurting me.
"What did you say Trixie?" dahan-dahan niyang tanong sa gawi ko. Definitely trying to control himself.
Strong heart Trix. No backing out now.
"If.. If I told you that.. that this b-baby is not yours, will you let me stay h-here?" kandautal kong tanong.
Naningkit ang mga mata niya habang pinoproseso sa utak ang sinabi ko. He's trying to process the facts from the lies. Sinusubukan niyang alamin kung ang sinabi ko bang hindi sa kanya ang bata ay sugal lang na maituturing o talagang nagsasabi ako ng totoo.
And then slowly, very deliberately, he took hold of my arm in a punishing grip, although his voice when he talked was devoid of emotion. Tinitigan niya ako sa mukha bago siya nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]
Teen FictionA spoiled brat. An embittered man. A one night stand which happened to produce a little consequence one month later. And an arranged marriage from an interferring father. Will things start falling into place or will chaos continue as Trixie amd...