Ikalabing-isa

6.2K 177 49
                                    

Trixie

"Good to know that you already found new friends in your new home Trix." matigas na saad ng boses na iyon sa likod ko.

Napasinghap ako kasabay ng paglakbay ng mga mata ko sa mukha ni Nikolai. At dahil nakadikit ang kabuuan ng likuran ko sa harapan niya, kinailangan ko lang na tumingala para malaman kung anong nasa isip niya ngayon.

"Nikolai.." hindi ko makapaniwalang bulong.

Ibinaba niya ang kanyang malamig na titig mula kay Luke pababa sa akin.

"Let's go." walang emosyong saad niya bago ako hinila ng walang kaabog-abog.

"W-w-wait, wait Nick. Kailangan kong magpaalam kay Luke. He is my friend." nauutal kong saad habang sinusubukang pigilin siya sa kakahila sa akin. I tried planting both of my feet on the ground but he was much bigger and stronger that I didn't even stand a chance.

"I don't care if he's the president of the Philippines Trixie, I want you up on the flat and not here. Now let's go."

"But I still have to take his number, Nick! Don't be rude." I cried out as we are nearing the elevator. Nakakahiya ngang isipin na iiwanan ko lang si Luke doon gayong ako naman talaga ang dahilan kung bakit siya andun. Kung hindi naman kasi ako nagpasama, edi hindi sana siya maiiwan ng mag-isa sa parking lot.

What I don't get is why he had to drag me up as if I were an errant youth who cannot be controlled. Nakakainis na ganito ang turing niya sakin kahit wala naman akong ginagawang masama. And I am his wife, for Pete's sake, hindi ba ako nararapat na tratuhin ng may respesto at konsiderasyon?

He didn't answer but continued in dragging me along, holding me captive and never even giving me a chance to stop and wave Luke goodbye. Kahit iyon na man lang. Tuloy, hindi ko alam kung anong iisipin ng kaibigan ko sa ginagawa sa aking ito.

"Nikolai, stop! Para mo naman ako nitong tinatratong bata. Hindi ako teenager na kailangan mong kaladkarin para lang sundin ka!" sigaw ko sa kanya.

Fortunately, he did stop when I said that.  He swung around and looked at me with an intensity that I haven't seen from him before. I looked back at the car and heaved a sigh of relief when I found out that we are not within Luke's sight anymore. Kahit na alam ng kaibigan ko ang tungkol sa totoong samahan namin ni Nikolai, ayaw ko pa rin na ma-witness niya first hand kung paano ang totoong relasyon na meron kami ni Nick.

"Look at me Trixie." he said forcefully while holding my arm in a punishing grip  making me look back at him wide-eyed. Nagtatakang binalingan ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko at saka pilit na nakinig sa kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"I know that I may not be the only man in your life, you being a party girl and all that, but I want you to know that I won't tolerate you making a cuckold of me!" marahas na saad niya.

I flinched as if he just slapped me in the face because of his accusation. What did I do to him that his knowledge of me has been from derogatory to downright below the belt? Kasalanan ko ba na mabuntis ng ganun kadali? Pokpok na ba ako dahil magaling magdevelop ng bata ang obaryo ko? Pokpok ba ako dahil nakipag-one night stand ako sa kanya gayong hindi ko pa nga nagawang makipaglaplapan sa kung kaninong lalaki hanggang sa gabing iyon na halos ipagduldulan ko na ang sarili ko sa kanya? Ganun na ba ako kadumi para tratuhin niyang ganito kahit na hindi ko naman talaga kasalanan na manhid siya at hindi niya naramdaman ang pagkababae ko nung gabing iyon?

Tangingang kabayong may lahing tikbalang naman o! Ako ba ang may kasalanan ng lahat ng ito?

Kahit na hirap na hirap ako, pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at walang kaimik-imik na nagpatiuna sa pagpasok sa elevator. Let him fucking rot in hell. Kung babalik kami sa flat, ako ang magdadala sa sarili ko doon at hindi kung sino na magkakaladkad sa akin.

The Kontrabida Series #1: TRIXIE ALEJANDRA FUENTES [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon